KLS Episode
Aurora's POV
Nagising ako nang maramdamang parang may malamig na bagay na dumadampi sa aking noo.
Napakunot ako ng aking noo at kinusot ang aking mga mata.
Nakita ko si Philip na nakadungaw sa akin while wiping the wound in my forehead.
"Wag ka munang gumalaw, ginagamot ko pa yung sugat mo." Aniya habang hinihipan ito.
Kaagad kong tinabig ang kanyang kamay. Tumapon ang hawak niyang basahan. Kaya't nagtataka siyang napatingin sa akin. Why is he doing this again?
"Why, what's wrong?" Aniya.
"What's wrong with you, bakit mo ba ginagawa toh?" Galit kong sambit.
Ngumiti lang siya at kumuha ng malinis na basahan at nagpatuloy pa rin sa pagpunas sa aking noo.
You're making me fall deeper and deeper. At sumasakit yung puso ko knowing na hinding hindi mo kailanman masusuklian ang pagmamahal ko.
Naalala ko tuloy yung unang araw na nakilala ko siya. He was gazing down at me kagaya ngayon. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin non to the point na nafefeel ko yung hininga niya na tumatama sa tip ng ilong ko. Yun din ang unang araw na napaginipan ko siya, unang araw din na nagkaroon ako ng magandang panaginip saking episodes.
Napatingin ako sa aking paligid. Nandito parin kami ngayon sa lugar na ito. But the difference is that everything around me is very bright, hindi din ako nakatali at hindi ako nakahiga sa semento.
Maybe I'm in my episode right now and in the real world wala na naman akong malay.
Matapos na linisan ni Philip ang aking sugat ay nilagyan na niya ito ng dressing.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya. Napatango naman ako.
"Magpahinga ka muna jan habang inihahanda ko yung breakfast natin." Aniya at umalis na sa tabi ko.
Can I just sleep and be at this place forever? Because accepting my reality is like swallowing a huge rock.
Umalis ako ng kama at tumambay sa binta.
Malalim akong napabuntong hininga habang pinapakiramdaman ang simoy ng hangin at ang alon ng tabing dagat.
Sa mga panahong ito ayoko ng magmulat ng mga mata sa aking reyalidad. Doon ay wala akong natatamasang permanenteng kasiyahan at mababaliw lang ako sa hirap na aking pagdadaanan.
You can say I'm being a coward but can you blame me? I've experienced enough. Ang gusto ko nalang ngayon ay mamuhay ng payapa at magpahinga.
I suddenly felt someone hugged
me from behind as I was about to drown in my own thoughts."Breakfast is ready." He said and planted little kisses on my nape.
"I wish this moment to never end." I said gazing beyond the mountains.
***Pagsapit ng hapon naglatag kami ni Philip ng kumot sa may dalampasigan at naghanda ng iilang mga pagkain. Sabay naming pagmamasdan ang paglubog ng araw.
Nang maihanda na namin ang lahat ay umupo na ako at ganon din naman ang ginawa niya. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Masaya ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/233066636-288-k525234.jpg)
BINABASA MO ANG
As I Die Awake (Completed)
General FictionAurora Cortes' life is very far from what you call a fairytale. She has an illness that is always taking every part of her and a family she never imagined. It all felt like dying but your whole consciousness is widely awake. But as destiny starts to...