Chapter 10.

2.3K 33 0
                                    

Date Published: June 3, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

'Paano ko kaya sasabihin 'to kay Sir Herald?' tanong ko sa isip ko.

"Kilala mo ba ang mga San Marquez?" tanong ko.

"Opo, miss. Kaibigan sila ng mga kamag-anak mo pero, hindi ang mga magulang mo," sagot niya. Napatango na lang ako.

"Nagta-trabaho kasi ako sa isa sa kanila kaso, hindi ko naman kayang iwan ang pagiging sekretarya ko dahil sa napamahal na ako sa trabaho ko mismo," komento ko.

"Ayos lang naman po 'yon, miss. Kami na po ang bahala sa lahat ng business. Sabihan ka na lang po namin - mga lima naman po kaming mga sekretarya mo." Nanlaki ang mga mata ko.

"Po? Bakit gano'n? Ang dami?" gulat kong tanong.

"Madami kasing business na dapat i-handle kaya madaming sekretarya din. Lahat kami ay may kaniya-kaniyang handle kaya 'wag ka na pong mag-alala pa," sagot niya.

"Ibibigay niyo na lang po sa 'kin ang report?" Tumango siya.

"Paano po 'yong mga meeting?" tanong ko naman.

"Sasabihan ka na lang po namin kapag kailangan ka na talaga pero, hangga't hindi pa ay kami na muna ang a-attend para sa 'yo," sagot niya.

Napatango na lang ako at naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin. Payag ako sa plano niya hangga't hindi pa ako gano'n kaalam tungkol dito.

"Bukas po pala ay aalis ako. Nay trabaho po ako kaya maaga akong aalis," paalam ko.

"Sige po, miss. Ako na ang bahala sa lahat. Sa kabilang unit lang ako nakatira para lang makasiguro na ligtas ka," sagot niya.

"Salamat po," sagot ko. Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa para mas matuto pa ako tungkol sa lahst ng mga hina-handle ni tito na business na pinamana niya sa 'kin.

~ NEXT DAY ~

Nandito na ako sa opisina ni Sir Herald at nasa harap ko na siya mismo. Hindi ko alam kung ano mayro'n pero, ang seryoso niya ngayon.

"Henricka, there's something that you need to know," paninimula niya. Agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil feeling ko ay tanggal na ako sa trabaho.

"I have no idea if you knew but, alam mo naman na magka-away ang pamilya natin, 'di ba?" Tumango ako.

"May kamag-anak ka na kaibigan ng pamilya ko..." Wait... 'Wag mong sabihin na alam niya ang tungkol sa pinama sa 'kin?

"Alam niyo po 'yong tungkol sa pinamana sa 'kin ni tito?" tanong ko. Agad kumunot ang noo niya at tumango.

"So, Mr. Garcia already told you the truth?" Tumango ako.

"Nakilala ko po siya kahapon. Medyo natakot pa nga po ako dahil sa baka tauhan siya ni daddy eh," pag-kuwento ko.

"So, if that's the case then, you already know that I'll be training you para ma-handle mo ng tama ang mga business ng tito mo." Agad kumunot ang noo ko.

"Po? Training? Wala siyang sinabi tungkol diyan sa 'kin kahapon," sabi ko naman. Natawa siya ng onti at napa-iling na lang.

"Don't worry, marami kang matutunan pagdating sa 'kin, Henricka. Kaya kung may tanong ka ay tanungin mo lang ako at ako na ang bahala sa 'yo," paniniguro niya.

"O-Okay po, sir. Naiintindihan ko," nakangiting sagot ko. Inumpisahan na namin agad ang trabaho para sa araw na 'yon at tinuruan niya na din ako.

•*•*•*•*•*

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon