Chapter 2.

3.5K 41 2
                                    

Date Published: May 25, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

"'Wag kang masyadong kabahan, mabait naman ako." Nakangiting saad niya kaya napatulala ako. May dumaan bang anghel kaya ngumiti siya?

"Do you have a boyfriend?" Nagulat ako dahil sa tinanong niya. Seryoso ba siya diyan?

"W-wala po, sir," sagot ko at nakita kong nagtaka siya. Ano ba 'yung nakakapag-taka do'n?

"Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend?" Totoo ba 'yung narinig ko? Nagangahan si sir sa 'kin? Totoo ba? Totoo ba 'to?

"Wala po, sir. Simula kasi no'ng nasaktan ako noon, hindi na ko naging interesado sa mga lalaki eh," sagot ko at narinig kong natawa siya.

"I see. Sa bagay, once na masaktan tayo hindi na natin gagawin 'yung mga bagay na nakakapanakit sa 'tin. May mga bagay na dapat hindi na gawin para maka-iwas lang tayo sa sakit." Seryosong saad niya at napatango ako.

"Tama ka po dyan, sir. Mas okay na po 'yung umiwas kaysa sa maramdaman ulit 'yung sakit na naramdaman noon," sabi ko naman.

"But, I'm just asking dahil ayokong nadi-distract ang sekretarya ko sa trabaho. Mayro'n kasi ibang nadi-distract at ayoko n'on," paliwanag niya.

"Naiintindihan ko po, sir. Hindi po ako madi-distract at gagawin ko po ng maayos ang mga trabaho ko dito," sagot ko naman at napatingin ako sa phone ko dahil sa may nag-text.

Hindi ko pinansin 'yun dahil baka pagalitan ako ni sir 'pag nahuli niya kong nagamit ng cellphone.

"Okay. Enough with that. Here are my rules." Kumuha ako ng maliit na notebook para isulat lahat ng rules niya.

"First, Don't be late. Ayoko ng late. 'Pag ako ang nauna dito pumasok kaysa sa 'yo, it's either punishment or you're fired except, if you have a valid reason," paninimula niya at sinulat ko 'yun.

"Ang trabaho mo ay from 7 AM to 8 PM. Kung overtime naman until 12 mindnight," dugtong niya pa at tumango ako.

"Sir, p'wede po bang mahingi 'yung number niyo para po 'pag hindi ako makakapasok, ite-text ko po sa inyo kung bakit," sabi ko at may binigay siyang card.

Tumayo ako at kinuha 'yun. Nakalagay doon 'yung number nilang dalawa ni Mr. Alexandrei kaya napangiti ako.

"Salamat po," sabi ko at tumango siya. Bumalik na ko sa upuan ko at tumingin ulit sa kaniya.

"Second, ayoko ng tatanga-tanga. Okay lang na magkamali basta 'wag lang araw-arawin. Kung hindi alam ang gagawin, magtanong." Tumango-tango ako sa kaniya.

"Third, p'wede mo naman akong kaibiganin. I'm happy if I'm going to be your friend. At least, makakapag-trabaho tayo ng walang problema." Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

'Mabait pala siya,' sabi ko sa isip ko.

"Fourth and last rule, you can fall in love with me. But just make sure that you can handle me at my worst." Seryoso? Wala naman akong balak na mahalin siya pero seryoso talaga siya?

"Wala po ba kayong girlfriend, sir?" tanong ko. Na-curious ako dahil sa last rule niya. Pero, baka naman nagbibiro lang siya, 'di ba?

"Like you, hindi na rin ako naging interesado sa mga babae since iniwan ko siya at pagbalik ko, may iba na siya," sagot niya at ngumiti siya ng malungkot.

"Bakit niyo po siya iniwan sir?" ranong ko naman at tumingin siya sa 'kin. Mukha na ata akong chismosa dito sa paningin niya.

"I left her because I want her to be safe. The worst thing is, hindi ko sinabi sa kaniya kung bakit ko siya iniwan," sagot niya at tumayo na siya.

"Bye, muna. May meeting ako so, ikaw muna dito." Tumango ako sa kaniya at lumabas na siya dito sa opisina.

'Hula ko ay nagbi-biro lang talaga siya kanina tungkol doon sa huli niyang rule,' komento ko sa isip ko.

Pagkalabas ni sir mula dito sa opisina ay agad kong tinignan yung text sa 'kin at nakita ko 'yung number ng kapatid ko. Don't tell me may nangyari na dito sa kapatid ko?

'From: Thea
Ate! Tulungan mo ko! Nandito ako sa police station kasi nahuli nila akong nagda-drive nang walang lisensya.'

'Yan yung text niya sa 'kin. Hindi ko pinansin ang text niya at binaba na lang ulit sa table 'yung phone ko. Ayoko siyang tulungan dahil uulitin lang naman niya ulit 'yun.

Ano naman ang gagawin ko ngayon? Hindi pa naman sinabi ni sir kung ano ang gagawin ko. Binasa ko na lang 'yung rules ni sir para ma-memorize ito.

Nakaka-distract talaga 'yung rule ni sir na 'You can fall in love with me' shems. Bakit ba may ganitong rule si sir?

Pinagti-tripan lang ba ako no'n? O baka naman joke time si sir ngayon dahil sa naramdaman niyang kinakabahan ako?

Napatingin ako sa phone ko nang naramdaman kong nagva-vibrate siya. Hindi ko sinagot 'yung tawag dahil alam kong kapatid ko lang 'yan.

Hindi niya ba alam ang salitang BUSY? Alam niyang papasok ako sa trabaho, tatawag-tawag sa 'kin. Saka naka-ilang beses na ba akong sabi sa kaniya na hindi ko siya tutulungan 'pag may nangyaring hindi dapat sa kaniya?

"Someone's calling you, Henricka." Nagulat ako nang biglang nagsalita si sir. Ngumiti ako sa kaniya at tinago 'yung phone ko sa bag ko.

"O-okay lang po 'yun, sir. Hindi naman po importante 'yun eh," nakangiting sagot ko sa kaniya at tunango-tango siya. Umupo na siya sa upuan niya at tumingin sa 'kin.

"Henricka, here are my schedules. Diyan nakalista lahat ng meetings. Just tell me kung may meeting ako or none," sabi ni sabay bigay ng papel sa 'kin. Kinuha ko naman 'yun at nilagay sa isang folder.

"Okay po, sir," sagot ko at napatingin sa orasan. Napatingin ulit ako sa papel at nakita kong may meeting siya mamayang 1 PM.

"Sir, you have a meeting with Mr. Kenzo San Marquez at 1 PM." Nakita kong sumimangot siya bigla at nagtaka ako.

"Anong kailangan sa 'kin ng lalaking 'yan?" tanong naman niya sa sarili niya. May problema tungkol sa kaniya?

"Okay. Thank you," nakangiting saad niya at tumayo na siya. Lumapit siya sa pwesto ko.

"Its already 11:30 AM. Kumain ka na ng lunch. Be back at exactly 1 PM." Tumango ako at kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas na mula sa opisina.

Pagkasakay ko sa elevator ay may nakasabay akong isang lalaki at nagwapuhan ako sa kaniya. Hanggang tingin na lang talaga ako sa mga lalaki dahil ayoko nang masaktan.

"Hi, miss. I'm Kyle," pagpapakilala niya sa 'kin at kinuha ko 'yung kamay niya at nag-shake hands kami.

"Henricka," sabi ko naman at napangiti siya. Sumandal ako sa pader dahil hindi ako sanay sa heels. Ang sakit na ng paa ko. Dyusko!

"Okay ka lang ba, Henricka?" tanong niya at napahawak ako sa balikat niya.

"Sorry. Masakit na kasi paa ko eh," sabi ko at hinubad 'yung sapatos ko at nilabas ko 'yung flat shoes ko at sinuot 'yun.

"I see. Hindi ka pala sanay sa heels. Bakit hindi mo sabihin kay Mr. San Marquez ang tungkol diyan?" sabi niya sa 'kin at umiling ako.

"Late na nga ako ng limang minuto dito kanina hihiling pa ba ako sa kaniya na kung p'wede mag-flats na lang," sabi ko at natawa ulit siya.

"Mabait naman si Mr. Alexandrei ah." Umiling ako sa kaniya dahil hindi naman siya 'yung boss ko.

"Si Mr. Herald ang boss ko," sabi ko naman at naglakad na kami palabas mula sa elevator.

"Ay! Sorry. Nasanay kasi ako kay Mr. Alexandrei eh," sabi niya habang kinakamot ang ulo.

"Kakain ka ba? Tara kain tayo," pag-aaya niya at lumabas na kaming dalawa mula sa building.

••••• END OF CHAPTER 2. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon