Chapter 28.

2K 27 0
                                    

Date Published: June 17, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Nasa villa na kami ngayon at kasalukuyang nilalagay sa mga picture frame at photo album ang mga nakakalat na litrato.

Nandito kaming apat sa may sala at sinasabihan na nila Nebby ang mga empleyado sa lahat ng mga pinagmamay-ari kong business tungkol sa sinabi ko.

Ngayon ko lang din nalaman na ang Hariya University ay pinagmamay-ari ko at sinunod 'yon sa pangalan ni lolo.

"Paki-sabihan din po ang head doon sa eskwelahan tungkol po kay Ken, Nebby," sabi ko.

"Nasabihan ko na po siya, miss. Siya na daw po ang bahala kay Ken bukas at gagawan ng paraan para makahabol siya sa lahat ng mga na-miss niya," sagot niya.

"Nasabihan ko na din po siya na ipa-extend ang mga buong eskwelahan para hanggang college ay mayro'n na din at open ang iba't ibang kurso doon," dugtong niya pa.

"Maraming salamat. Kailangan nating gandahan at palakihin ang eskwelahan para ganahan din ang mga mag-aaral na mag-aral para sa kinabukasan nila," sagot ko.

"I-open din po ang scholarship para sa mga mahihirap para sa kinabukasan din nila," dugtong ko pa.

"Nasabihan ko na din po ang mga head mula sa iba't ibang eskwelahan na pinagmamay-ari mo at sila na daw po ang bahala na mag-announce para sa darating na pasukan," sabi niya.

"Gusto kong tumulong dahil sa mahirap ang buhay ngayon at ang dapat nilang ibayad sa pagtulong natin sa kanila ay tumulong din sila sa iba kapag naka-angat na sila sa buhay," komento ko.

"Magandang idea po 'yan, miss. Tutulong din sila sa iba tulad ng pagtulong mo sa kanila. Pay it forward kumbaga," pagsang-ayon ni Lay.

"What comes around goes around," saad naman ni Nick.

"Wala namang balak na masama ang mga Elishda, 'di ba? Ano po ang mga balita sa kanila?" tanong ko.

"Base doon sa mga lalaking nahuli natin dahil sa sumusunod sa 'tin gamit ang asul na sasakyan ay inutusan sila ng mga Elishda na sundan ka at alamin lahat ng kilos mo," sabi ni Lay.

"Kaya naman kinulong po namin sila sa isang tagong lugar para hindi sila makatakas at may nagbabantay naman po doon na tauhan din natin," sabi naman ni Nick.

"Siguraduhin niyo lang na hindi sila makakatakas dahil baka masabihan nila ang mga Elishda," sabi ko naman.

"Opo, miss." Pinagpatuloy ko na ang paglagay ng mga litrato sa mga photo album ng tahimik at nag-iisip pa ng p'wedeng gawin nang may naalala ako.

"Mayro'n ba kayong napansin na dalang damit sila Kuya Nico kanina?" tanong ko.

"Parang wala po ata kami nakita kanina, miss. Ang dala lang nila ay parang bag lang na may lamang natirang school supplies," sagot ni Lay.

"Hula ko ay ayos lang ang galing ukay-ukay, 'di ba? Hindi kasi tayo sigurado sa size nila kaya hula ko ay masasayang lang kung ang mga branded ang ibibigay natin sa kanila," komento ko.

"May punto po kayo diyan, miss. Mas maganda at mas sigurado tayo sa mga ukay-ukay dahil sa wala namang eksaktong size doon," pagsang-ayon ni Nebby.

"Mayro'n po bang p'wedeng hingian ng pabor? Alam kong kakailanganin nila ng mga damit simula bukas at mas lalo na po si Kuya Nico," sabi ko.

"Paano po ang uniform ni Ken?" tanong ni Lay.

"Available naman 'yon sa eskwelahan. Sabihan na lang ang nagbe-benta ng uniform," komento ni Nick.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon