Chapter 23.

1.9K 30 0
                                    

Date Published: June 12, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Naka-uwi na ko sa condo mula sa kompanya dahil sa tapos na ang trabaho ko. Agad akong napa-upo sa sofa.

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa pumasok sa unit ko at nakita ko si Nebby na pumasok dito sa loob.

"Miss, ito po ang reports tungkol sa iba't ibang branches po ng Henricka Café niyo po." Kinuha ko 'yung folder at binasa 'yon.

"Thank you, Nebby. Magpahinga ka na muna sa ngayon." Tumango siya at umupo sa sofa ng tahimik habang nagce-cellphone.

"Kinausap ka na ba ni Herald kanina tungkol sa hotel nila?" tanong ko at tumango siya sa 'kin.

"Opo, miss. Sinabihan na po ako ni Sir Herald kanina tungkol diyan kaya naman napag-usapan na po namin 'yan kanina," sagot niya.

"Napag-usapan niyo na din ba kung kailan gagawin 'yon?" tanong ko pa. Hindi naman niya kasi ako sinabihan kung kailan gagawin 'yon.

"Opo, miss. Siya na daw po ang bahala sa lahat basta magtiwala na lang daw po kayo sa kaniya." Napatango ako.

"Naiintindihan ko. Oo nga pala, kumusta ang ibang negosyo?" tanong ko sa kaniya.

"Ayos lang naman, miss. Mas lalo pa po siyang naging successful at mas ginagawa pa po namin ang lahat para mas maging successful pa 'yon," sagot niya.

"Ano na ang balita tungkol doon sa pinapa-imbestigahan ko? Isang taon na simula nang sinabi ko 'yon sa 'yo," sagot ko.

"Kino-kompleto pa din po namin ang lahat ng impormasyon. Kaya paki-hintay pa po, miss," sagot niya.

"Sige. Naiintindihan ko," sagot ko na lang. Hindi ko naman siya p'wedeng pilitin na madaliin 'yon dahil sa alam kong mahirap ang pinapagawa ko sa kanila.

"Magpahinga na tayong dalawa, Nebby." Tumango siya at lumabas na siya ng unit ko. Magkatabi lang naman kami ng unit kaya malapit lang ang tirahan niya.

Naglakad na ko papunta sa kwarto ko at humiga sa lama para makatulog na ko dahil sa sobrang pagod ko.

~ NEXT DAY ~

Nagising ako sa kwarto ko at napabuntong hininga. Napatingin ako sa kisame at buti na lang dahil sa hindi alam nila daddy ang tungkol dito.

Dahil kung alam nila ang tungkol dito ay feeling ko susugurin nila alo dito kahit anong oras man nilang gustuhin. Feeling ko din ay guguluhin din nila ako.

Mabuti na lang ay hindi na nila ginugulo ang mga negosyo ko dahil sa nagawan 'yon ng paraan ni Tito Vaughn.

Sana nga lang din ay hindi na din nila malaman ang tungkol sa ibang business ko kundi, baka may gawin silang hindi dapat doon.

Tumayo ako mula sa kama at naligo na. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ko at nagluto ng makakain. Buti na lang at walang pasok ngayon kaya makakapagpahinga ako.

Pero ang hindi ko maintindihan ay 'yung inaakto ni Herald. Bakit ba siya gano'n kumilos? Nakakainis na ah.

No'ng natapos na kong magluto ay kumain na ko pero nang nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagkain ay may kumatok kaya tinignan ko kung sino 'yun.

Sa pagkaka-alala ko ay wala naman akong inaasahang bisita ngayon ah. Don't tell me alam na nila daddy ang tungkol dito? 'Wag naman sana.

Tumingin muna ako sa butas ng pintuan at nakita ko siya. Anong ginagawa niya dito? Saka mayro'n bang trabaho ngayon nang hindi ko alam?

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon