Chapter 6.

2.4K 32 0
                                    

Date Published: May 17, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Nandito pa din ako sa loob ng condo ni sir at tahimik na gumagawa ng trabaho. Dahil sa tapos na kong mag-plano ay tinanong ko na siya kung ano ang gagawin kong trabaho ngayon.

Kaya naman binigay niya na sa 'kin ang mga pwede kong gawin kaya ginagawa ko na ngayon ito.

Ayoko namang hindi ko magawa ang trabaho ko dahil sa puro pasa ang katawan ko. Kaya ito, humingi ako ng trabaho sa kaniya.

"Tell me if you're not okay. Nag-aalala ako sa 'yo dahil puro pasa ang katawan mo." Nag-aalalang saad ni sir.

"Okay lang po, sir. 'Wag ka pong mag-alala," sagot ko naman at napangiti siya.

"Call me Herald if we're alone. Just like what I've said, I want to be your friend para naman hindi ka mastadong tense pagdating sa 'kin," saad niya.

"Sige, Herald. Naiintindihan ko," saad ko at napangiti siya. Pinagpatuloy na namin ang trabaho para sa araw na 'to.

"About your online business, tell me your products because I know a certain someone who really likes desserts," saad niya at napatango ako.

"Naiintindihan ko, Herald," saad ko at nagulat ako nang bigla niyang pinatunog niya ang daliri niya.

"Tomorrow, you're coming with me. We have work outside the office." Tumango ako at pinagpatuloy na ang trabaho namin.

•*•*•*•*•*

Tapos na ang trabaho at nandito na ko sa grocery store dahil sa kailangan kong bumili ng pagkain.

Tinulak ko na ang push cart at kumuha ng ketchup, toyo, at suka. Pagkatapos ay naglakad na ulit ako nang may nakita akong promo.

Ang promo ay makakakuha ka ng one year supply ng mga iba't ibang stocks para sa bahay kung ikaw ang mananalo sa raffle.

Natuwa ako dahil sa puro ingredients 'yon kaya naman lumapit ako doon at binigyan ako ng isang staff ng papel. Tinignan ko kung ano ang nakalagay at number 14 'yon.

Sa totoo lang ay hindi lang ang one year supply ang meron kundi, mayro'n ding gadget set at cash prize.

Sa gadgets set ay may tablet, cellphone, at PS 5. Sa cash prize naman ay may 500, 1,000, at 5,000 pesos.

Okay na sa 'kin ang cash prize saka one year supply dahil sa hindi naman ako mahilig masyado sa gadgets.

"Good evening, ladies and gentlemen. Magsisimula na po ang raffle ngayong gabi. Magsisimula po tayo sa gadget set," paninimula ng babaeng staff at nagsimula na ang palaro.

•*•*•*•*•*

Maraming natuwa dahil sa nakakuha sila ng mgancash prize. Meron ding natuwa dahil sa gadget set - ang sabi pa nga ng nakakuha nito ay may pang stream na daw ang anak niya.

Hindi pa din ako nabubunot kaya may pag-asa pa ako sa one year supply na target ko para sa online business.

Ngayon, medyo naghahanda na ang lahat para sa one year supply na premyo. Bumunot na ang babaeng staff at...

"Number 14."

"Yehey!" masayang sigaw ko at nagpalakpakan ang lahat. Kaya naman lumapit na ako sa harap at nakipag-kamay.

"Congrats po, ma'am. Hihingiin po namin ang information niyo para sa supplies niyo po for one year." Saad ng babaeng staff at lumapit sa 'kin ang isang lalaking staff.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon