'Oh I remember, you are that kid at the toy house across the street near my boyfriend's condo.' paulit-ulit na naglalaro ang eksenang iyon sa aking isipan.
Kasalukuyang nagdidiscuss ang teacher namin ngayon sa harapan ng classroom pero hindi ako makapagconcentrate sa lecture n'ya.
Totoo ngabang gusto nitong si Euniz na magdate kami mamaya?
Nang umalis na ang second period teacher namin sa class room sumunod namang pumasok ang isang professor na ngayon palang namin makikilala.
Nag isip ako kung bakit parang nakita ko na siya...
UTAK NA SINABAW! Halos mawala ako sa katinuan nang marealize ko kung sino ang taong ito.
"Good morning. I am your Sociology teacher and my name is Sir Eric L. Delique." pagpapakilala n'ya sa lahat. Ang buo at napakamatipuno ng boses n'ya na bagay sa kanyang postura at tindig.
Nakaka-intimidate tignan ang dark brown overcoat n'yang nahuhulma ang mga muscles ng kanyang braso at balikat. Maging ang kanyang dibdib ay nagpuputukan sa manipis n'yang white inner shirt. Aakalain mong si Brandon Ruth ng superman ang nasa harapan ng classroom.
Mistulang estatwa akong nakatingin sa kanya nang biglang napunta ang tingin n'ya sa akin.
"Before we start, I believe na may kapitbahay ako dito na isa sa inyo." nagtinginan ang mga classmates ko kung sino ang tinutukoy ni Sir Delique. "May I just remind you that I don't give special treatment to anyone."
Pakiramdam ko may galit yata sa akin ang author ng storyang ito. Bakit sunod sunod nalang na kapahamakan ang gusto n'yang mangyari sa akin huhuhu.. :(
Buong araw akong balisa at matamlay. Ang kapitbahay kong malandi na iniiwas-iwasan ko naging prof ko pa ngayon. Ano ba naman to, parang nananadya na ata to. Tks!
Hay naku, buti nalang at uwian na. Agad akong lumabas ng campus at nag abang ng bus. Nakaupo lang ako sa gilid ng kalsada ng biglang may huminto sa harap ko na isang pulis na sakay ng single motor bike. Agad akong tumayo at sabik na lumapit kay kuya Raymart.
"Mawee, kanina ka pa ba naghihintay jan? Pasensya ka na kung nahuli ako ng dating ha? Sige na, sumakay ka na." ang ngiting iyon ni Raymart ang pumawi ng lahat ng lungkot sa akin. Umangkas ako sa motor n'ya at yumakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit.
"Oh, Mawee. Bakit, may problema ka ba?" pagtataka ni kuya.
Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko ng may masasandalan. "Ok lang ako Kuya. Napagod lang ako sa buong araw sa school."
"Sigurado ka? Kung ganon kumapit ka lang dyan dahil pagdating natin sa bahay. Magluluto tayo ng masarap na ulam para mapawi yang pagod mo. Okay ba yon? Hehe.." tumango lang ako sa sinabi n'yang 'yon.
Biglang huminto si Raymart sa isang kiosk. Nasa gilid lang ito ng highway ngunit wala ito masyadong katabing gusali.
Brocoolers' Refreshments, Ice cream parlor and shakes. Ang ganda ng ambiance dito sa loob at sa labas.
"Hi, Sir Raymart." bati ng isang binatilyong nakatayo sa may counter area.
"Hello Patrick." ang sabi ni kuya ng tuluyan na kaming lumapit sa kanya. "Isang creamy choco cloud nine, mallow fudge supreme at isang plate ng joewow cookies." ano daw yung mga pangalan ng prudokto nila dito? Nakakain pa ba yon? >_<
"95 pesos po ang bill nila. By the way, good afternoon sayo." lumingon sa akin ang nagsasalitang counter crew. "Ako nga pala si Patrick, kasama n'yo ba si Sir Raymart?" pangiting pakikipag usap ng lalaking cashier sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/128127043-288-k34786.jpg)
BINABASA MO ANG
Bintana (Bromance)
RomantizmAng Ibon sa Palad ni Utol "Mga kwentong lalaki sa lalaki" is proud to present "Bintana". Nakita ni Mark William sa kanyang bintana ang kapitbahay nyang nakikipagtalik. Paano kung mahuli s'yang namboboso? Saan hahantong ang kwentong ito? Enjoy readin...