Reality
Parang sa isang iglap lang biglang nag bago ang lahat.Yung taong akala ko na mamahalin ako ng tunay ay siya palang magdudulot sa akin ng matinding pasakit.
Hindi naman ako bobo pero pag dating sa kanya, nagpaka tanga ako. Hindi ko man lang namalayan o pinagdudahan na akting lang pala ang lahat at hindi totoo.
Noon kinamumuhian ko ang mga panaginip ko sa episodes ko sa KLS pero ngayon, mas pipiliin ko na lamang manitili sa mundong dati ay kinamumuhian ko dahil doon ako mas sasaya ngayon. Hindi man iyon totoo lahat ngunit doon nagagawa kong maging masaya, nagagawa kong tumawa at gawin lahat ng aking ninanais at higit sa lahat nagagawa kong maramdaman ang pagmamahal na aking inaasam asam mula sa kanya. Kay Philip.
Mas pipiliin kong makulong sa aking panaginip at huwag nang magising pa sa nakakatakot na realidad.
Kasalukuyan parin akong nakatali at nakahandusay sa malamig na sahig.
Nahihirapan akong bumangon dahil masyado akong nanghihina at tila ba umiikot pa rin ang aking paningin. At masakit rin ang parte ng aking ulo na tumama sa konkretong pader.
Nais ko man na manatili kasama si Philip ngunit hindi sa ganitong sitwasyon. Kailangan kong mag isip ng paraan upang matanggal ko itong aking mga tali at makatakas mula sa kanyang puder.
Sigurado akong nag-aalala na sa akin sina daddy at Ash at sigurado din ako na hinahanap na si Philip ng mga ka-pulisan.
"Hello Mr. Cortes! Sa wakas at sinagot mo na rin ang aking tawag." Rinig kong bulalas ni Philip habang nakadikit sa kanyang tenga ang kanyang cellphone.
Teka kausap niya si Dad. "Hmmmm!" Kaagad akong nagpupumiglas at pilit na sumisigaw ng tulong ngunit hindi ko iyon magawa.
"Hello? Sino to?" Sagot ni Dad mula sa kabilang linya.
"Ang dali mo namang makalimot Mr. Cortes. Nakalimutan mo na kaagad yung boses ng taong siniraan mo ng buhay? Ha?" Nanlalaki ang mga mata ni Philip habang nagsasalita na animo'y nasisiraan na talaga siya ng bait.
"Salvador..." Kilala ni Dad si Philip? Totoo nga kaya ang sinabi ni Philip sa akin, that Dad killed someone?
"Ayun! Naalala mo na. Akala ko tuluyan mo na akong nakalimutan, cause' that wouldn't be so nice. HAHAHAHA"
"YOU SON OF A B*TCH! Saan mo dinala ang anak ko, ha?! Wag na wag mong sasaktan si Aurora kung hindi--" Sigaw ni Dad, randam na randam ko ang kanyang matinding galit towards Philip.
"Kung hindi, ano? Ha? Papatayin mo ako? Diyan ka naman talaga magaling Cortes, ang pumatay. Pero kahit nakapatay ka na, nagagawa mo paring umakto na parang ang linis linis mo!" Sigaw pabalik ni Philip sa telepono. Kaagad na nanindig ang aking balahibo nang mabaling ang tingin niya sa kinaroroonan ko.
Mabilis ang mga hakbang niya habang papalapit sa akin at dinampot ang bote ng alak sa may lamesa. Malakas niya itong inihagis sa pader na malapit sa akin dahilan para mapa-igtad ako sa gulat. Napaungol ako dahil sa sakit nang tumalsik sa akin ang ilang bubog ng nabasag na bote.
Nang makalapit sa akin si Philip, kaagad niyang tinanggal ang tela na nasa aking bibig at walang paga-alinlangang sinaksak ako sa aking braso gamit ang basag na parte ng bote.
Isang maka-basag tengang sigaw ang kaagad na kumawala mula sa aking bibig dahil sa matinding sakit.
"Aaarghhh! Dad, please tulungan mo ako!" I shouted in agony. "Please stop this Philip." I cried. Tears started to wet my face.
"Aurora!" Rinig kong sigaw ni Dad.
Wala akong ibang nagawa kundi ang humagulhol at paulit-ulit na tawagin si Dad.
"Ganito din ba ang sigaw ng kapatid ko nang mabangga mo siya Cortes? Oh mas matindi pa?" Nakangiti ngayon si Philip ngunit kitang kita naman ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Aarggghh!" Muli akong napasigaw nang hugutin ni Philip ang isinaksak niya sa aking basag na parte ng bote.
"Please! Just tell me, what do you want? Gusto mo ba ng pera? Ibibigay ko. Just please, pakawalan mo na ang anak ko." Pagmamaka-awa ni Dad. Dinig na dinig ko rin ang hagulhol ni Ashley mula sa kabilang linya.
Hindi ko na kinakaya yung sakit na nararamdaman ko physically and mentally. Yung lalaking mahal ko ay sinasaktan ng paulit ulit yung damdamin ko at nasasaktan din ako habang iniisip ang sakit na nararamdaman ng aking pamilya dahil sa mga nangyayari.
Yung totoo? Wala na ba talaga akong karapatan na maging masaya?
Bakit nangyayari lahat to? Wala naman akong nagawang mali, di'ba? Bakit ko pinagbabayaran ang kasalanang hindi ko naman nagawa.
"An eye for an eye, Mr. Cortes. Pumili ka, buhay mo o buhay ng anak mo?" Philip said while running his finger through my wounded shoulder. Napapikit ako ng mariin dahil sa hapdi na dulot nito.
Ilang minuto na naging tahimik si Dad.
"Dad ok lang na mawala ako kasi doon din naman ang bagsak ko." Mapakla akong tumawa. "Alam niyo namang hindi na ako magtatagal pa sa mundo. I overheard your conversation with my doctor na lumalala lang yung sakit ko araw araw at posibleng hindi na ako magising mula sa aking episodes. Kaya Dad take care of yourself and be a good father to Ashley." Masakit mang tanggapin ngunit ito na yata ang magiging tadhana ko.
Even if I already experienced signs of being normal, alam kong I will never ever be fine again if I happened to survive this event in my life.
This memories will forever hunt me and living for me will be more painful than dying.
"No, please don't say that Aurora. Salvador, ako ang may kasalanan sayo at sa pamilya mo kaya ako ang nararapat na mag bayad sayo. Ibibigay ko sayo ang ninanais mo kaya wag mong patayin ang anak ko." Magsasalita pa sana ako ngunit muling tinalian ni Philip ang aking bibig ng makapal na tela.
"Mabilis naman akong kausap eh. Maghintay ka lang at ako mismo ang papalit kay kamatayan upang sunduin ka."
***
Mr. Cortes' POV
Habang nag-uusap kami ng salarin mabilis naman na tini-trace ng mga ka-pulisan ang kinaroroonan nila ng aking anak.
Konting tiis nalang Aurora, maliligtas ka na namin.
"...Maghintay ka lang at ako mismo ang papalit kay kamatayan upang sunduin ka." Yan ang huling sinabi ni Salvador bago patayin ang tawag.
Napakapit ako sa katabing lamesa, para bang bigla akong nawalan ng lakas.
Malakas na kalabog ang lumikha nang bigla nalang mawalan ng malay si Ashley.
Bubuhatin ko na sana ang aking anak ngunit naunahan ako ni Mr. Santos. Ang rookie detective na palaging kasama ni Ashley sa pagi-imbestiga, na kung hindi ako nagkakamali ay Erwin ang pangalan.
"Ako na po ang maghahatid sa kanya sa pinakamalapit na hospital, magpahinga po muna kayo Mr. Cortes." Kalmadong ani ng binata at patakbong lumabas ng opisina habang karga ang aking anak.
Siguro kung wala si Mr. Santos sa tabi ng anak kong si Ashley, siguro mas malala pa sa pagkakawalan ng malay ang mangyayari kay Ash ngayon.
Napapansin ko kahit hindi man ipinapahalata ni Mr. Santos kay Ash na naga-alala siya rito, kitang kita naman iyon ng dalawa kong mga mata.
Dahil sa masyadong occupied ang aking isipan hindi ko namalayan na may isang pulis pala na lumapit sa akin.
"Mr. Cortes, nahanap na po namin ang location nila."
BINABASA MO ANG
As I Die Awake (Completed)
General FictionAurora Cortes' life is very far from what you call a fairytale. She has an illness that is always taking every part of her and a family she never imagined. It all felt like dying but your whole consciousness is widely awake. But as destiny starts to...