Date Published: June 20, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021
HENRICKA
Nandito kami sa loob ng opisina ngayon at tumingin siya sa 'kin ng direkta sa mga mata ko.
"Maghahanap na ko ng bagong sekretarya. You're my fiancé so, kailangan na kitang palitan as my secretary para hindi ka masabihan nang kung ano-ano ng iba." Tumango ako sa kaniya at niyakap ako.
"Saka, I want you to focus on your business because that's important for you." Tumango ulit ako sa kaniya.
"Pero paano kung - " Hindi ko na natapos 'yung gusto kong sabihin nang hinalikan niya ko. Napayakap ako sa kaniya at niyakap niya din ako.
"Don't day another word. Trust me. Ako ang bahala." Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya. Alam kong ligtas ako sa kaniya kaya pagkakatiwalaan ko siya.
Lumapit siya sa table niya at kinuha 'yung telepono na nandoon.
"Mag-hire kayo ng bagong secretary. At dapat lalaki at pagkakatiwalaan. The same requirements but, dapat lalaki," seryosong saad niya at binaba na niya 'yung telepono.
"Jagiya, about the hotel and your shop... Ito na ang plano." Tinignan ko ang blueprint niya kaya naman napatango ako.
"Nagawa na ba?" Tumango siya sa 'kin at hinalikan niya ko sa noo ko. Inakbayan niya ko at tumingin ulit kami sa blueprint.
"Gusto kong makita ang hotel kung gawa na siya. Para na din makita ang branch ko doon at magawa ko ng design." Ngumiti siya.
"Sure, let's go now. I also want you to see it anyway." He giggled then, binaba na niya ang blueprint sa lamesa at nilagay sa bag.
Pagkatapos n'on ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila na niya ako paalis.
THIRD PERSON
May isang lalaki na may dalang camera ang nag-aabang sa tapat ng kompanya ng mga San Marquez at para bang may hinihintay na kung sino.
Nang lumabas na sila Herald at Henricka mula sa loob ng kompanya ay agad niyang kinuha ang camera niya at kinuhaan sila ng litrato.
"Matutuwa si sir 'pag nakita niya 'to," nakangiting saad niya sa sarili niya. Pero ang hindi niya alam ay may isang tao na nakatayo sa likod niya at may dalang baril.
Nag naka-alis na sila Henricka ay agad pinutok no'ng lalaki ang hawak niyang baril sa lalaking nakuha ng litrato. Hinugot no'ng lalaki ang camera at umalis na.
•*•*•*•*•*
Nabyahe na pauwi sila Drei nang napatingin si Alexene sa phone ni Drei. Dahil sa nagda-drive siya ay kinuha Hanicka 'yun at tinignan ang text.
"Ano pinapagawa mo sa mga tauhan mo Drei?" tanong nito sa kaniya agad. Tinignan lang siya ni Drei saglit at tumingin ulit sa kalsada.
"Ayokong masira ang relasyon nila nang dahil sa mga naninira sa kanila," seryosong sagot niya at napa-tango si Hanicka.
"Bakit ba nila ginagawa 'to? Bakit ba ayaw nilang sumaya ang sarili nilang anak?" tanong ni Hanicka naman at napa-buntong hininga.
'Wala silang pinagkaiba kila papa,' sabi ni Hanicka sa isip niya.
"Hindi naman talaga nila tunay na anak si Henricka. Or should I say, hindi naman talaga tunay na Xerxes ang mga magulang na kinikilala niya." Napatingin si Hanicka sa direksyon niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya naman sa kaniya.
"Ang mga magulang na kinikilala niya ay ang mga Elishda. Kamag-anak sila ng mga Xerxes pero ka-away ang turingan nila sa isa't isa," paninimula ni Drei kay Hanicka.
BINABASA MO ANG
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)
General Fiction"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she's doing her best, her family can't still appreciate her. Until one time, she left home to be on her own - to do the things that she wants wi...