"Hahaha biro lang. Ehto naman masyadong nerbyoso. Nakakatawa, kasi nag wet dreams ako kagabi." ngumingising sabi n'ya sa akin. "Nag sex daw tayong dalawa ahahaha.." kunwari pigil siya sa pagtawa ng malakas pero sa nakikita ko, tuwang tuwa talaga si kuya.
"Kuya, nakakatakot yang biro mo." kunwari hindi ako natutuwa pero ang totoo, nagtataka ako sa naging reaksyon ni kuya.
"Grabe ka naman. Panaghinip lang 'yon. Hindi ko naman magagawa sayo 'yon. Sabi ko nga parang kapatid na kita. Oh, s'ya mauuna na ako sa'yo kasi kung hihintayin pa kitang matapos jan, baka malate na ako sa trabaho. Ingat ka! Susunduin kita mamayang hapon." masayang lumabas ng bahay ang pulis samantalang ako ay kinakain na ng aking konsensya.
"Hindi ko naman magagawa sayo 'yon. Sabi ko nga parang kapatid na kita... parang kapatid... kapatid na kita... kapatid ..kita..." paulit-ulit kong na naririnig ang mga sinabing iyon ni kuya.
Napaka maalaga ni kuya sa akin, napakalaki ng pagmamahal at pagrespeto n'ya sa akin tapos malalaman n'ya bigla na ginawan ko siya ng masama. Nakakahiya sa kanya! Walang sekretong hindi na bubunyag. Hindi ko kakayanin na konprontahin n'ya ako balang araw. Wala na ako mukhang maihaharap sa kanya.
Agad kong inayos lahat ng gamit at damit sa aking maleta. Kumuha ako ng papel at lapis para magsulat ng pamamaalam kay SPO1 Danlag. Parang makaluma naman yata 'tong style ko. Bahala na, si Batman. Pagkatapos kong isulat ang gusto kong sabihin, lumabas na ako ang silid at iniwan ang sulat sa ibabaw ng mesa. Tama lang na gawin ko ito kaysa manatili pa ako kasama siya na puno ng pagsisi sa aking kasalanan.Ang iniisip ko ngyon ay kung saan ako tutuloy. Ayaw ko namang bumalik sa apartment na dati kong nilipatan. Subukan ko nalang mag hanap sa ibang lugar. Nagtatanongtanong ako kung saan saan pero wala ako nakita. Buong umaga akong naglalakad ngunit wala.
Habang ako ay naglalakad isang naka motor siklo ang huminto sa aking kinaroroonan. Naka helmet ng itim ang driver kaya hindi ko ito nakilala sakay ng kanyang Kawasaki Black Z650. Lumingon siya sa akin at matal bago niya tuluyang tinanggal ang takip sa mukha.
Halos lumuwa ang mata ko at gusto kong dumighay ngunit walang lumalabas sa sobra kong pagkabigla. Ang lalaking suot ang black with gray leather jacket with black skinny jeans ay walang iba kundi si Sir Eric Delique.
"Mark William. Right?" ang sabi ni Sir.
"Y-yes, sir." pero ang nasa isip ko, (kuya wag po!)
"What are you doing out here? Are you not going to school today?" besh, todo English si Sir sa tanghaling tapat.
"Y-yes, sir." sagot kong parang nabubulunan.
"I can give you a ride if you want to. Where are you heading?" pwede bang sumagot, (to the hospital, nose bleed na studyante mo sir... Please, DON'T ME!")
"I'm okay sir. Don't me.. I mean don't mind me." bumawi nalang ako ng smile pagkatapos kong magkamali sa pag-eengles.
"No, I insist. I'll take you to school. We'll talk when we got there." hala, pwersahan nyang alok sa akin. Sisigaw na ba ako ng R A P E ! ! ! Nakita kong seryoso siya sa sinasabi n'ya at nakakatakot tumanggi baka magalit pa kung hindi pa ako pumayag na sumama.
Umangkas na ako sa likod at kumapit sa hawakan ng motor baka ilang sandali, ihulog pa ako nito sa daan. Habang tumatakbo ang aming sasakyan, amoy na amoy ko ang kanyang pabango na talagang pang lalaki ang dating. Pinagmamasdan ko din ang kanyang napaka flawless na batok; ang mga braso at balikat n'yang humuhulma sa kanyang masikip na black leather jacket. Nang makarating kami sa school, sinabi n'yang dalhin ko ang maleta ko sa faculty room malapit sa kanyang table upang hindi magtaka ang mga classmates ko. Wala naman akong ibang maisip kundi ang gawin ang sinabi n'ya.

BINABASA MO ANG
Bintana (Bromance)
RomansaAng Ibon sa Palad ni Utol "Mga kwentong lalaki sa lalaki" is proud to present "Bintana". Nakita ni Mark William sa kanyang bintana ang kapitbahay nyang nakikipagtalik. Paano kung mahuli s'yang namboboso? Saan hahantong ang kwentong ito? Enjoy readin...