Ashley's POV
"Dad, Ate! Come here na sa baba!" Sigaw ko kay Dad at Ate na parehong nasa ikalawang palapag ng bahay.
"Saglit lang!" Rinig kong pabalik na sigaw ni Ate.
"Pababa na kami!" Dad also exclaimed.
Excited kong nilapag ang cake sa table at nilagyan ito ng kandilang may disenyo sa pinaka-tuktok nito.
"You look so happy Hon." Komento ni Erwin na mapayapang nakatitig sa akin.
"Of course it's our son's 1st birthday and also kasama ko ang mga taong mahal ko sa buhay. Wala nang mas sasaya pa sa akin." Bulalas ko while lighting the Candle. "Ate! Halina kayo!" Sigaw ko bago ko naaaninag ang ate ko na pababa ng hagdan.
"Happy birthday Uno~" My sister sang habang pababa ng hagdan. Kasunod naman niya si Dad na may dalang malaking kahon. They were both smiling ear to ear habang nakatingin sa gawi namin, both wearing party hats na si Dad mismo ang bumili.
As usual it has an out of this world design combinations, pero ok lang as long as present siya ngayon. Alam niyo naman siya, palaging inuuna ang trabaho kaya masaya talaga ako ngayon na binigyan niya ng oras ang pamilya.
"Huwag ka ng kumanta Aurora." Dad whispered to my sister pero rinig naman namin ni Erwin na narito sa baba. Sumimangot si Ate kay Dad at bahagya niyang siniko si Dad sa may tagiliran nito.
Palihim kaming humagikhik ni Erwin habang nakatanaw lang sa dalawa. "Happy Birthday Uno~" Pagsabay ko ng kanta at bumaling sa anak kong karga-karga ni Erwin sa kanyang bisig.
The innocent baby let out a giggle and we can't help it but to feel mesmerized lalo na nang lumitaw ang dalawang malalalim nitong dimples. "Happy birthday, happy birthday...happy birthday to you~" To end the small ceremony si Erwin na ang nag-blow ng candle with the baby near him. Lahat kami ay pumalakpak dahilan para tumawa ulit yung bata.
Hindi talaga mawala-wala sa aking labi ang nakapintang malawak at maaliwalas na ngiti. Walang kapantay ang nararamdaman kong saya. Everything felt so perfect and happy. Parang ayoko nang matapos pa ang araw na ito at sana ganito nalang palagi.
Unang lumapit si Dad sa akin at inabot sa akin ang kanina niya pang dala-dala na malaking box. "Here's my gift para sa pinakamamahal kong apo." Aniya at kinuha si baby Uno mula sa kanyang ama. Dad kissed the baby na para bang wala ng bukas. "Nagmana talaga siya sa kanyang lolo." Sabi pa nito at pinanggigilan yung bata. Hindi naman umangal si Erwin bagkos ay tumawa pa ito. I'm quite surprised kasi pilit niya talagang sinasabi sa akin na sa lahi daw nila nagmana si baby.
"And here's mine." Bigkas ni Ate nang makalapit na siya sa akin. Isang maliit na box ang binigay niya sa akin. "Pwede mo ng buksan 'yan ngayon." Dugtong niya kaya napataas naman ang kilay ko.
"Ano to?" Anong meron sa loob ng box at sobrang excited itong kapatid ko na buksan ito?
"Duh, just open it. Saka mo lang malalaman kung anong laman niyan kapag binuksan mo na. " Bulalas niya and pushed my hand para mas lalong ilapit sa akin ang regalo na bigay niya.
"Alright, alright." Sabi ko at minadaling buksan yung gift dahil sa pagpupumilit niya.
Kumunot ang aking kilay nang makita ko ang laman nito. Sa loob ng kahon may dalawang susi na may kasamang keychain na hulmang bahay. Nakataas ang aking kilay nang iangat ko ito sa ere at ipinakita sa kanya. "Ano to?"
"Kahit kailan talaga ang slow mo." Komento ni and rolled her eyes at me. "Malamang yan yung gift ko."
"Alam ko, pero aanhin ko naman itong susi?"
BINABASA MO ANG
As I Die Awake (Completed)
General FictionAurora Cortes' life is very far from what you call a fairytale. She has an illness that is always taking every part of her and a family she never imagined. It all felt like dying but your whole consciousness is widely awake. But as destiny starts to...