Chapter 13: DREAMS

20 10 0
                                    

KLS Episode

I thought everything would be the same, just like the last time I had an episode. Just like the last time where everything is bright and fine. Noong nakahiga ako sa braso niya at nakatanaw sa makulay na kalangitan.

Pero bakit ngayon narito na naman ulit ako sa madilim at nakakatakot na kastilyong ito. Akala ko ba ok na ang lahat kasi nandito na siya kasama ko? Pero bakit ngayon hindi ko makita maski anino niya man lang.

Pipihitin ko na sana ang doorknob upang lumabas nang may biglang nagsalita mula sa pinakamadilim na parte ng pasilyo.

"Akala mo ba ligtas ka kapag nasa tabi mo siya?' bigkas nito. Hindi ko makita kung sino ang nagsasalita dahil sa napakadilim na paligid.

"Sino ka? Magpakita ka sa'kin." Ani ko habang pilit pinapatatag ang aking sarili.

"Nakalimutan mo na kaagad ako?" Iniluwa ng kadiliman ang babae na aking kinatatakutan. Ang babaeng palaging nagpapakita sa akin sa mundong ito at walang sawang nagpapahirap sa'kin. "Nawala lang ako sandali kinalimutan mo na ako agad." Umakto pa ito na parang nalulungkot halata namang penepeke.

"Ano ba kasing problema mo? Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito. Pakiusap hayaan mo naman akong maging masaya kahit man lang sa mundong ito." Pakiusap ko. Kulang nalang lumuhod ako sa kanyang harapan.

"At sa tingin mo magiging masaya ka sa piling ng lalaking inaakala mong magliligtas sa'yo?" Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Gusto kong umatras ngunit hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan.

"Why are you saying these things? May tiwala ako sa kanya at isa pa dahil sa kanya naranasan ko ang maging masaya sa mundong ito even though in just a short period of time." Pag-kontra ko sa kanya.

"Kilalang kilala mo ba siya?" Tanong niya sa akin and something in me doubted the little things about him. The woman I'm talking right now has a point, kilala ko nga ba si Philip? Gaano ko nga ba siya kakilala? We're both new to each other and aside sa birthday niya, sa kapatid niya at sa profession na kasalukuyang inaabot niya, wala na akong ibang alam tungkol pa sa kanya.

"Bakit ano bang alam mo?" Pabalik kong tanong sa kanya, nagbabasakali na meron siyang maisabi sa akin.

"Should I tell you a story?" Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaikot-ikot ito sa dulo ng kanyang daliri.

Hindi niya naman hawak hawak ang katawan ko ngunit hindi ko pa rin ito maigalaw, para bang ako ay nakagapos.

"What story?" Naguguluhang ani ko.

"I was once betrayed by the person I love the most. Yung taong inaakala kong mapagkakatiwalaan ko habang buhay. I was once swayed by those sweet words of him, by those sweet gestures. I hardly even noticed that those are fake, that it's all too good to be true." Sinasabi niya ang mga katagang ito habang hinahaplos ang kanyang alagang uwak. "Because when you're inlove all you listens to is your heart, para kang mababaliw. Kaya't kahit nasa mismong harapan mo na ang sign na that certain person is danger to you, mas pipiliin mo iyong ibalewala because you love that person so much. Too much na kaya mong i-risk ang lahat. At iyon ang nangyari sa akin, and one day nagising nalang ako with everything stolen from me. And the thief was no other than the person I least expected...the man I loved."

"Bakit mo ito sinasabi sa akin? Aren't you suppose to do something hideous to me kasi yun naman ang palaging ginagawa mo sa akin sa tuwing nasa isang episode ako at nakakulong sa sariling mundo na ginawa ng utak ko." Nagtataka kong tanong. Her story sound so genuine kaya't nagdadalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba ito o hindi.

"I'm just giving you a warning. Never trust anyone, even the one closest to you will betray you. Sila pa yung magbibigay sayo ng matinding pasakit. Sila pa yung parang papatay sayo ng dahan dahan."

"Bakit ko naman paniniwalaan ang mga pinagsasabi mo, you are the danger yourself. Paano ako maniniwala sa taong minsang nanakit sa akin?" Bigla siyang nag teleport sa likuran ko at inilapit sa aking kanang tenga ang kanyang labi.

Randam na randam ko ang pagtayo ng lahat ng aking balahibo. "Because you made me. I was made by you. All I say comes from you. Lahat ng nandito sa lugar na ito ay gawa gawa lamang ng iyong isipan. Whenever you're hurt in this world, hindi ko iyon kagagawan. It is you who's hurting yourself at hindi ako. Everything that's in here is controlled by you at kathang isip lang ako. Kung hindi mo ako paniniwalaan para mo na ring hindi pinaniniwalaan ang iyong sarili. In short you and me are the same, you and me are one.

"I am nothing like you. Oo, alam kong you are just part of my imagination but that's just it. Hindi ibig sabihin non na tayo ay pareho. Masama ka, you act like an animal." I can't believe that I'm having a conversation with this woman right here.

"Whatever you say." She said while rolling her eyes heavenwards. "I just want you to remember na walang tao sa mundo na walang tinatagong kasamaan sa pagkatao nila. Everyone has their own dark sides. Remember? Lucifer was once an angel before he became the devil." That's the last thing she said before vanishing infront of me.

Kasabay ng pagkawala niya na parang bula ang siyang pagliwanag ng buong paligid. At iniluwa ng pintuan ang taong kanina ko pa hinahanap.

"Aurora!" He called. He was running towards me and gave me a warm and welcoming hug the moment he was near me.

It's Philip. Hindi ako nagdalawang isip at kaagad kong itinapon ang aking sarili sa kanya. My gut says he's good at iyon ang paniniwalaan ko. I always feels safe kapag alam kong nariyan lang siya sa tabi ko. And no one is making me feel that way aside from him. Oo aaminin ko, parang nagugustuhan ko na siya. I don't know if he likes me too pero I am sure of what I am feeling. I like him.

As I Die Awake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon