Chapter 11: DREAMS

36 20 4
                                    

KLS Episode

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.

For the first time it's day during in my dream.

Cumulus clouds drift across a brilliant blue sky, like something from a painting. The sun shines brightly as if telling me everything is going to be fine now.

Napatingin ako sa'king kaliwa.

The haze of sleep quickly melts away. I'm lying in his arms--- my knight and the light to my darkest dreams.

Nakahiga kami sa berde at malinis na bermuda grass sa hardin ng kastilyo. Tanaw na tanaw ko mula rito ang kagubatan na minsan ay nadaanan ko na dati. Pero ibang-iba na ang itsura nito ngayon kesa noon. Para itong sumisigaw sa sobrang kagandahan. Para ding sumasayaw ang mga punong noo'y walang kabuhay-buhay, pero ngayon punong-puno na ng kulay berdeng dahon ang mga sanga nito.

Ang noon ay nalalantang mga rosas ay halos ipinaglandakan sa buong mundo ang gandang taglay nito.

"How?" Sa wakas ay nagawa ko ng magsalita. "What happened?" Magulo parin talaga ang aking isipan.

Hindi ako halos makapaniwala sa aking mga nasisilayan ngayon, akala ko kasi isang masamang panaginip na naman ang bubungad sa akin, pero iba na ngayon. Ibang-iba sa aking inaasahan.

Hindi ko mapigilang maiyak habang nakatitig sa lalaking katabi ko, dahil sa umaapaw na tuwa.

"Hey, shhh." Hinapit niya ako palapit sa kanya at dahan-dahang hinaplos ang aking ulo. Inipit niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha sa likod ng aking tenga. "Don't cry. From now on everything is going to be fine." He says as he wrapped his arms around me and gave me a warm and assuring hug.

As I Die Awake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon