Chapter 36.

235 3 0
                                    

Date Published: October 13, 2021

HERALD

Binigay ko na sa babae ang reseta ng doktor para maipa-inom kay Henricka 'yon mamaya. Pasalamat na lang talaga ang mga Elishda at ligtas ang baby kundi, mapapatay ko na sila.

"Ito po, sir." Binayaran ko na ang mga gamot at tinanggap na 'yong maliit ng plastic bag. Naglakad na ko paalis mula sa botika.

Sana ay kumilos agad sila Ninong Vaughn bago pa makagawa ng paraan para makatakas ng tuluyan ang mga Elishda'ng 'yon.

•*•*•*•*•*

Pagkabalik ko sa harap ng emergency room ay nandoon pa din sila at tumingin si Ninong Vaughn sa 'kin.

"I'm going now to prepare everything against Elishda. Ikaw na ang bahala kay Henricka at 'wag mong sasabihin sa kaniya ang tungkol dito para lang hindi siya ma-stress ng todo," sabi niya.

"Sige po, ninong. I understand," I answered.

"I'm going to the office to tale care of everything there. Ikaw na ang bahala kay Henricka because I know that she needs you more than business," sabi naman ni hyung.

"Sige, hyung. Thank you. I'll take good care of Henricka. Ninong, ingat po kayo," sabi ko sa kanilang dalawa. Tumango silang dalawa at umalis na.

Nakita kong nililipat na sa isang kwarto si Henricka ng mga nurse. Kaya naman sumunod ako sa kanila para alam ko kung saan siya ilalagay ng mga ito.

HENRICKA

Nagising ako sa isang puting kwarto. Dahan-dahan akong umupo sa kama at agad na napahawak sa tiyan ko. Napatingin ako sa paligid at wala akong nakita na kahit na sino.

Nasa ospital ba ko? At sino ang kasama ko dito ngayon? Hinimas ko 'yung tiyan ko ng marahan at pinakiramdaman ito.

"Sana okay ka lang diyan, baby," sabi ko at naalala ko na naman kung paano ko nalaman na buntis ako.

Hindi naman ako magkaka-morning sickness kung hindi ako buntis, 'di ba? Hindi rin naman ako magiging masyadong possessive kay Herald kung hindi din ako buntis, 'di ba?

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Herald na may dalang plastic. Ngumiti siya sa 'kin at umupo sa gilid ng kama.

"'Yung baby? May baby nga ba?" tanong ko agad sa kaniya. Nginitian niya ko at hinalikan sa noo.

"Don't stress yourself. Okay lang 'yung baby," nakangiting saad niya at sinubuan niya ko. Kinain ko naman 'yung sinubo niya sa 'kin.

"Sorry," mahinang sabi ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako nang nagta-taka. Bumuntong hininga ako.

"Sorry kung muntikan nang mawala 'yung baby sa 'tin," sabi ko at umiling siya.

"It's not your fault. Kasalanan ng mga magulang mo 'yun," sabi niya at tumango ako.

Kinuha niya 'yung phone niya at sinagot 'yung tumawag sa kaniya. Lumayo siya ng konti sa 'kin at kinuha 'yung pagkain at kumain na.

Napangiti na lang ako dahil sa alam kong ligtas lang ang baby namin at thwang-tuwa ako dahil sa aalagaan ko siya para lang maging malusog siya at masaya.

Maya-maya lang ay lumapit na siya sa 'kin at niyakap ako. Napatigil naman ako mula sa pagkain at tumingin sa kaniya.

"Gusto mo ba?" tanong ko at umiling siya kaya kumain na lang ulit ako.

"Pagkalabas mo dito, may ipapakita ako sa 'yo," bulong niya at napatingin ako sa kaniya. Ano 'yung ipapakita niya sa 'kin?

"Ano 'yung ipapakita mo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya at hinalikan niya lang ako sa pisnge.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon