Chapter 13

475 16 0
                                    

Natatawa akong tumingin sa pinsan kong parang binagsakan ng isang malaking bato dahil sa pagtangi ni Poala sa kanyang makipag date. Bagay talaga sila, isang hindi pala salita at isang madaldal. What a perfect couple.

"I guess. You take the punishment." Masayang sabi ni kuya Aiden kay Poala boring na nakatingin sa pinsan ko.

Kumuha si kuya Aiden ng bote ng alak at nagsalin sa isang maliit na baso kasama ng lime wedge at asin. Nakangiti syang lumapit kay Poala at naglagay muna sya ng asin sa likod palad ni Poala. Nanonood lang ako sa ginagawa nya at pati na rin sa reaksyon ni Poala.

"Ay, yun lang."

"Kunwari gentleman daw sya." Rinig kong commento ni Nicanor sa hinawang bodyshot ni kuya Aiden. Pinaikot na ni kuya Aiden ang bote ng alak, sakto namang tumapat sakin at kay Darius ang bote ng alak.

"Amore mio, Truth or Dare." Seryosong tanong sakin ni Darius, hindi ko alam kung lasing na ba sya or talagang seryoso sya ngayon.

"Truth." Simple kong sagot at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

"Is there a change for you to accept our arranged marriage?" Seryoso at malumanay nyang tanong sakin, hindi ko alam kung pinapatamaan nya ba ako or gusto nya lang makarining ng kasinungalingan mula sakin.

Hindi ako nagsalita ng kahit na ano, tinitigan ko lang syang naghihintay at umaasa sa magiging sagot ko. Gusto kong magsalita, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko tatanggapin ang arranged marriage na yun pero ayaw ko naman syang masaktan. Pero kung kasinungalingan naman ang sasabihin ko sa kanya, sigurado akong aasa lang sya at patuloy lang maghihintay sa wala. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanyang ngayon, kahit naman na pumayag na silang lahat nasa akin pa rin ang huling desisyon. Kaya hindi ko masisis si Darius kung bakit hanggang ngayon ay kinukilit nya pa rin ako.

"I think it's time for bodyshot." Napabalik ako sa aking sarili ng magsalita ulit si Darius at mariin akong tinitigan.

Mabilis namang nakalapit sakin si Darius na ngayon ay may hawak ng bote ng alak at isang maliit na baso na may lamang alak at lime wedge sa kanyang isang kamay. Una naglagay muna sya ng asin sa aking leeg at tumingin sakin na para bang naghihingi syang permiso mula sakin. Tumango lang ako sa kanya at hindi nagsalita, sa totoo lang napakagentleman ni Darius halos nasa kanya na ang lahat hindi ako ang nararapat para sa kanya. Tahimik lang ang lahat at pinapanood lang kaming dalawa ni Darius.

Just like kuya Aiden did to Poala, Darius first takes the shot and drinks it from the shot glass then he licks the salt on my neck slowly and then he take the lime wedge from my mouth. Hahalikan na sana nya ako sa aking labi ng bigla kong iniwas ang aking mukha, hindi ko sya kayang halikan lalo't lasing sya at isa pa ang sama ng tingin sakin ng isang lalaking nasa likod lang ni Darius na para bang gusto nya kaming pataying dalawa ni Darius. Kitang kita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata habang iniiwas ko ang kanyang halik.

"I am sorry, Amore mio." Panghingi nya ng tawad at yumuko na para bang nagsisi sya sa kanyang ginawa.

Magsasalita na sana ako at sasabihing ayos lang ng biglang naagaw ang atensyon naming lahat doon kay Hendrix na padabog na kumuha ng alak at umaalis ng hindi nagpapaalam man lang. Tumingin ako sa pinsan kong nakangiti sakin ng nakakaloko hindi ko sya pinansin bagkus ay sumenyas ako sa kanya nasusundan ko si Hendrix tanging tango lang ang sagot nya sakin.

Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at tumakbo ng mabilis para mahabol at masundan ko si Hendrix, naabutan ko syang wala sa sariling naglalakad sa dalampasigan habang hawak sa isa nyang kamay ang bote ng alak, isang kilometrong layo ang aking kinaroroonan mula sa kanya. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya at pinagmamasda ang kanyang mga galaw. Kahit naman nasa bakasyon ako, kailangan ko pa rin gawin ang trabaho ko hindi ko sya pwedeng iwan na lang ng basta basta.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon