Chapter 31

250 9 0
                                    

"Is she okay?"

"The twins should be here right away."

"This is not happening."

I heard a different kind of voice around me. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, hindi ko maiwasang masilaw dahil sa tumatamang liwanang sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon ang huling naalalako ko ay may isang lalaking nakaitim at may hawak itong Precision Sniper Gun.

Agad akong napatayo dahil ngayong naalala ko na ang mga nagyari. Tatangalin ko nasa ang nakakabit sa kaliwa kong kamay ang dextrose ng agad akong pinigilan ng isang kamay sa aking pulsuhan. Mabilis kong binalingan ng tingin ang taong pumigil sakin, at nakita ko syang seryosong nakatingin sakin.

"Let go of me, Kuya Callen." Mahina kong sabi sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Pero mahigpit pa rin nya akong hinawakan sa aking braso, pilit ko mang alisin ang kanyang kamay pero wala akong lakas para matangal ang kanyang mahipit na kamay na nakahawak sa aking pulsuhan. Hindi maiwasang tignan ang paligid doon ko lang napagtanto na nasa hospital pala ako ngayon.

At hindi ko inaasahan na andito silang lahat, ang talto kong mga pinsan pati na rin ang kanilang mga magulang ay andito din. Silang lahat ang aking mga tito at tita ay andito. Nagtataka ko namang binalingan ulit ng tingin ang aking kapatid. Pero ganun pa rin ang kanyang reaksyon tanging seryoso lang syang nakatingin sakin.

"Kuya, where is Hendrix." Nag-aalala ko tanong sa aking kapatid.

"He okay. Don't think about him now." Nakakapag-pataas ng balahibo ang kanyang boses, sobrang lamig na para bang nasa ice land ka ngayon.

"I need to see him." Pagmamatigas kong sabi sa kanya.

Pero ganun pa rin ang aking kapatid ayaw nya akong pakawalan, kahit na nasasaktan na ako sa kanyang mahigpit na hawak sa aking pulsuhan. Binalingan ko naman ng tingin ang aking mga pinsan para sana humingi ng tulong sa kanila, pero hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis na silang nagsi-iwas ng tingin.

"Please, Kuya." Nagmamaka-awa kong sabi sa aking nakakatandang kapatid.

"No---" Hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng marinig naming lahat ang pagbukas ng pinutan.

At pumapasok sa loob ang aking ama na seryoso at tahimik na naglakad sa kanyang likuran nakasunod ang aking inang nag-aalalang nakatingin sakin habang ito'y naglalakas papalapit saking kinaroroonan. Agad na tumahimik ang buong paligid na para bang walang katao-tao dito sa loob.

Nkatitig lang akong nakatingin sa aking amang kapangyarihan naglalakad na para bang isa' syang hari na dapat lahat ng kanyang sasabihin ang laging masusunod. Ang kanyang awra ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam dito sa loob ng aking kwarto dito sa hospital.

Agad akong napatingin sa aking inang mabilis akong niyakap, hindi ko man lang napansin na andito na pala sya sa aking harapan ng ganung kabilis. Masyado akong tulala sa aking ama kaya hindi ko napansin ang aking inang mahipit akong niyakap. At isa' pa hindi ko rin napansin na hindi na pala hawak ni Kuya Callen ang aking pulsuhan.

"Oh my god, honey are you okay?" May pag-aalala nyang sabi sakin habang yakap ako.

Mabilis naman akong gumanti ng yakap sa aking ina, hindi ko alam kung bakit biglang nabasa ang aking sout na hospital gown. Hindi nagtagal ay naramdaman kong umiiyak nasa aking balikat si Mommy, alam ko namang nag-aalala lang si Mommy sakin sino ba namang hindi.

Lahat naman siguro ng mga ina ay mag-aalala talaga sa kanilang mga anak. Kaya hindi ko masisi si Mommy kong bakit ganyan sya sakin ngayon. Umiiyak pa ring nakayakap sakin si Mommy, pilit ko mang patahahin sya pero mas lalo lang lumakas ang kanyang pag-iyak.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon