Chapter 50

483 10 1
                                    

"I'm leaving now. That's all I came here for, to give it back." I said, turning back at him. But I was wrong because he quickly dragged my arm.

Agad akong napasubsob ako sa kanyang matigas na dibdib, dahil sa kanyang mabilis na paghila sakin na akala mo isa' lang akong papel. Tumama ang aking mukha sa kanyang dibdib, hindi ko alam kung para saan yun at kung bakit bigla-bigla lang syang nanghihila na akala mo hindi tayo nasasaktan.

Malakas ko syang itinulak sa dibidib gamit ang aking dalawang kamay. Buong lakas kong ginagawa yun dahil ayaw nya akong pakawalan. Masamang tingin ang pinakol ko sa kanya, minsan talaga hindi ko sya maintindihan. Akala ko ba galit sya? Aalis na nga ako sa harapan nya para naman hindi ko pa madagdagan ang kanyang sama ng loob.

"Ano bang ginagawa mo!?" Naiinis kong tanong sa kanya.

Pero imbis na magalit sya sa tanong ko ay ngumisi lang sya sakin na para bang baliw. Oo baliw na talaga sya, sobra daig nya pa ang baliw sa kanto. Hinayaan ko lang syang ilapit ang kanyang mukha sakin habang nakatingin pa rin sa aking mga mata. Hindi pa rin mawala ang kanyang ngisi na hindi ko alam kung para saan.

"You will marry that man? For what? Revenge?" Hindi ko alam kung bakit may halong galit ang kanyang boses habang sinasabi yun.

"What do you care if I marry him." I also spoke to him and met his gaze.

"Even if you marry that man. Hindi parin magbabago ang tingin ko sayo. You're still a criminal," He said while looking at me seriously, and there was no smile on his face. "You don't deserve a happy ending." He added and tightened his jaw.

Wala akong sinayang na oras at mabilis ko syang sinampal, wala na akong pakialam kong magalit man sya sakin ng magalit. Sumusobra na sya. Akala nya siguro madali lang lahat ng mga pinagdaan ko, akala nya hindi ako nasasaktan sa kanyang mga ginagawa, akala nya ayos lang sakin pero hindi sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako.

"Hindi ka pa ba masaya? Kulang ba pa lahat? Kasi ako, pagod na pagod na, Hendrix..." I said softly to him as if I had no strength left.

"Gusto ko lang namang maging masaya, masama ba yun?" Mahina kong tanong sa kanya at hindi inaalis ang aking tingin sa kanyang mga mata.

Hindi sya nagsalita, nakatitig lang sya saking mukha na para bang pinaaaralin nya ang aking emosyon kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Hindi ko rin alm kung bakit ko nasasabi sa kanya ang bagay na yun, siguro dala ng alak. At isa' pa ang lakas ng loob ko ngayon para sabihin sa kanya ang mga hinanakit ko sa aking buhay.

Walang reaksyon nya akong tinignan gamit ang kanyang malamig na mga titig at ang kanyang mapusyaw na asul na mga mata. Nakakainis! Gusto kong magwala sa harapan nya at suntukin sya. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng mga pinagdaan ko sa loob ng bilangguan. Tapos ngayon sasabihin nya saking hindi ko deserve ang happy ending?

"K-Kung hindi ka pa m-masaya, anong ba ang g-gusto mo? L-Lumuhod ako sa h-harapan mo at m-magkaawa?" Utal kong tanong sa kanya at hindi inaalis ang aking tingin.

Gusto kong maramdaman nyang hirap na hirap na ako at pagod na pagod. Dahil una pa lang hindi ko naman talaga kasalanan ang lahat. Biktima lang din ako, katulad nya. Pero bakit hindi nya ako pinapakinggan nung mga panahong gustong-gusto kong magpaliwanag sa kanya na hindi ko ngayon ginawa yun.

Nang hindi sya magasalita ay dahan-dahan kong iniyuko ang aking ulo at dahan-dahang iniluhod ang ang mga tuhod sa kanyang malamig na sahig sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginagawa ko yun sa kanyang harapan. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mga titig pero hindi ko naman nakikita ang kanyang mukha dahil nakayuko ang akong ulo.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon