"Yes."
"No."
Eh? Ano naman yun? Kelan pa Hendrix.
Nagtatakang napabaling samin si manang dahil sa magkasalungat ang aming sagot sa tanong nya. Palipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa at parang naguguluhan pa sa mga nagyayari, hindi naman talaga kasi kami magjowa. Sinungaling lang talaga yan, pati ako dinadamay pa sa mga kalokohan nya.
"Hendrix, hijo magpalit ka damit ka nga. Bakit basa yan?." Narinig ko pang tanong ni manang. Lumabas na lang ako ng kusina at pupunta na lang ng kwarto ko daw, pero naalala kong hindi ko nga pala kong asaan yung kwarto ay mabilis ako bumalik sa kusina para magtanong kay manang.
"Manang, asaan po yung kwarto ko?" Tanong ko kay manang habang nakasandal sa pinto ng kusina at hinihintay ang kanyang sasabihin. "Si Hendrix na lang magtuturo sayo, hija." Sabi naman sakin ni manang sabay tingin kay Hendrix na tuluyang tinatanggal ang kanyang white polo.
"Okay po, manang." Sagot ko na lang sa kanya, gusto ko ng makapagpahinga ngayon sobrang pagod na ko. Kung pwede lang akong makapagpahinga habang buhay gagawain ko kaso hindi pwede marami pa akong gustong gawain sa buhay ko.
Sunod na lang ako kay Hendrix at tahimik lang na naglalakad, wala akong ganang makipausap ngayon. Kailangan ko pang puntahan si Averie sa hospital at kamustahin ang kondisyon nito. Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay huminto si Hendrix sa isang pinto at mabilis akong hinarap sabay turo sa isang pinto sa may dulong parte ng second floor.
"That's your room." Simple sabi sakin ni Hendrix at tumalikod na sakin, nakita ko syang pumasok sa isang kwaryo malapit sa kinatatayuan ko, kwarto nya siguro.
Mabilis akong pumunta sa tinuro nyang kwarto ko daw, pagkapasok ko sa aking kwarto isang light pink na kulay sa pader ang bumungad sa aking mga mata, nakita ko ring nakaayos na ang mga gamit ko simula sa mga paborito kong libro pati na rin ang mga make-up kit ko ay nakaayos na rin sa mga lalagyan nito, pumunta naman ako sa closet ko at nakita ko ring sobrang ayos nito. Kumuha na lang ako ng tuwalya sa aking closet at pumunta ng banyo, mabilis kong hinubad ang aking mga damit at pupunta sa ilalim ng malamig na shower.
Hindi ko maiwasang maisip ang mga nagyari ngayon araw nakakapagod pala, napabuntong hininga na lang ako at ipinikit ang aking mga mata habang nasa ilalim pa rin ako ng malamig na shower ng matapos akong naligo nagblow dry naman ako ng aking haba at kulay itim na buhok. Huminga na ako sa aking malambot na kama pagkatapos kong magblow dry ng buhok, ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng bigla kong naalala ang kinakamasaklap kong ginawa sa buong buhay ko, na kahit anong pagkalimot ko ay hindi ko pa rin ito makalimutan, pumikit na lang ako at pinilit na makatulog.
"Please, help me." Nagmamakaawang sabi ng matandang babae sa akin habang dahan dahang tumulo ang mga dugo nito sa sahig. Nababalutan ng dugo ang aking mga kamay at mahigpit kong hinawakan ang hawak kong baril.
"Please.. help me, hija."Inangat pa nito ang isang kamay at parang gusto akong abutin. Wala akong ibang ginawa kundi titigan sya nanginginig pa ang aking buong katawan dahil sa takot, hindi ko alam ang gagawin dahil bata lamang ako.
Dahan dahang kong inangat ang kamay kong may hawak na baril at nanginging na tinutok ko sa ulo ng matandang babae, umiiyak akong pinagmasdan sa kanyang mukhang nagmamakaawa sakin, alam kong walang ibang paraan para makatakas kami dito hindi ko naman ito gusto. Ayoko ng ganito, pero wala akong magagawa. Pikit mata kong ipinutok ang hawak kong baril at pagkatapos noon mabilis kong tinignan yung matandang babae nakahandusay na ito sa malamig na sahig ng lumabang bahay. Umiiyak akong napaupo sa may sahig at niyakap ang aking mga tuhod doon umiiyak ng pagkalakas lakas.
"N-no. I killed her." Umiiyak kong sabi sa aking sarili at sinisi ko ang aking sarili dahil sa pagkamatay ng matandang babaeng tinuring kong ina sa loob ng lumang bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Amaya Series #1: His Sweet But Deadly Bodyguard
RomansaCaitríona Raven Madison is a great bodyguard for her family and a submissive to her father. She's the youngest daughter of Edward Madison, the former bodyguard of Don Alfred. Her profound calm, peaceful heart unexpectedly be disrupted. When she met...