Date Published: May 31, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021HENRICKA
Lunch time na at nandito kami ni Kyle sa isang kainan at kumakain na naman ng sabay saka, nagku-kuwentuhan tungkol sa trabaho.
"Mabuti naman dahil sa pinatulog ka na niya muna para makapag-pahinga. Mabait naman talaga si sir kahit na medyo masungit," komento niya.
"Tama ka diyan. Mabait siya kahit na masungit. Kaya nga minsan, nakaka-kaba kasi baka naa-abuso ko na ang kabaotan niya nang hindi ko napapansin," sagot ko naman.
"Hindi 'yan..." Natawa siya kaya naman natawa na lang din ako. Kinuha ko 'yong cellphone ko nang naalala ko sila Gab. Kailangan nilang malaman ang tungkol sa day-off ko.
"Ano pala ang ginagawa mo sa tuwing walang trabaho? Narinig ko ay day-off mo daw tuwing Sabado," komento niya.
"Oo... Day-off ko tuwing Sabado at kanina lang ako nasabihan ni sir. Balak ko ngang gumawa ng maraming videos habang nagluluto para may extra na kita," sagot ko.
"Para sa susunod ay p'wede na akong mag-benta kapag handa na ako saka, 'pag nakapag-ipon na ako ng pambili ng mga kakailanganin kong kagamitan," dugtong ko pa.
"Kapag may nagawa ka na ay 'wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa 'kin at tutulungan kita. Kahit taga-tikim lang ako," sagot niya.
"Sige-sige." Natawa ako at tumawa din siya. Kumain na ulit kaming dalawa ng tahimik bago pa kami mahuli sa trabaho namin.
•*•*•*•*•*
Nakabalik na ako sa opisina at agad umupo sa upuan. Binasa ko na ulit lahat ng mga papeles sa lamesa ko nang nakita ko 'yong schedule ni sir.
"May meeting siya mamaya," bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa nagbukas ng pituan at nakita ko si sir na pumasok.
"Sir, may meeting po kayo mamayang 2 PM with Mr. Alexandrei San Marquez," sabi ko. Tumango siya sa 'kin at ngumiti.
"Sige. Salamat. Dito na muna ako habang naghi-hintay," sagot niya. Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagba-basa.
•*•*•*•*•*
Maagang natapos ang trabaho ko dahil sa ala-sais pa lan ng gabi ay pina-uwi na ako ni sir. Kaya naman nandito ako sa parking lot habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan ko.
Napatigil ako mula sa ginagawa ko at napatingin sa gilid ko dahil sa may naramdaman ako na para bang nakatitig sa 'kin mula doon.
May nakita akong dalawang lalaki at nasa loob ng bulsa nila ang mga kamay nila. Hindi ko din makita ang mukha nila dahil sa may nakatakip doon.
Kaya naman bago na may mangyaring hindi ko magustuhan ay agad akong tumakbo pabalik ng kompaniya para lang makasiguro na ligtas ako.
"Hoy!" tawag ng isa. Marami na akong narinig na mga yabag ng paa mula sa likod ko. Hindi na ako lumingon pa dahil sa sobrang takot.
"Tulong!" sigaw ko sa sobrang takot. Napansin ko na agad lumapit sa 'kin 'yong dalawang guard na nagba-bantay sa lobby ng kompanya.
"May humahabol po sa 'kin sa likod!" sigaw ko pa. Napatigil na ako nang nakalagpas na sa 'kin 'yong mga guard.
Pagkalingon ko ay nakita kong tumatakbo na paalis 'yong limang lalaki na humahabol sa 'kin at agad akong kinalibutan nang may napagtanto ako.
'Hindi lang dalawa ang humahabol sa 'kin kundi, lima,' komento ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)
General Fiction"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she's doing her best, her family can't still appreciate her. Until one time, she left home to be on her own - to do the things that she wants wi...