Chapter 34

210 6 0
                                    

"I already save you, not physically but in your cage."

Tulala akong nakatitig sa kanya, pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang yun. Mula sa kanyang pisngi ay dahan-dahan kong pinahandas ang aking kamay papunta sa kanyang dibdib habang hindi inaalis ang aking tingin sa kanya mg mata. Dalawang kamay kong hinawakan ang kanyang matigas na dibidib.

Akala ko may idea na sya kung anong susunod kong gagawin dahil nakatingin sya sakin ng pagkalawak na para bang alam na alam na talaga nya ang gagawin ko. Seryoso akong nakatingin sa kanyang mga mata habang nakahawak pa rin ang aking dalawang kamay.

Nang malakas ko syang itinulak sanhi para mawalan sya ng balanse at bumagsak sa tabing dagat na kinangiti ko ng husto. Malakas akong tumawa ng makita ko syang basang-basa dahil sa aking pagtulak, agad naman nya akong sinamaan ng tingin. Sino ba namang hindi magagalit kung bigla-bigla kang tinutulak at isa' pa hindi bastang tulak lang nabasa ka pa.

"Caitríona!" Rinig kong malakas nya sigaw sa pangalan ko.

Natatawa ko pa rin syang tinignan at kulang na lang ay umiiyak ako kakatawa dahil sa kanyang itsura ngayon. Ayaw ko mang kiligin sa mga sinasabi nya kanya pero kinilig talaga ako ng sobra, kaya imbis na lumaki ang ulo ay mas mabuti nang itulak ko na lang sya.

Masama pa rin ang tingin nya sakin hanggang ngayon, habang ako naman ay tumatawa lang. Hindi ko talaga mapagilian tumawa ng sobrang lakas dahil na rin sa kanyang basang-basang at mamahaling suit. Naka-simangot syang tumayo mula sa kanyang pagkabagsak, akala ko titigan nya lang ako ng masama habang tumatawa pa rin ako sa kanyang itsura.

"Yes, baby. What is it?" Nakangisi kong tanong sa kanyang naka-simangot at galit nyang mukha.

Seryoso nya akong tinignan at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at mapang-asar nya akong tinignan ng kanyang mapusyaw na asul na mga mata. Tumatawa pa rin akong tumalikod sa kanya at inihakbang ang isang kong nang maramdaman ko ang lamig na tubig na tumama sa aking likuran.

Nanlalaking mata kong nilingon si Hendrix at tinignan ko lang syang ipagdikit ang kanyang palad para makakuha ng kakaunting tubig at buong lakas nyang tinalsik ang kaunting tubig sa aking damit para mabasa ako. Agad ko namang sinamaan ng tingin ang kanyang mukhang nakangisi na sakin at kumuha pa ng tubig mula sa dagat.

"Hendrix!" Malakas kong sigaw sa kanyang pangalan, katulad ng ginawa nya kanina lang.

Mabilis ko syang sinugod at ginaya ang kanyang ginagawa, nagbasaan lang kaming dalawa ni Hendrix. Hanggang sa imbis na magbasaan kaming dalawa ay kumuha ako ng buhangin mula sa ilalim ng tubig at ginawang itong parang bola. Buong lakas kong ibinato sa direksyon ni Hendrix ang ginawa kong bola na gawa sa buhangi, mabilis naman itong tumama sa kanyang matigas na dibdib.

"You're unfair, baby." Rinig kong sabi nya na para bang nagtatampong bata.

"So what?" Malakas kong sabi at mataray syang tinignan.

Hindi sya nagsalita at niyuko ang kanyang ulo at para bang makunukuha sa kanyang paa. Nagtataka ko syang pinagmasdan habang ginagawa nya yun, hanggang sa matapos sya. Doon ako dahan-dahang umatras mula sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang hawak na bolang buhangi sa kanyang mga kamay.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo ako ng sobrang bilis, pero hindi naging sapat yun dahil hindi nagtagal ay naramdaman ko ang kung ano mang tumama sa aking likuran. Agad naman akong tumigil sa pagtakbo at kumuha pa ng buhangin mula sa ilalim ng tubig at malakas ko ring inihagis sa kanya.

Ilang beses ko pang pinaulit-ulit ang pagbato sa kanyang ng buhangin, hanggang sa nagsawa ako at hiningal sa pagbato ng buhangin sa kanya. Basang-basa kaming dalawa ni Hendrix dahil sa kakulitan naming dalawa, hindi ko alam kung uuwi ba kami sa hotel ng sobrang basa ang aming mga katawan.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon