Chapter 42

235 8 0
                                    

Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan at kasabay nun ay mabilis ko ring tinatawag ang secretary ni Hendrix na si Miss Santos. Dahil baka ngayon ay nasa loob lang ng kanyang kompanya si Hendrix. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pag nagkita kaming dalawa.

Kung sasabihin ko bang sorry at hindi ko sinabi sa kanya o itatangi ko pa ang lahat? Hindi ko talaga alam, siguro balaha na lang si Batman. Inisip kong pagwala pa si Hendrix o hindi pa nya nababasa ang nasa dokumentong yun ay kukunin ko na lang at aalis na para walang nangyari. Pero ang tanong, hindi pa kaya nya nababa? O nabasa na nya at hinihintay lang akong dumating.

Ito na nga ang kinatatakutan ko sa lahat. Alam ko namang dadating ang araw na ito, pero hindi ko inaasahan na mapapa-aga lang. Natatakot na ako na para bang mawawala na ako sa aking sarili. Ganito ba talaga pag may tinatago ka? Nagiging pala-isip ako at laging tuliro.

Umiiyak at wala sa sarili akong nagmaneho ng aking sasakyan. Kahit na hindi ako sigurado kung maabot ko pa si Hendrix dun o wala na. Umiiyak ako at pilit na inaalis ang aking mga luha sa aking pisngi, dahil nagmamaneho ako. Nakailang tawag pa ako bago ako sinagot ni Miss Santos ang secretary ni Hendrix. Huminga muna ako ng malalim nagsalita at magtanong sa kanya.

"H-Hello, M-Miss Santos? K-Kasama m-mo ba si H-Hendrix?" Medyo kinakabahan kong tanong sa kanya at pilit na hindi umiiyak na naman.

"Hmm, Ma'am umalis na po kanina pa. Mukhang bad trip nga po. Nag-away po ba kayo ni Sir Hendrix?" Sa haba-haba ng sinabi nya. Pero ang mas tumatak sakin ay galit daw na umaalis ng kompanya.

Gusto ko na namang umiiyak ulit dahil sa kanyang mga sinabi. Sana mali ang iniisip ko, sana mali talaga ako, sana. Please, Hendrix hayaan mo akong makapagpaliwanang. Kahit sa ganun lang masabi ko ang mga gusto kong sabihin. Mas mabilis pa ang pagpa-andar ko ng aking sasakyan para makarating ako sa kanyang mansion.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng aking masaganang luha sa aking mga mata, kahit na inaalis ko ang mga yun gamit ang aking dalawang palad. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang tinakbo ng aking sasakyan para lang makarating sa kanyang malaking mansion. Hindi ko alam, basta pinaandar ko lang ng mabilis.

Basta ko na lang iniwan ang aking sasakyan sa gate ng kanyang mansyon at hindi na ako nagsayang pa ng ilang oras at mabilis ako tumakbo papasok sa main door ng kanyang mansyon. Kahit na sinalubong ako ng kanyang mga katulong at mga security ay hindi ko sila pinansin at diretso lang akong tumakbo.

Hanggang sa nakasalubong ko si Manang galing grand staircase at pababa na. Mabilis ko syang hinarang sa kanyang dadaan, kitang-kita ko ang gusto sa kanyang mga mata ng makita ako sa kanyang harapan siguro hindi nya inaasahang nandito ako ngayon sa kanyang harapan.

Nagtataka nya akong tinignan, sino ba namang hindi sigurado akong namamaga na ang aking mga mata at namumula na anmg aking pisngi dahil sa aking pag-iyak kanina ng paulit-ulit. Kahit na ganun ay nakuha ko pa ring ngumiti sa kanya kahit na medyo pilit ang ngiting yun. Ayaw ko syang magtanong pa sakin, kaya mas mabuting magpanggap na lang ako.

"M-Manang? Si Hendrix po, nasa kanyang kwarto?" Medyo kalmado kong tanong sa kanya.

"Nasa kanyang opisina, Iha." Nagtataka pa rin nyang sabi sakin. Alam kong may gusto syang itanong sakin, pero pinilit nyang wag matanong.

"S-Sige po, M-Manang s-salamat." Mas mabilis akong tumakbo paakyat sa grand staircase.

Rinig ko pang may sinabi pa si Manang, pero hindi ko na lang yun sinagot at mabilis na umaakyan sa itaas na palapag. Gusto kong makuha ang dokumentong yung na walang nababsa si Hendrix na kahit na ano mula mistulang papel na yun. Kahit pangalan ko ay ayaw kong mabasa nya. Malakas ang tibok ng aking puso, hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko ng mabilis o dahil kinakabahan ako.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon