Kahit minsan ba nakaramdam kayo ng parang mababaliw na? O hindi naman kaya, kunting araw na lang ay bibigay kana. Sa loob ng kulungan, dun mo mararanasan ang iba't ibang klase ng sakit. Sakit na kahit anong bura mo ay nandun at nandun pa rin. Sakit na kahit kalimutan mo na ang lahat ng masasamang nangyari sa buhay mo ay hindi ka pa rin nito lulubayan.
Pakiramdam ko nakakulong na naman ako sa aking hawla at pilit mang kumawala ay hindi mo kaya. Masakit mang isipin na nagawa akong ipakulong ng taong mahal ko. Pero anong magagawa ko? Dun sya masaya, makita ko man syang nasa iba wala akong magagawa kundi ang titigan na syang nasa malayo. Tanga na siguro ang tawag sakin ngayon.
Pagkatapos ng araw na yun ay agad akong inilipat ng aking pamily sa itay para dun ipagpatuloy ang kaso sakin. At yun ang huli araw na nakita ko sya. 7 years akong nasa kulungan at nag-iisa, nasasktan, umiiyak gabi-gabi na halos hindi ko na kinaya pa. Sabi ko sa sarili ko pag nagkita muli kami ay hindi na ako titigin sa kanyang mga mata, dahil alam kong mahuhulog na naman ko at masasaktan.
Hindi ko alam kung anong nagyari sa kanyang pagkatapos naming maghiwalay, wala akong balita sa kanya sa loob ng
pitong taon. Kahit na madalas na bumibisita sakin si Poala ay niminsan hindi ako nagtanong sa kanyang kung ayos lang ba ang buhay sa labas. Sa tuwing pupunta si Poala sa kulungan ay wala ako lagi sa aking sarili.
Kinakausap naman nya ako, pero sa tuwing ibubuka ko ang aking bibig para magsalita wala namang boses ang lumlabas kaya kahit na gustong-gusto kong itanong kung ayos lang ba ng aming mga kaibigan ay hindi ko magawang itanong sa kanya. Doctor sya at alam kong alam nya ang kalagayan ko sa loob ng kulungan. Pero mas pinili nyang wag magtanong sakin, kung bakit ako nagkaka-ganito.
Minsan dalawa sila ni Kuya Aiden na pupunta dito sa kulungan para bisitahin ako, hindi naman ako yung taong sobrang bobo sa buhay at kahapon lang pinanganak. Alam kong may namamagitan sa kanilang dalawa, hindi lang nila sinasabi sakin. Pero ayos lang malalaki sila, hindi naman ako ang magulang ni Poala para pigilan sya sa mga gusto nya.
Madalas ding pumupunta si Mommy at Daddy dito sa kulungan para kamustahin ako. Pero gaya ng nangyari sa tuwing pupunta si Poala ay hindi ko sila kinakausap. Kahit na harap-harapan na saking umiiyak si Mommy, hindi ko talaga kayang magsalit. Para ayaw munang bumuka ng aking bibig, minsan naririnig ko mula sa kanilang dalawa na sana daw ay hindi daw sila naging pabayang magulang sakin.
At dahil nasa italy ako, madalas kung nakikita ang kambal. Lagi rin silang bumibisita sakin at nagkukuwento ng mga walang kuwentang bagay nangyari sa kanilang araw. Nagkuwento din sila kung paano sila nakipagmeet up sa isang babae, kung anong ginawa nila at kung ano-ano pang bagay. Napapatawa nila ako, hindi ko alam kung anong ginagawa nila para matawa ako pero masaya akong lagi nanjan para sakin ang kambal.
Kahit na may kanya-kanya silang buhay, hindi pa rin nila ako nakakalimutan. Silang dalawa ang nakasaksi kong paano ako umiiyak at nasasaktan at kung gaano kahirap ang mga pinagdaan ko. Kung paano ako nakasurvive at nanatiling mabuhay sa loob ng abandonadong lugar na yun. At kung paano ako nakatakas mula sa mga kidnapper.
At dahil dun ay paunti-unti akong nakabangon at nakalimot sa mga masasakit na alaalang nangyari sa aking buhay. Silang dalawa ang nagturo sakin kung paano makalimot at ibalik ang dating Caitríona. Sinabi nila saking kailangan kong bumalik sa pagiging ako, yung kinatatakutan ng lahat. At hindi mag aalin-langang kalabitin ang gatilyo ng baril.
Ang nasasaktan kong puso ay unti-unting nagbago, mula sa wasak-wasak at durog na durog kong puso at unit-unit itong napalitan ng matigas at malamig na pakiramdam na para bang mula sa lampa at masasaktan kong puso ay naging malamig at matigas na kahit sino pa ang lalapit sakin at balak akong saktan ay hindi sya magtatagumpay.
![](https://img.wattpad.com/cover/286509849-288-k57427.jpg)
BINABASA MO ANG
Amaya Series #1: His Sweet But Deadly Bodyguard
RomanceCaitríona Raven Madison is a great bodyguard for her family and a submissive to her father. She's the youngest daughter of Edward Madison, the former bodyguard of Don Alfred. Her profound calm, peaceful heart unexpectedly be disrupted. When she met...