Ika-6 na Silip

5.6K 73 21
                                    




"Kuyaah.." isang napakahigpit na yakap ang gumapos kay Raymart mula kay Euniz.

"Enzo, miss na miss ko ikaw bunso." tila musmus na mga bata ang dalawang nagyayakapan sa stage.

Hindi ako naki eksena at nanatili lang ako sa aking upuan at hinihintay silang bigyan ako ng balita.

"Kumusta ka na? Alam mo bang napakalungkot ko nang iniwan mo ako?" sumbong ng pulis.

"Nahihiya din akong bumalik kasi alam kong mali ang ginawa ko. Kuya ang lungkot lungkot ko na wala ka." salaysay ng dalagita.

"Hindi na mahalaga yon. Basta ngayon uuwi kana kasama ako, huh?" bigkas ng lalaking umiiyak sa tuwa. "Haha.. Napakasaya ko na nakita na kita Enzo. Siguradong magugulat nito si Mawee."

Pagkatapos nilang sabihin sa akin kung anong ganap, "Ikaw Euniz si Enzo? Paano yon?" naguguluhang si ako at ipinaliwanag nila ang lahat.

"Kaya pala kayo nagkatampuhan ni Raymart ay dahil ayaw n'yang magpa-transgender ka at dahil babae kana ngayon, nagpalit ka din ng pangalan." eksplanasyon ko basi sa aking naintindihan. Nagpatuloy kami sa paguusap hanggang sa makauwi na kami.

"Syempre, iba naman kung Enzo parin ako tapos pang beauty queen ang kagandahan." pabirong sabi ni Euniz.

"Sayang naman itong ice cream na binili ko, tunaw na. Mango float flavor pa naman ito. Favorite mo pa naman ito -Eniz" panghihinayang ni big brother.

"Kuya Euniz, hindi Eniz. Dibale kuya ang mahalaga magkakasama na tayo muli at pati si Mawee makakasama din natin." masayang balita ni baby girl.

"Mas mabuti pa kumain na lang tayo sa labas." imbita ni kuya at yun nga sa isang magandang restaurant kami kumaing tatlo.

Ang saya nilang pagmasdan na sabik marinig ang kwento ng bawat isa. Siguro sinadya ng panahon na mahanap na namin si Enzo upang may idadahilan na ako sa aking pag-alis. Pero baka mamaya ko na sa bahay sasabihin upang hindi magambala ang masaya nilang pag-uusap.

"Oh, Mawee ang tahi-tahimik mo?" tapatanong si Euniz sa akin. "Sya nga pala kuya, may itatanong ako sayo."

"Ano?"

"Papayag ka bang maging boyfriend ko si Mawee?" pangahas na tanong ng dalaga.

"Huh, nanliligaw ba siya sa 'yo?" gulat na follow up question ng binata.

"Kung sakali lang. Pero kung hindi naman, ako ang susuyo sa kanya." pangahas na sabi ng binabae.

"Hmmm.. Noon ayaw kitang maging babae hindi dahil ayaw kitang maging bakla kundi ayaw kong saktan at laitin ka ng mga tao. Lalong lalo na kung sasaktan at paiiyakin ka ng mga lalaking may masamang balak sa 'yo. Ngunit kung si Mawee ang pipiliin mo, aba syempre hinding hindi ako tututol sa inyo." boto si kuya sa Mauniz (Mawee – Euniz) love team.

Napangiti lang ako ng hilaw. Hindi ko alam ang magiging reaksyon at kung ano ang iisipin. Kami ni Euniz? Parang na prepresure yata ako.

"Ikaw ba Mawee, gusto mo ba itong kapatid ko?" pangising interogasyon ng kuya.

Sasabihin ko bang oo o hindi? Lagot nakakahiya namang tumanggi. Oo gusto ko naman si Euniz pero ngayong magkapatid pala sila, sahalip na makakalayo na sana ako kay Raymart mukhang mas lalong pa akong mahihirapan nito lubayan siya. Paano kung malaman na nila ang ginawa namin ni Joseph kay Raymart? Nakakahiya talaga.

Napansin ni Euniz ang matagal kong pagsagot, "Kuya, hindi mo dapat tinatanong kay Mawee ang ganyan sa harap ko. Wag mo s'yang e-hot seat baka ma presure sya. Palibhasa di mo yan alam kasi wala ka pang GF."

Bintana (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon