Chapter 6: REALITY

58 21 0
                                    

Reality

As soon as I woke I quickly counted the days on my calendar that have passed.

"Twenty nine, thirty, thirty one, thirty two..."

Thirty three. Thirty three days.

This time I've lost more than a month.

This is the longest episode of KLS that I've experienced. I've never been beyond a month before, not until...now.

Nang makalabas ako ng aking kwarto, naabutan ko si Ash na nakaupo sa gitna ng sofa at parang naghahanap ng mapapanood sa Netflix.

Napalingon siya sa akin nang marinig niya ang pagsarado ng pinto ng aking kwarto at ang bawat yabag ng aking paa na pababa ng hagdan.

"Hey." She greeted me with her warmest smile nang makita niya ako while hugging both of her knees.

"Don't you have classes today?" Bungad kong tanong sa kanya, brows furrowed. Nagtataka kung bakit siya narito ngayon.

"Not really, just a field trip." Maikli niyang tugon na para bang hindi ito big deal sa kanya.

"Bakit hindi ka sumama sa field trip niyo?" Saglit akong napatigil sa pinakahuling baitang ng hagdan. Naghihintay sa kanyang isasagot.

"Dad says so," she said and shrugged her shoulders. "Tsaka I need to take care of you, kailangang may kasama ka at nagbabantay sa'yo noh. Come on, let's watch some movies. I'm bored." Litanya niya at inaya ako na umupo sa kanyang tabi.

"Hindi mo na ako kailangan pang alagaan Ash. Malaki na ako." Nagsalin ako sa baso ng fresh milk nang makarating ako ng kusina. At naglagay din ako ng tinapay sa bread toaster.

How funny to listen, that an adult like me is a dumbbell to my sister's life. Pabigat at pasanin lang sa buhay ng kapatid ko and I hate myself for that. Miserable na nga yong buhay, madadamay ko pa yung buhay ng iba.

"An adult with a so called 'Sleeping Beauty Syndrome' to be exact." She corrected me with her firm fingers swaying in the air in different directions.

"I'm not in an episode, you don't need to take care of me. I'm perfectly fine right now." I said waiting for the bread toaster to produce the 'ting' sound and popping off the toasted breads out from the toaster.

"Still, I need to be here with you. Paano nalang kung bigla kang makatulog o mawalan ng malay. You might hit your head or somethi--"

"Stop it. Wag ka ng magsalita pa. Alam kong ilang taon na akong pabigat sayo, kaya please yung sarili mo naman yung unahin mo." I stopped her. Kaagad naman siyang napatigil sa pagsasalita and slowly sulked on the sofa she's currently sitting at. From being so hyped sa pagkausap sa akin, she slowly calmed down at parang medyo naging malungkot ang ekspresiyon ng kanyang mukha, na parang nakikisimpatya sa akin.

"Ate..." She called me with her calm voice.

"Please don't ruin your teenage life because of me. Habang buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nasasayang mo yung mga pagkakataon sa labas dahil sa akin." I said. Pinilit kong tatagan ang aking sarili sa harap ng aking kapatid kahit na it feels like my heart is being squeezed tightly.

"I'm not ruining my days when I'm with you ate. Tsaka masaya ako kapag kasama kita." She tried telling kaya't napailing ako.

Mariin akong napapikit bago nagsalita ulit. "Alam kong naawa ka lang sa akin dahil dito sa condition ko. Sa pesteng sakit na ito! Please stop pitying me. I'm sick and tired of it. H-hindi ko kailangan ng awa mo o ng sino man." My hands clenched into a fist, making my nails dig deeper to my palms. I breath deeply trying to control my temper. I want her to hate me para iwan niya na ako. I'll be more greatful kapag wala na akong nadadamay na tao. "I'm fine and I'm positively okay---!"

"Aurora!" I was taken aback. She shouted at me. This is the first time that she called me by name cause it's always 'ate'. And this is also the first time that she raised her voice at me. "You are not okay. I wish you were but Sometimes It's okay to not be okay."

"Watch your tone, I'm still your 'older sister'." I warned her.

"Kaya nga eh, you're my older sister. Hindi dahil sa naaawa ako sayo at kinailangan kong alagaan ka kundi dahil ginusto kong alagaan kita. Kasi kapatid kita eh, at bilang kapatid mo nag-aalala ako sayo at ayokong mapahamak ka pa lalo dahil jan sa condition mo. Ayokong mawala ka sa akin dahil ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko." Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo wari'y gusto niyang lumapit sa kinaroroonan ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag pati ikaw ay nawala sa akin ate." She cried.

Ramdam ko na hindi lang ako ang nasasaktan dito, but also her. Kasi sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundong ito bakit yung ate pa niya ang nakaranas nitong sakit na ito.

Hindi naman sa gusto kong yung ibang tao nalang ang makaranas nitong sakit ko, it's just that hinihiling ko na sana hindi nalang ito nage-exist. It's a brutal torture to someone na hindi alam kung anong nagawa niyang mabigat na kasalanan sa mundo para mabigyan ng parusang ganito ka hirap.

"I'm sorry Migs, I'm just afraid that I might ruin your life. You are supposed to hang out pero nandito ka ngayon, babysitting your older sister." Napayuko ako. Humahapdi na ang sulok ng aking mga mata. Nagiguilty ako kasi imbes na maging thankful naging selfish ako at inisip lang ang sarili ko. I pitied myself so much kaya't hindi ko na appreciate ang ginawang sacrifice ng kapatid ko. I just want her to enjoy her life, think for herself only, that's all.

"Ate, don't say that. You are not ruining my life or anybody's. Desisyon ko ito." Rinig ko ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa akin.

"Yo don't deserve an ate like me Ash. Sana hindi nalang ako nabuhay." Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sshhh, please don't say that. Thankful ako dahil kapatid kita. At kahit sa susunod nating mga buhay ikaw parin ang pipiliin kong maging ate. Kahit na ma-reincarnate pa tayo as isda or baboy, you'll always be the only sister for me."

Miguela tapped my shoulders and hugged me from behind, giving me the comfort I needed.

Did I do something really bad just like killing thousands of people in my past life, para makaranas ako ng ganitong buhay na para bang araw araw akong pinaparusahan? Pero despite all of it alam ko namang Ashley was the safeplace and the shoulder I needed. Mas hindi ko deserve na magkaroon ng napakabait na kapatid na katulad niya.

As I Die Awake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon