Chapter 6

663 19 1
                                    

"R-raven, Si A-averie n-nasa h-hospital." Poala's voice trembled on the other line of the call.

Hindi ako gumalaw o nakapagsalita, tulala lang akong nakatingin kay Hendrix na may pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung pupunta ba ako sa hospital, hindi ko na alam! Gulong gulo na ako. Nagising ako sa pagkatulala ng may humawak sa balikat ko at nakikita ako sa kanyang mga mata ang sobrang pag-alala.

"What's wrong?" He asked me softly. His serious face suddenly softened because of the call I received from Poala.

Mahina akong napaupo at muntik ng matumba, buti na lang nahawakan ni Hendrix yung bewang ko kaya hindi ako natumba, pinaupo nya ako sa may sofa. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang masaktan, wag lang sila para ko na silang mga kapatid. Tatayo at aalis na sana ako ng hawakan ni Hendrix ang braso ko at pinaharap sa kanya, tumitig ako sa kanyang light blue na mga mata hindi nagtagal ay umangat ang kanyang isang kamay at hinaplos ng dahan dahan ang aking pisngi, hindi ko maiwasang mapapikit dahil sa mainit nyang palad na dumadampit sa aking pisngi.

Ang lakas ng tibok ng aking puso, parang gusto nitong lumapas sa aking dibdib, dahan dahan nyang inilapit ang kanyang mukha hanggang sa magtama ang aming mga noon ilang minuto na ganoon ang aming posisyon ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at pumasok ang secretary ni Hendrix na gulat na gulat sa nitong nakatingin samin at natataka kong bakit kami nasa ganoong posisyon ng madatnan nya kami sa loob ng opisina.

"Sorry, sir. I'll just come back later." Nahihiya nito sabi kay Hendrix at lumabas ng opisina ng nakayuko. Hindi ko maiwasang mapatingin ulit kay Hendrix, nakatitig lang ito sakin at para bang may gustong sabihin pero hindi naman nya masabi.

"Alis na ako, Mr. Anderson." pormal kong sabi sa kanya at para bang walang nagyari at tumalikod na papalabas ng opisina nya. Paglabas ko mahina kong nahampas ang ulo ko, mas inuuna ko pa ang pakikipaglandian kaysa sa kaibigan kong nasa hospital.

"Wait, I will come with you." Narinig kong habol sakin ni Hendrix at sumabay sakin sa paglalakad habang papunta ako ng elevator, hinayaan ko na lang syang sumama sakin dahil ayaw ko ng makipagtalo pa, pagod na pagod ako sa maghapon.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator, tahimik lang akong nakatingin sa aking cellphone at binabasa ang mga text ni Poala sakin. Pagkalabas naming dalawa ng elevator sa lobby, naglakad na ako at hindi sya pinansin bunabati pa si Hendrix ng mga empleyado nya tango lang ang sagot ng binata sa mga ito. Sumakay ako ng aking sasakyan at papandarin na sana ito ng biglang sumakay si Hendrix sa backseat na akala mo akong yung driver nya. Masama ko naman syang tinapunan ng tingin, mukhang na gets naman nito kong anong ibig kong sabihin dahil lumipat ito sa tabi kong upuan.

Halos paliparin ko na ang aking sasakyan dahil sa sobrang bilis ng takbo nito. Binalingan ko naman ng tingin si Hendrix nakita kong napakapit na lang ito sa seatbelt at nag-sign of the cross pa, hindi ko mapigilang matawa sa kanya, para syang batang takot na takot sa mga nagyayari sa paligid nya. Sinamanan naman nya ako ng tingin kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng aking kotse.

Nakarating kami sa hospital na parang masusuka si Hendrix pagbaba nya, hindi ko sya pinansin at mabilis akong pupunta sa loob at hinanap ang operating room. Nahagilap ko kaagad silang nakaupo sa waiting chair, si Bella nakaupo at sapo ang kanyang mukha habang umiiyak, si Zaille naman nakatulala lang sa isang tabi at si Jovanna naman tarantang paikot ikot ang lakad at kagat ang mga kuko nito at paminsan minsang tumitingin sa pintuan ng operating room. Si Jovanna ang unang nakakita sakin at tarantang pupunta sa kinaroroon ko at mabilis akong niyakap sabay iyak ng malakas sa balikat ko.

"A-ayos l-lang naman s-siya d-diba, R-raven." Naiiyak na rin na sabi ni Bella sakin at yumakap silang tatlo sakin na parang bang mga batang nawawala sa daan, niyakap ko naman sila pabalik. Pinipigilan kong umiiyak dahil ayaw kong makita nila akong nasa ganoong lagay dahil mas kailangan nila ng karamay.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon