Chapter 15: DREAMS

19 10 0
                                    

KLS Episode

The boy whom I always wanted to be with is Philip. Sa tuwing kasama ko kasi siya, I feel safe.

Pakiramdam ko walang makakapanakit sa akin kasi nanjan siya sa tabi ko.

God knows how badly I wanted to wake up whenever I'm in an episode. Pero ngayon mas pipiliin kong huwag nalang magising, because I am now happy in here. Kasi kasama ko si Philip.

Remember the day when I drew something on my sketchpad? It was Philip. Siya yung ginuhit ko.

Hindi nga ako makapaniwala nung first time kong mapaginipan siya and the moment I opened my eyes nandoon na siya sa loob ng kwarto ko nakadungaw sa akin.

Sa tuwing kasama ko siya pakiramdam ko ang saya-saya ko. Nakakapag-open up ako and I'm being my self. I am being my old self whenever I'm around him.

Pero sa tingin ko noon yun, not until may na-realize ako sa aking sarili.

Yung feeling na pagkagising mo palang sa umaga siya kaagad ang hinahanap mo. Bago ka lumabas sa kwarto mo nag-aayos ka pa ng iyong sarili kahit hindi mo naman ginagawa yun noon.

Sa tuwing napapatingin siya sayo bigla ka nalang mako-conscious sa itsura mo. Kung maganda ba yung postura mo, maganda ka ba sa paningin niya o baka naman may dumi ka sa mukha at bigla nalang siyang ma turn off.

Whenever his near bigla nalang bibilis yung tibok ng puso mo at bigla ka nalang na kakabahan. Pero sa tuwing hindi mo naman siya makita o kasama grabe yung mararamdaman mong longing, para bang mamimiss mo na siya kaagad kahit nagbabanyo lang naman siya.

Sigurado na ako sa aking nararamdaman towards him. This feeling, this changes in my personality, I know one thing for sure. I am inlove with him, deeply.

Napagpasiyahan kong pumunta at maglakad patungo sa pinakatuktok ng palasyo. Alam kong doon ko siya matatagpuan.

The moment I opened the door, ang maaliwalas at napakagwapo niyang mukha ang kaagad na bumungad sa akin.

"Aurora, atlast you're here." Masigla niyang bati sa akin at kaagad akong niyakap. Yumakap naman ako pabalik at isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. "I missed you." He whispered.

"I miss you too, Philip." I answered at humiwalay na sa yakap.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

Sa pinakagitna may nakalagay na table at mga pagkain. Naka-kalat din ang mga petals ng rosas sa sahig at may romantic na music ang naka-play.

Napangiti ako. "Bakit may pa-ganito ka? Anong meron?"

"I have something important to tell you." He is smiling from ear to ear, halos maging isang straight na linya na yung mga mata niya dahil sa kanyang malapad na ngiti. Perks of being a chinito.

Hinawakan niya ako sa aking kamay at sabay kaming tumungo palapit sa lamesa. Kinikilig talaga ako everytime he's being a gentleman.

Nang makaupo kami he offered the steak na nasa aming harapan. Pero before niya ito ibinigay sa akin sinigurado niya munang i-slice yung steak para hindi na ako mahirapan. Nakangiti naman akong lumalamon dahil hindi ko mapigilan ang aking nararamdamang kilig.

"So ano ba yung importanteng sasabihin mo sa akin?" Pagsisimula ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Binitawan niya ang hawak na pinggan at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. "Aurora, I think I like you. No, I am already and deeply inlove with you."

Pakiramdam ko bumara ang steak na kinakain ko sa aking lalamunan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang nabingi nalang ako bigla. How awesome is this. The person I love is also inlove with me.

"Are you serious?" Yan ang naging unang mga salita na nasabi ko after a moment of silence.

Aurora mag hunos dili ka, remember you're under an episode right now. Everything that are happening are just part of your dreams.

"Hindi ako nagbibiro, Aurora. This is what I truly feel." I can see the sincerity in his eyes.

Napabitaw ako mula sa pagkakahawak niya. Lumamon ako ng napakalaking hiwa ng steak, this is my way of hiding my kilig and smile. Pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis yung mukha ko ngayon.

Ganito pala ka sarap mapakinggan ang confession ng minamahal mo sayo.

"Stay here with me, gusto kitang makasama habang buhay dito mismo sa mundong binuo natin." Dugtong niya.

"Philip, to be honest mahal din kita but I can't stay here with you. This is not my world at hindi ako nararapat dito. May mga taong mahal din ako na naghihintay sa akin sa totoong mundo. And I can't just leave them." Sabi ko sa kanya.

"But you'll be happy here with me, dito wala kang sakit and you'll be normal again." Pangungumbinse niya sa akin.

"I know, pero I just want to wake--"

Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang maramdaman kong parang may matigas na bagay sa aking nginunguya na steak.

Kumunot ang aking noo at kinuha ito mula sa aking bibig.

I squinted my eyes the moment I got it. It looks like a pendant from a necklace. A heart shaped ruby pendant. It looks very familiar and my thoughts were occupied for a moment.

Wait, is this his way of giving me a precious gift.

"What's wrong Aurora? Ok ka lang ba?" Philip's voice took me back to reality. "You're spacing out."

"W-where did this pendant came from?" Tanong ko at pinakita sa kanya ang hawak ko.

"Siguro galing yan sa mga bisita ng palasyo noong nakaraan." Aniya. At ininom ang wine na nasa harap niya. The red wine stained his lips and he licked it.

Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Anong galing sa mga bisita ng palasyo? Naguguluhan talaga ako. Hindi ba ito galing sa kanya? Hindi ba ito parte ng surpresa niya sa akin?

"How come na yung pendant sa kwentas ng bisita ng palasyo ay nasa steak ko? At isa pa wala namang ibang tao dito maliban sa atin." Kunot noong ani ko.

"Nakalimutan mo na ba? When you first stepped in, in here may mga magagarang bisita ang palasyo." Philip answered. His expression is changing. Para bang ang Philip na kaharap ko ngayon ay iba and a stranger to me.

Anong nangyayari? Can someone enlighten me of what the hell is happening?

"Pero they are already dead--." That's when it hit me. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng dugo sa aking katawan at nakaramdam ako ng matinding takot. Nanginginig ang aking kalamnan lalo na ang aking mga tuhod.

"Masarap ba yung steak, Aurora? That's a special meat from our guests." Ngumisi siya ng nakakatakot at muling uminom ng wine.

Saka ko lang napansin ang bagay na nakalutang sa kanyang iniinom na wine.

Dalawang pares ng mata ng tao. What the hell?

Feeling ko bumaliktad ang aking sikmura at ako ay nasusuka.

Did I just ate a human meat? And the wine. Is that blood from the dead people?

I suddenly felt weak.

Nahulog ako mula sa aking kinauupuan at nagsimulang isuka lahat ng aking nakain. Humahapdi ang sulok ng aking mga mata dahil sa pagsuka.

"What did you do?" I asked between my tears.

As I Die Awake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon