Chapter 14: REALITY

22 10 2
                                    

Reality

It's the first time for me.

Normal lang ang naging araw ko.

Hindi umabot ng ilang buwan o linggo ang episode ko sa KLS. It's very unbelievable. What if nasa process na pala ako ng healing. What if kaunting push nalang pala at normal and I can coexist again. Sana naman papabor na sa akin ang mundo and all the tables would turn for me. Sabi nila ang buhay ay parang isang gulong, minsan ika'y nasa baba at minsan kung papalarin ikaw naman yung nasa itaas. And sana this time nasa itaas naman ako, sana naman nasa maginhawang parte na yung buhay ko.

Kasi kapag gumaling na ako mula sa sakit na ito, I would be the happiest here on earth. Ito lang talaga ang tanging hinihiling ko.

Pakiramdam ko magiging maganda ang araw ko ngayon.

Malawak ang aking ngiti nang inalis ko ang nakabalot sa akin na kumot at umalis sa kama. Nagsipilyo muna ako bago bumaba.

Nang makababa ako naabutan ko si Philip na nagpiprito ng itlog at bacon.

"Goodmorning, Aurora." Nakangiti niyang bati sakin. Kahit kailan nakakahawa talaga yung ngiti niya. Yung kahit napakasama ng araw mo siya yung magsisilbing ilaw at boom, ngingiti ka na ulit.

"Goodmorning din." I greeted back.

Umupo ako sa sofa at nakapanglumbabang pinagmasdan si Philip sa kanyang ginagawa.

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi which is very sexy to look at. Pakiramdam ko may mga paru-parung nagkakagulo sa tiyan ko.

"Why are you staring at me like that?" Bigkas niya while still doing his chore.

"Do you exercise a lot?" Tanong ko.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Ang ganda kasi ng katawan mo." Wala sa sariling bigkas ko.

Saka ko lang narealize na napakabobo at napakahindot pala ng inasal ko. "Ah don't get me wrong, anlaki kasi ng muscles mo dito sa braso, gusto ko rin ng ganyan." What the hell Aurora? What kind of excuse is that?

"I do push ups every morning." He answered. Kumuha siya ng plato at nilagay ang lutong itlog at bacon dito. Kumuha siya ng whole wheat bread sa fridge at umupo sa sofa katabi ko.

"Alam mo I tried doing push ups before and it was an epic fail. Nasubsob yung mukha ko sa sahig kasi diko na maiangat yung katawan ko." Pagse-share ko ng experience ko sa pag e-exercise. Natawa nalang ako sa sarili kong katangahan.

"Wag kang mag-alala, next time tutulungan kitang mag-exercise." He said while smiling. Randam kong namumula ang aking psingi nang kumuha ako ng dalawang whole wheat bread saka pinalamanan ng itlog at bacon.

Hinawakan ko ang aking pisngi at kumagat ng napakalaki sa ginawa kong sandwich saka napapikit. "Hmmm, ang sarap."

"Para ka namang bata kumain." Napadilat ako and saw amusement in his face.

Bigla siyang lumapit sa akin until we were only inches apart. He never failed to make my heart skip a beat. Rinig na rinig ko tuloy yung pagtibok ng sarili kong puso.

Pinahid niya yung gilid ng labi ko gamit ang kanyang hintuturo. "Eat slowly baka mabilaukan ka." Aniya tsaka dinilaan ang mayo na nakuha niya gilid sa aking labi. Is he trying to seduce me?

"O-okay." Tanging nasabi ko habang parang kinakabahan.

"Matanong ko nga pala, pano mo nalaman na birthday ko noong nakaraang araw?" Bigla niyang tanong.

"Ahh, yon? Nakita ko kasing nahulog mo ito." Saad ko sabay pakita sa kanya nung nakita kong nakatuping papel.

Mabilis niyang hinablot mula sa pagkakahawak ko yung papel. "Saan mo ito nakita? I've been looking for this everywhere, akala ko naiwala ko na ito." Thousands of emotions appeared in his face when he saw the paper I'm holding. It was like the paper or the person who gave it to him is so dear to him, para na nga siyang maiiyak and also a part of him felt angry. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Tama nga ang babae sa aking panaginip, hindi ko nga lubos na kilala si Philip.

"S-sorry kung hindi ko agad naisauli sa'yo." Bigla tuloy akong naguilty. Nakalimutan ko kasing isauli.

"No it's fine. What's important is it's not gone." He sounded so relieved and then he smiled at me. "Thank you." Mabuti nalang at kumalma siya kaagad. Naginhawaan din ako nang ngumiti siya sa akin.

"Hindi ka ba galit sa akin?" I flashed my very sweet smile.

"No, why would I?" Pabalik na tanong niya sa akin. "I would never get mad at you because I don't like to upset you."

"Why? May karapatan kang magalit sa akin." Bigkas ko.

"And I chose not to. Losing this was my fault, I accidentally misplaced it." He said while pointing the piece of paper. "Kung tutuusin I should be thanking you, because of you naibalik sa akin ito."

"Walang anuman." Ani ko at binigyan siya ng magaan na ngiti. "By the way, sino yung babae na nanjan, yung kasama mo sa picture?" Sabi ko sabay turo sa papel. "Is she your girlfriend?" Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa isasagot niya. Masyado na ba akong pakialamera?

Eh ano naman ngayon kung girlfriend niya yung nasa picture? Nababaliw na ata ako.

"No. She's my sister."

"Ohh." Akala ko girlfriend, mabuti nalang hindi. "Ilang taon na siya?"

"She's turning 18 this monday." I was shocked. That's the day after tomorrow.

"Talaga? Why don't you invite her dito sa bahay, sabay natin ise-celebrate yung birthday niya." I suggested feeling a bit excited.

"I really want to, pero hindi pwede." Biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha nang mapag-usapan namin ang kaarawan ng kanyang kapatid. He suddenly looked heartbroken and lookrd so shattered infront of me.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Bakit naman?"

"She's dead."

Nagulat ako sa sinabi niya. His answer was very far from what I've expected it to be. Ang akala ko ay strict yung parents niya at hindi pinapayagang gumala yung kapatid niya, pero iba pala ang dahilan.

"May I ask, kung bakit siya namatay?" There was a moment of silence between the two of us. Pakiramdam ko wala siyang balak na sabihin sa akin ang dahilan. "Ok lang kung ayaw mong sagutin, I respect---"

"Car accident." I saw him clenched his fist. "Kakatapos lang ng klase nila non, and my sister was about to go home. Kasama kong naghihintay sa pag-uwi ng kapatid ko ang aking lola, but the day she got home never happened. Nabalitaan ko nalang na dead on arrival na ang kapatid ko. Ang sabi ng mga nakasaksi my sister carelessly crossed the road kaya siya nasagasaan." Nakayuko lang siya habang nakatitig sa hawak na papel. He's longing for her. I know he is.

Hindi ko alam ang pakiramdam ng mamatayan. But I can feel it, he is in deep pain.

Kusang gumalaw ang aking katawan at lumapit sa kanya. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang likuran to give him comfort. "I know you'll get through this."

Napatingala siya sa akin and looked straight to my eyes. Sadness was in it.

He slowly leaned closer to me and the next thing I know, is the fact that his lips are now on mine.

Parang may sariling isip ang aking katawan at hindi ito pumalag sa ginawa ni Philip.

I closed my eyes as the both of us deepened our kiss, heating the space between.

As I Die Awake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon