Unang Silip

10K 126 2
                                    


Yun nga, dahil ayaw kong maging kapitbahay ang tulad nina Joseph. Naghanap talaga ako ng ibang malilipatan. At hindi naman ako binigo ng pagkakataon.

Agad akong nakahanap ng apartment kaya dinala ko agad ang mga gamit ko sa bago kong tirahan. May sala, kusina, isang kwarto at CR. Gabi na nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Ginutom ako sa sobrang pagod kaya naisipan ko nalang na kumain sa labas.

Sinara ko ang pinto at habang naglalakad ako sa koridor. Biglang bumukas ang isang pinto at isang malaking lalaki ang humandusay sa sahig. Wala itong damit pang itaas at naka boxers short lang. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa labis na pagkagulat. Agad bumangon yung lasing na lalaki at hinablot ang aking braso. Sa sobrang lakas n'ya ay hindi ko nagawang pumalag. Ihinarap n'ya ako sa mga taong unti unting dumadami at nakikinood. Ginapos n'ya ako ng kanyang malalaking mga braso mula sa aking likuran at nagsisisigaw, "Babes! Wag babes.."

Maya maya isang dalagita ang lumabas na tila galit na gilit, "Aalis na ako sa ayaw at sa gusto mo! Bahala ka sa buhay mo!"

"Babes, wag mo akong iiwan babes!" bulalas ng matabang lalaki na nagsisimula nang umiyak. "Papatayin ko itong batang 'to huhuhu..."

Jusko po! Bat ako dinadamay ng mga 'to. "Pakawalan n'yo po ako. Wala po akong kinalaman sa away n'yo." nanginginig akong nakiusap sa lasing na naghostage sa akin. Sinusubukan kong kumalas sa pagkakagapos ngunit mas lalo n'yang hinihigpitan ang pagkapit. Nasasagad ang pagdiin n'ya sa akin at dumadampi sa aking likuran ang bukol ng kanyang ari.

"Hoy, batugan. Pakawalan mo nga yang bata. Nababaliw ka na nga talaga." pagtataray ng babae at agad umalis.

Maya maya dumating na ang mga pulis. "Sir, pwede po ba kayong makausap?"

"Wag kayong makialam! Huhuhu, papatayin ko ito." banta nito sa mga kumakausap sa kanya.

"Sir tutulungan po namin kayong magkabati kayo ng babes mo. Andoon siya ngayon sa prisinto hinihintay kayo." pangungumbinsi ng pulis sa kanya. "Abay kung hindi kayo agad pupunta baka magbago ang isip no'n."

Hindi nagtagal nakumbinsi nila sa wakas ang nag aamok na lalaki. Hinuli nila ito at ikilulong. Isinama nila ako sa police station ngunit kahit tapos na ang hostage drama. Natroma parin ako sa bilis ng pangyayari.

"Kid, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Nasugatan ka ba?" tanong ng pulis na tumulong sa akin kanina. Hindi ako sumagot at wala akong ibang naiisip kundi ang paulit ulit na ganap ng pagbabanta sa buhay ko kanina.

Tumabi ang pulis sa kinauopuan ko at ako ay niyakap. Ginapos ako ng mababangong mga braso at sumandal ang mukha ko sa matipunong mga dibdib ng aking tagapagtanggol.

"Halika nga dito. Okay, lang yan." Niyuyugyog ang aking likuran at balikat upang akoy mahimasmasan. "Ligtas ka na. Ako nga pala si SPO1 Raymart Danlag." ang sabi ng 'Ang Probinsyano' ng buhay ko. "May mga itatanong lang ako sayo at pagkatapos ihahatid na kita pauwi."

At yun nga, ihinatid n'ya ako doon sa apartment ko. "Ikaw lang ba mag isa dito Mawee?"

"Ah, eh oo, eh. S-salamat nga pala sa lahat ng ginawa mo." anak ng... uutal utal pa talaga.

"Kung may bakante ka, pwede ka dumaan sa bahay ko. Kung nababagot ka, puntahan mo lang ako, okay?" smiling invitation ng pulis na napakabait sa akin.

Naisip kong mas masaklap pa pala ang kahahantungan ng aking paglilipat kaya nilakasan ko na ang aking loob, "Sir, maaari po ba akong makitira muna sa iyo? Hindi parin po kasi ako okay na tumira dito ng mag-isa. Natatakot parin po ako."

"Bakit naman hindi? Sige na sumama kana ngayon sa akin." umakbay si SPO1 sa akin at bahagyang nasubsub ang mukha ko sa kanyang mabangong kili-kili.

Bintana (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon