Ika-13 Silip

844 16 11
                                    

[Mawee's POV]

"Inamin sa akin ni Joseph dati na hindi n'ya kayang mawala si Eric sa kanya. Mahal n'ya ito ngunit nalaman ko din kay Sir Delique na hiniwalayan n'ya si Euniz. Sina Euniz at sir Delique ay dating magkasintahan at ngayon pinag-aagawan nina Joseph at Euniz si Sir Eric." salaysay ko. "Malamang, dinukot ni Joseph si sir Eric at ngayon ay hinahanap sila ni Euniz.

"Kaya pala. Pero bakit ka nadamay sa kanilang tatlo, Mawee?" usisa ni kuya.

Natigilan ako at inisip kung paano ko sasagutin ang tanong. "Inamin ni sir Eric na nagustohan nya ako. Kaya ako nasangkot dahil nag seselos si Euniz sa akin. Ayaw nyang iwan siya ni Eric ng dahil sa akin."

"Di ko rin masisisi si Eric kung nagkagusto siya sa'yo." hirit ng pulis. Hindi ako kumibo. Nakakahiya namang kiligin ako sa harap niya.
"Kung ganon si Joseph ay nobyo din ng guro n'yong si Delique, tama ba?" question number two.

"Hindi po ako sigurdo, kuya." tanggi ko. "Pero minsan, nakita ko silang dalawa na nag-aano."

"Nag-aano?" chismosong reaction ng kausap ko.

"Yung nagtatalik." sabi ko. Natatawang gulat siya sa kanyang narinig.

"Paano mo sila nakita? Saan ba nila ginawa yon?" osyoserong reaksyon ni Raymart. 'Babalik ba kami sa chapter one nito?' sa isip ko.

Sinalaysay ko sa kanya ang unang pagdating ko sa Camille Vill, Parklinton.

"So, binobosohan mo pala yung mga kapitbahay mo?" kinakantyawan nya ako.

"Hindi ganon yon. Nagakataon lang na nakita ko sila." depensa ko naman. Namumula na yata mukha ko sa hiya.

"Hindi ba? Eh bat ka sumisilip sa kwarto namin dati ni Joseph kung nasaan kami tumuloy? Naa alala mo pa ba nung nag date kayo ni Euniz." bulgar nya.

Nabasag yata ang eardrums ko bigla. Nakakamanhid ng buong katawan ang sinabi nyang yon. Lumingon ako palayo, 'Alam ba n'ya yung ginawa ko dati?'

"Okay lang yan. Dahil kung hindi mo kami sinundan ni Joseph  ng mga panahong 'yon..." lumapit siya at bumulong sa tenga ko.

"Hindi ko siguro mararanasan ang sarap ng 'yong romansa."

Pinagpawisan ako ng malamig. 'Anong sasabihin ko?' Hindi ako mapakali sa sobrang kaba at hiya.

"A-alam mo ang tungkol don, kuya?!" gulat kong sabi.

"Wag kang mag-alala Mawee..." ngumisi sya sabay sabing,"gusto ko naman ang nangyaring iyon."

'Di ko alam kung anong sasabihin ko kaya yumoko na lang ako. 

Napansin niya na hindi ako kumportable sa aking kinauupuan kaya sinubukan nya akong yayain, "Gusto mo, punta tayo sa dati nating pinuntahan?"

Hindi parin ako kumibo. Pakiramdam ko, gusto kong tumakbo papalayo. Kahit saan basta malayo sa kanya. 

"Mawee..." lumipat siya ng upo malapit sa akin at niyapos nya ako. "Alam kong inilihim mo ito sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yon pero wala ka nang dapat alalahanin. Ngayong alam mo nang mahal kita, hindi mo na dapat iniisip ang tungkol don."

Bahagyang humupa ang kaba ko sa mga narinig kong iyong mula kay kuya. Sinubukan ko siyang tignan at nagkasalubong ang aming mga tingin. 

"Mahal kita, Mawee." seryosong tunog ng pag amin mula sa kanya. "At malamang mahal mo rin ako. "

Magpapaligoy paba ako? Eto na oh, sinusubo na nga, tatanggihan ko pa ba?

Dahan dahan nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at aakmang hahalik. Hindi ako gumalaw. Pinigilan ko ang aking hininga at hinintay ang kapanapanabik na halik. Nang bumukas bigla ang pinto at pumasok si Detective Constancia.

Bintana (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon