Date Published: June 17, 2017
Date Re-Published: October 13, 2021
HENRICKA
Gumagawa ako ngayon ng trabaho ko ng tahimik may kinakausap naman si Herald sa telepono niya. Habang nagawa ng trabaho ay napatingin ako sa cellphone ko.
Kinuha ko 'yon dahil sa nailaw 'yon at ibig sabihin n'on ay may notification akong dapat makita. Pagka-open ko ay minention ako ni Gab sa isang post.
Kumunot ang noo ko at tinignan 'yon. Sa naaalala ko ay hindi naman ako mine-mention ni Gab sa isang post mas lalo na kung walang kuwenta 'yon.
Pagkakita ko ay post 'yon ng isang page at base sa mga posts nito ay puro hate posts ang mga nandoon. Tinignan ko 'yong post kung saan ako naka-mention at nanlaki ang mga mata ko.
Litrato namin 'yon kahapon habang tinutulungan sila Kuya Nico. Binasa ko din ang caption nito at medyo nakaramdam ako ng inis.
'Ito ang dahilan kung bakit mga tamad ang mga mahihirap dahil alam nilang may tutulong sa kanila.' 'Yan ang nakalagay sa caption.
'Ang nag-post ba nito ay ang babaeng naka-usap namin kahapon?' tanong ko sa isip ko.
Binasa ko ang mga comments at puro ito taliwas sa nag-post. Pinagtanggol kami ng mga commentors sa comment section.
Base sa nababasa ko sa comment section ay tama naman ang ginawa naming pagtulong basta alam ang limitasyon.
Mayro'n ding nagsabi na ang pagtulong sa kapwa ay libre lang - kung gusto mo p'wedeng tumulong at kung ayaw ay manahimik na lang sa isang tabi.
'P'wede ka namang manahimik na lang kung wala kang balak tumulong sa kapwa mo. Wala naman silang sinasaktang tao!'
'Kung wala kang maitutulong ay manahimik ka na lang at 'wag maging toxic!'
'Hula ko ang taong nasa likod ng page na 'to ay hindi tinulungan noon kaya ganito ka-bitter ngayon.'
'Ayoko din naman sa mga mahihirap na abusado sa tuwing tinutulungan mo pero, kung handa naman silang mag-bago then, tutulungan ko talaga sila para lang makabangon sa buhay nila.'
Ilan lang 'yan mula sa mga comments nang ibang commentors at napangiti ako. Ayoko din naman nang ina-abuso ako pero, sa nakikita ko naman kay Kuya Nico ay handa siyang bumawi kapag nakabawi na siya.
Sa nakikita ko din naman kay Kuya Nico ay talagang willing siyang mag-trabaho para sa kinabukasan nila ni Ken.
"Jagiya? Something wrong?" tanong ni Herald.
"Wala naman akong problema kaso, ang ibang tao ay may problema ata," sagot ko. Kumunot ang noo niya.
"Tignan mo 'to." Lumapit siya sa 'kin at tinignan ang cellphone ko. Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa nakita niya.
"What the -? Bakit ba may mga taong ayaw na lang manahimik eh, hindi naman naaaptektuhan ang buhay nila ng ibang tao?" inis niyang tanong.
"'Di ba? Binigyan din namin ng trabaho si Kuya Nico at willing naman siyang mag-trabaho para makabangon sa hirap eh," komento ko naman.
"Hindi naman talaga sila mga tamad dahil sadiyang nagkaroon lang talaga ng trahediya sa kanila," dugtong ko pa.
"I know that, jagiya. Don't worry, I trust your guts when it comes to this," sagot niya naman.
"Sana ay hindi maapektuhan sila Kuya Nico dito dahil sa mga taong walang magawa sa buhay," komento ko naman.
"It's best if you're going to inform Mr. Garcia about this. I know that he can do something about this," suhestyon niya.
BINABASA MO ANG
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)
Narrativa generale"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she's doing her best, her family can't still appreciate her. Until one time, she left home to be on her own - to do the things that she wants wi...