"Gusto kita Mawee." ... wala akong sagot sa naring ko mula kay Sir Eric. "Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo ito but I always don't have the chance."
"Sir, hindi ko po gusto ang biro n'yo, mawalang galang na po." tanggi ko sa kanya.
"For all you know, kaya ako nakipaghiwalay kay Euniz it is because I am falling for you." tama ba itong naririnig ko?
Tanging kami lamang sa loob ng faculty room at gusto ko nang umalis pero tila natatakot ako.
"Maybe you are still shock but I'll give you time." dagdag na sabi nya.
"Sir, mali ang ginawa n'yong saktan si Euniz. Napakabuti n'ya at kahit hanggang ngayon mahal ka parin n'ya." bulalas ko.
"Mawee you don't understand. Alam ni Euniz na nagugustohan kita at kaya ako nakipaghiwalay sa kanya dahil ayaw kong saktan siya sa katotohanang hindi na siya ang mahal ko." paliwanag ng guro.
"Mali parin Sir. Hindi ako bakla. Sorry po pero hindi ko po kayang suklian ang pagmamahal n'yo." pag-ayaw ko.
"Sigurado ka bang hindi ka bakla o baka hindi mo pa lang inaamin sa sarili mo?" paghahamon n'ya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" lakas loob kong tanong sa kanya.
"Hindi sa binabantaan kita Mawee pero may alam ako sa ginawa ninyo ni Joseph sa kapatid ni Euniz." pag-amin n'ya sa akin. "At kahit si Euniz alam ito."
Napapalunok ako ng laway at halos hindi ako makahinga sa sobrang gulat.
"Mawee, hindi ako masamang tao. Ayaw niyang manging malapit tayo sa isat isa kaya siya nakikipag close sayo kasi alam n'yang magkakagusto ka sa kanya." pagkumbinsi nya sa akin.
"Sir, tama na po. Wala po akong pakialam sa mga sinasabi ninyo." tinalikuran ko siya at dumeretso sa pintuan ng opisina pero bago paman ako makalabas...
"Mawee pag isipan mong mabuti ang sasabihin ko. Kung hindi totoo ang sinasabi ko sayo, alam mo ba kung nasaan ang girlfriend mo ngayon?" pahabol na tanong ng baklang maskulado. "Nasa.."
Hindi ko siya pinagtapos sa pagsasalita. Naguguluhan ako kung ano ang paniniwalaan ko. Bumalik ako sa classroom na masama ang pakiramdam. Ang ibig ba nitong sabihin pwedeng malaman ng kahit na sino ang nangyari sa amin ni Raymart kasama si Joseph? Teka...
"Si JOSEPH!!!"
Pakiramdam ko, nagdilim ang aking paningin at nahihirapan akong huminga ng normal nang maisipan kong walang ibang nagsabi kay Sir Eric tungkol sa sekreto ko, kundi si Joseph. Hindi na ako makapag isip ng tama. Gagamitan ko ng dahas ang kagagawang ito ni Joseph.
Imbes na pumasok ako sa next subject, sinugod ko ang department kung saan naroon ang traydor. Inakyat ko ang building at inisa isa ang mga silid na aking nadadaanan. Pawis na pawis ako at di halos maramdaman ang aking mga hakbang. Dahil siguro sa naghalo-halong puot na aking nadarama. Nangigigil akong saktan at bugbugin ang aking kalaban.
Narating ko na ang 3rd floor at siya agad ang una kong nakita sa unang classroom na aking tinungo. Nagkataon naman na napalingon siya sa aking kinaroroonan. Bakas sa kanyang mukha na wala siyang ideya sa kanyang kahihinatnan. Tumayo siya at pagpaalam sa guro na lumabas. Bumalik ako sa may hagdanan at inaabangan ko ang kanyang pag lapit.
"Hey, Mawee. Bakit ganyan ang ayos mo? Are you okay?" kalmadong bati n'ya sa akin ngunit isang malakas na suntok ang isinagot ko sa kanya.
W A P A K K K . . . ! ! !
"Okihin mong mukha mo!!! G*go." bulalas ng galit kong bibig.
Natumba si Joseph at nahulog sa ilang hakbang ng hagdanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/128127043-288-k34786.jpg)
BINABASA MO ANG
Bintana (Bromance)
RomanceAng Ibon sa Palad ni Utol "Mga kwentong lalaki sa lalaki" is proud to present "Bintana". Nakita ni Mark William sa kanyang bintana ang kapitbahay nyang nakikipagtalik. Paano kung mahuli s'yang namboboso? Saan hahantong ang kwentong ito? Enjoy readin...