Date Published: June 3, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021
HENRICKA
Tapos na ang training namin at ala-siyete na ng gabi nang pina-uwi na ako ni Sir Herald. Kaya naman bumaba na ako sa lobby.
Nang napatingin ako sa lobby ay may nakita akong dalawang lalaki na pamilyar para sa 'kin. Nilapitan ko sila at napangiti sila sa 'kin.
"Tara na po, miss?" Tumango ako. Naglakad na kami palabas ng kompaniya at pumunta sa parking lot.
"Ano po ang mga pangalan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ako po si Lay at siya si Nick," pagpapakilala ni Lay at sa kaibigan niya.
"Secretary din kayo? Sabi kasi ni Nebby ay lima daw ang secretary eh," komento ko.
"Hindi po kami kasama sa limang 'yon, miss. Driver at bodyguard po talaga kami," sagot ni Nick at tumango ako.
"Okay... Wala kasi akong tiwala sa ibang tao maliban na lang kung mapagkakatiwalaan ka talaga," paliwanag ko.
"Naiintindihan po namin, miss. 'Wag kang mag-alala at babantayan ka namin," sagot ni Nick.
Nakarating na kami sa sasakyan at pinagbuksan na ako ni Lay ng pintuan at sumakay na ako sa sasakyan. Pagka-sakay nilang dalawa ay pina-andar na ni Lay ang sasakyan.
•*•*•*•*•*
Nabyahe kami ng tahimik ngayon at nakatingin lang ako sa bintana nang may naalala ako bigla.
"Simula bukas ay magbe-benta ako ng mga desserts para may dagdag kita at kapag nagustuhan ng mga tao 'yon ay may dagdag business," saad ko.
"Sige po, miss. Tulungan ka namin at sabihin mo lang sa 'min kung ano ang maitutulong namin at 'yon ang gagawin namin," sabi ni Nick.
"Sige. Salamat," nakangiting saad ko. Tumahimik na ulit kami at umuwi na sa condo.
•*•*•*•*•*
Nandito na kami sa condo at agad kaming nagsimula sa pagbe-bake para alam namin kung ano ang strategy namin.
"Miss, p'wede naming tawagan si Nebby kung may kailangan ka," suhestyon ni Lay.
"Kailangan ko ng box para maging lalagyanan ng mga desserts. Saka, kailangan ko din pala ng logo kaso, hindi ko alam kung paano 'yon," sagot ko.
"Sige po, miss. Kami na ang bahala ni Nick tungkol diyan. Sabihan namin si Neb para magawa natin ang plano mo," nakangiting saad ni Lay.
"Salamat talaga sa inyo. Magbe-bake na ako," saad ko. Sinimulan ko na ang pagbe-bake para alam ko na kung ano ang ilalagay ko sa menu.
•*•*•*•*•*
Tapos na akong mag-bake at nandito kami ngayon sa kusina habang tinitikman ang mga ginawa ko. Nakatawag na din sila Lay kay Nebby tungkol sa kailangan ko.
Pumayag naman si Nebby at siya na daw ang bahala sa lahat at aasahan kong darating 'yon bukas kaya naman inaayos ko na din ang menu.
"Kung i-post ko kaya ang menu sa social media accounts ko? Kasama ng mga picture ng mga ginawa ko," saad ko.
"P'wede din, miss. Mas maganda nga po kung ganiyan at least, maraming makakakita at p'wedeng maging customer," sabi ni Lay.
"Mabuti na lang ay kinuhaan natin ng litrato 'yong mga ginawa natin," masayang saad ko.
BINABASA MO ANG
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)
General Fiction"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she's doing her best, her family can't still appreciate her. Until one time, she left home to be on her own - to do the things that she wants wi...