Reality
Lumabas ng kwarto si Philip na mayroong ngisi sa kanyang mukha.
Nanginginig parin ako sa takot at nagdudusa sa sakit na dulot ng aking sugat.
Pero mas nangingibaw talaga ang paga-alala ko para kay Dad. He can't risk his life for me. Pano nalang kapag nawala siya, sino nalang ang maga-alaga kay Ash. Nawalan na ako ng mama ayokong pati si Dad ay iiwan din kami.
Kahit napaka dilim ng paligid pilit kong kinapa ang mga bubog ng nabasag na bote. Nagbabasakaling may makapa akong matulis na bahagi nito na pwede kong ipamputol sa nakatali sa aking mga kamay at paa.
Hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko ang parte ng bote na isinaksak ni Philip sa aking braso kanina.
Umabot ng ilang minuto saka ko tuluyang naputol ang tali saking kamay.
Pero bago ko masimulang putulin ang tali saking mga paa biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto.
Mabilis kong itinago saking likuran ang hawak na matulis na bagay.
Pumasok si Philip sa kwarto dala ang isang baril.
Lumapit siya sa akin at bahagyang lumuhod upang magka-pantay ang aming mga mukha.
"Ang saya ko sobra. Atlast mapapatay ko na si Cortes!" Nanlilisik ang kanyang mga mata at idiniin ang dulo ng baril saking leeg.
Nanindig lahat ng aking balahibo dahil sa kanyang inasal lalo na nang amuyin niya ako. "I smell death." Bulalas niya at humagikhik ng tawa.
Tumayo na siya at tumalikod sa akin. Lumapit siya sa kahoy na lamesa at nag salin ng alak sa kanyang baso.
Ginawa ko iyong pagkakataon na putulin ang tali sa aking paa at nag tagumpay ako.
Mabilis kong hinablot ang kahoy na upuan at lakas loob kong hinampas sa nakatalikod na si Philip.
"Aaargh" daing niya bago nanghina at tuluyang nawalan ng malay.
Mabilis akong lumabas ng bahay. Kahit nanginginig ang aking tuhod ay pinilit ko paring tumakbo.
Hindi ko alam kung saan ako paroroon. Takbo lang ako ng takbo. Wala rin akong ideya kung nasaang lupalop ako mundo.
Maraming puno sa paligid at halos walang sasakyan na dumadaan sa kalsada. Walang ilaw ang ibang poste at sobrang lamig ng simoy ng hangin.
Nagkaroon ng maraming sugat ang aking paa dahil wala akong suot na sapatos o tsinelas man lang.
Hinang hina na ako at wala na masyadong hangin na pumapasok sa baga ko. My vision starts to get blurry and my body is slowly feeling numb.
Makalipas ang ilang minuto na pag takbo ay talagang sumuko na ang katawan ko. Napaupo ako sa gilid ng kalsada.
Sumandal ako sa malaking puno na nasa aking likuran at mariing napapikit. Tears still coming out from my eyes.
Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin.
It seems like the world is smiling at me, giving me the best farewell feeling.
"Ang ganda naman. Bakit kung kelan parang malapit na akong mamatay saka palang parang nagiging maganda ang mundo." Bulalas ko. "Pakiramdam ko tuloy, talagang mamamatay na ako ngayon." Mapakla akong tumawa at napangiwi dahil sa hapdi na naramdaman mula saking mga sugat.
"Ba't hindi natin totohanin?" Nagulat ako ng biglang lumitaw si Philip sa aking likuran at mabilis na ipinulupot sa aking leeg ang kanyang braso at tinutukan ako ng baril. "Akala mo ba makakatakas ka sa akin?" Bulong niya na talagang nagpa tindig ng aking balahibo. Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan.
BINABASA MO ANG
As I Die Awake (Completed)
Ficción GeneralAurora Cortes' life is very far from what you call a fairytale. She has an illness that is always taking every part of her and a family she never imagined. It all felt like dying but your whole consciousness is widely awake. But as destiny starts to...