Chapter 22.

1.9K 29 0
                                    

Date Published: June 12, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

~ NEXT DAY ~

HENRICKA

Nagising ako nang naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko at nakita ko si Herald. Ngumiti siya sa 'kin at hinalikan ako sa noo.

"Nothing happened, I kept my promise," bulong niya. Ngumiti ako at yumakap sa kaniya ng mahigpit.

"Alam ko naman na tutupad ka eh. Kaya malaki ang tiwala ko sa 'yo eh," bulong ko naman sa kaniya.

"Let's go and eat our breakfast now. Mr. Garcia told me that he's going to take you to the company because the other members of your org wants to meet you," sabi niya.

"Bakit gusto nila akong makilala? Hindi ba nila ako tanggap?" nag-aalalang tanong ko naman.

"I know that they accept you as their new boss. It's just that they want to know you more because they want to protect you and make sure that you're fine," sagot niya.

"Okay, naiitindihan ko," sagot ko naman. Bumangon na kaming dalawa mula sa kama at lumabas na mula sa kwarto para makakain.

•*•*•*•*•*

Nandito na ako sa kompanya at iba ang kompanyang ito mula sa isang kompanya na napuntahan ko noon.

"Ilan ba ang kompanya na mayro'n si tito at namana ko?" tanong ko.

"Mayro'n pong likang kompanya, miss. Ang bawat kompanya ay may isang personal secretary at assisstant mo po," sagot ni Nebby.

"Kaya pala iba 'to mula sa una kong napuntahan," komento ko naman at napatingin sa paligid dahil sa ang ganda din nito.

"Hindi naman pinupuntahan nila daddy 'to, 'di ba?" tanong ko.

"Opo, miss. Hindi po." Tumango ako at pumasok na kaming dalawa sa loob ng elevator at sumara na 'yon.

"Tungkol po pala sa handwriting, pinahuli na po namin si Malari Rami dahil sa nakakuha na po kami ng sapat na ebidensya laban sa kaniya," pag-balita niya.

"May kinalaman ba ang mga Elishda?" tanong ko.

"'Yan ang problema, miss. Pagkahuli ng mga pulis sa kaniya ay agad na may bumaril sa kaniya sa ulo kaya hindi po namin alam." Napabuntong hininga na lang ako.

"Nakatakas po kasi 'yong bumaril kaya hindi pa nahabol pa." Mas lalo akong nanghina dahil doon. Paano na 'yan?

"Paano po 'yong pamilya n'ong Malari?" tanong ko.

"Nang pinuntahan ng mga pulis ang bahay nila ay na-massacre na sila at walang natirang buhay," sagot niya naman.

Kinuha ko 'yong cellphone ko nang nag-vibrate 'yon at nakita ko ang pangalan ni Herald kaya sinagot ko 'yon.

"Hello, may trabaho ba akong naiwan diyan?" tanong ko.

"No, it's not that," sagot niya agad.

"I just want to tell you that we already found the person who spread the gossip. It's Moni but, she said that Malari paid her to do that and she obliged because she needs money for her mom who's sick right now," sabi niya.

"Gano'n ba? Narinig ko na pinatay daw si Malari nang nahuli siya ng mga pulis," sabi ko naman.

"Damn! I asked the police that they need to protect Moni just to make sure that no one can hurt her. And also, I'm not going to fire her and I'm just going to ask someone to look after her," sabi niya.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon