Chapter 27.

2K 26 0
                                    

Date Published: June 17, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Kumakain na kami ng tahimik ngayon nang napatingin ako sa bintana. Nakikita ko kasi ang parking lot mula doon kaya nakikita ko ang ibang sasakyan.

May napansin akong dalawang tao doon at mukhang mahirap sila saka, homeless. Hawak-hawak ng ama ang kamay ng anak niya.

Ang batang lalaki ay mukhang nasa edad pito hanggang walong taon at parehas silang mukhang gutom.

May nilalapitan silang mga tao na papunta sa mga sasakyan nila pero iniiwasan sila ng mga ito at hindi binibigyan ng pera.

"Madalas bang may mga homeless dito sa mall?" tanong ko. Napatingin silang tatlo sa parking lot dahil sa sinabi ko.

"Opo, miss. 'Yan nga po ang madalas na problema ng karamihan dahil sa ayaw nilang umalis at humihingi pa din po ng pera o pagkain," sagot ni Nick.

"Hindi ba binibigyan ng mga trabahador dito ang mga natitirang pagkain?" tanong ko naman.

"Sa totoo lang po ay hindi, miss. Inuuwi po nila 'yon at kung hindi na po kayang i-uwi ay itatapon na lang," sagot ni Lay.

"Lahat ng mga kainan dito ay gano'n ang ginagawa at saka, lahat po sila ay pinagmamay-ari niyo," sabi naman ni Nebby.

"Gano'n ba? Sige... Paki-sabihan sila na kapag may tira para sa araw na 'to ay ibigay na lang ang mga 'yon sa mga homeless ng maayos," sabi ko.

"Basta hindi pa 'yong sira at saka, ipamimigay 'yon kapag pasara na ang mga kainan dito. Ang hindi susunod ay suspended."

"Tulungan natin ang mga taong nangangailangan kasi kailangan nila 'yon ngayon dahil mahirap ang buhay," dugtong ko pa.

"Sige po, miss. Masusunod," sagot ni Nebby. Napatingin ako doon sa mag-ama at napabuntong hininga dahil sa iniiwasan talaga sila ng lahat.

"Mayro'n din ba akong namanang eskwelahan?" tanong ko.

"Opo, miss. Kaso, hanggang highschool lang ang tinatanggap n'on," sagot ni Nebby.

"Palakihin ang eskwelahan na 'yon at gagawa ako ng panibagong eskwelahan kaya humanap ka po ng lugar," sabi ko naman.

"Simula sa darating na pasukan, tatanggap po tayo ng mga mahihirap na scholar tulad nila na gustong matuto at makapag-tapos sa pag-aaral," dugtong ko pa.

"Sige po, miss. Sasabihan ko agad ang iba tungkol diyan sa plano niyo po," sagot ni Nebby.

"Tanong lang ulit. Mayro'n din po ba akong namana na mga apartment or condo?" tanong ko.

"Opo, miss. Mayro'n po. Mayro'n po akong card dito na may number at address ng mga 'yon," sagot niya.

"Ibigay mo sa 'kin pagkatapos kumain," sagot ko naman at kumain na kami ulit.

•*•*•*•*•*

Pagkalabas namin mula sa restaurant ay agad naming nilapitan ang mag-ama na naka-upo ngayon sa isang gilid.

Bago kami umalis kanina ay nagpagawa ako ng dalawang pagkain para sa mag-ama. May nakalagay na lata sa harap nilang dalawa.

"Hello po..." Tumingin silang dalawa sa 'kin at lumuhod ako. Inabot ko 'yong pagkain sa kanilang dalawa at agad-agad nilang binigay 'yon.

"Nakita ko po kasi kayo kanina at napansin na nagugutom po kayo," saad ko.

"Salamat po, ma'am. Matagal na po kaming hindi nakaka-kain dahil sa nasunugan kami ng bahay kaya wala na kaming uuwian," sabi ni manong.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon