Chapter 9.

2.5K 40 0
                                    

Date Published: May 31, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021

~ NEXT DAY ~

HENRICKA

Umaga na at mabuti na lang na day-off ko ngayon dahil sa hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari kagabi.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at naglakad na palabas ng kwarto. Pumunta na ako sa kusina at nag-record na habang nilu-luto ang kakain ko ngayong umaga.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos mag-record at magluto ay kinain ko na 'yong niluto ko. Mamaya pa naman pupunta dito sila Gab dahil sabi ko ay magli-linis na muna ako.

Habang nakain ay napatigil ako nang may kumatok sa pintuan ng condo ko. Agad kumunot ang noo ko at naglakad palapit sa pintuan.

Sumilip na muna ako sa peephole at may nakita akong isang lalaki na naka-suit and tie at hindi ko siya kilala.

"Sino po 'yan?" tanong ko. Hindi ko binuksan ang pintuan dahil sa natatakot ako na baka tauhan nila daddy 'to.

"Miss Henricka Jennylyn Xerxes? I'm Nebriano Garcia. Mayro'n po tayong pag-uusapan ngayon," sabi niya.

"Don't worry, hindi po ako tauhan ng tatay niyo at makakasiguro po kayo doon," paniniguro niya.

Hindi ako sumagot at hindi ko din binuksan ang pintuan dahil sa natatakot ako. Hindi kasi ako nagtitiwala sa mga hindi ko kilala.

"Hello po... Sino po kayo at anong ginagawa niyo diyan?" rinig kong tanong ni Gab mula sa labas.

"Hello, I'm Nebriano Garcia - I'm the secretary of Miss Xerxes' relatives." Agad kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ong lalaki.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Cadiel.

"Gusto ko sanang ipaliwanag lahat sa loob kaso, mukhang ayaw niya akong maka-usap," sagot n'ong lalaki.

"Hmm... Mukha ka namang mapagkakatiwalaan at hindi tauhan ng magulang niya kaya sige. Tulungan ka namin," sabi ni Gab.

"Jenny? Nandito na kami," sabi ni Cadiel. Huminga ako ng malalim at binuksan na ang pintuan saka, pinapasok sila.

Umupo sila sa sofa at hindi pa ako nakakalinis ng sala dahil sa maaga silang dumating at hindi pa ako nakakakain ng almusal.

"Pasensya na kung madumi at makalat. Hindi pa kasi ako tapos kumain kaya hindi pa ako nakapaglinis," saad ko.

"Ayos lang, Jenny. Tulungan ka na lang namin mamaya kaya 'wag ka nang mag-alala pa," sabi ni Gab.

Napatingin kami doon sa lalaki nang binuksan niya ang suit case saka, may nilabas siyang mga papel mula doon. Sinuot niya ang salamin niya at huminga ng malalim.

"Tulad ng sinabi ko po kanina, ako si Nebriano Garcia - ako po ang sekretarya ng tito niyong si Hariko Xerxes," pagpapakilala niya ulit.

'Hariko Xerxes? Ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yan,' komento ko sa isip ko.

"Si Hariko Xerxes ay ang kapatid ng daddy mo, Miss Xerxes. Namatay siya noong kakapanganak mo pa lang at dahil sa may away sila ng iyong ama ay pinapamana niya ang lahat ng ari-arian niya sa 'yo bilang pamangkin niya," paliwanag niya.

"Po? Pinapamana niya po sa 'kin lahat? Pero, wala po ba siyang sariling anak? Asawa?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Wala... Ang asawa niya ay namatay din kasama ni Mr. Hariko noon kaya wala nang natira pa sa pamilya niya na p'wede niyang pagkatiwalaan kundi, ikaw lang," sagot niya.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon