Ika-7 na Silip

4.7K 69 10
                                    


"Gusto kong mag date tayong dalawa mamaya to celebrate!" pagyaya ni Euniz sa akin. "May alam akong lugar na napakagandang pasyalan ng mga couple. Tyak magugustohan mo doon."

Tatanggi ba naman ako? Syempre, 'yes' lang ang sagot ko. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom hanggang natapos ang buong araw at kami ay pauwi na.

"Tara na Mawee!" sigaw ni Euniz sa malayo. Tila isang batang tumatakbo; patalontalon na papalapit sa akin. Ang buhok nyang umaalon kasabay ng hangin at mga matang bakas ang kaligayahan ang nag patulala sa akin nang siya'y makita. "Mawee, bilisan mo na. Kanina pa ako nagugutom." 

Hindi parin ako kumikibo hanggang sa hinatak n'ya ako. Sumakay kami ng jeep at tinungo ang isang pamilyar na lugar, 'Brocoolers' Refreshments, Ice cream parlor and shakes'.

"Ayan na! Namis ko ang lugar na 'to. Nagpunta kayo dati ni kuya dito diba?" sambit ni GF.

"Oo, pano mo nalaman? Sinabi n'ya ba sa 'yo?" pagtataka kong tanong habang papasok na kami sa loob.

"Hi Miss Euniz!... Sir Mawee? Magkakilala pala kayo? Siya po 'yung sinasabi ko pong madalas kasama ni Sir Raymart." balita ng chismosong si Patric.

"Siya nga... at siya rin ang bago kong boyfriend." pagmamayabang na sagot ni GF. Nag order na kami at naupo kung saan madalas kami ni Raymart.

Ang liwanag ng malamig na sunset naglalaro sa malagintong buhok ni Euniz. Ang ambiance ng lugar ang isa sa nagustohan ko dito pero it's more especial with the people I am with. Dati si kuya, pero ngayon si Euniz. 

"Gusto ko sanang isama si kuya kaso paano pa magiging date ito kung mag guardian tayong kasama? Ahaha.." sabi n'ya.

"Paano 'yan? Baka hinihintay na tayo ni kuya sa labas ng school?" pag-aalala ko.

"Nagpaalam na ako sa kanya." sagot n'ya. "Mawee, salamat pala kasi sinamahan mo si kuya habang wala ako. Alam mo bang ang dami n'yang magagandang sinabi tungkol sa sa'yo. Boto nga din siya sa atin. Hmmmp.."

Napangisi lang ako habang minamasdan ko siyang nakangiting tila kinikilig. Pakiramdam ko ang gwapo-gwapo ko sa mga oras na ito. Hindi mahirap mahalin si Euniz; kahit na sino siguro mapapamahal talaga sa kanya dahil napaka expressive at na paka sweet n'ya.

Pasko ba ngayon? Hindi ko yata mapigilan ang sumasabog kong dibdib sa hindi ko maipaliwanag na tuwa. 

"Mawee, kakainin mo ba 'yang ice cream mo o ako nalang ang kumain n'yan?" pabirong sabi n'ya sa akin. Naalala ko si Raymart dati na sinabihan n'ya rin ako ng, 'Oh ano, kakainin mo ba yan o papanoorin mo lang ako?'. Pareho ngang mag-isip ang magkapatid na ito.

Nagpatuloy na ako sa pagsubo hanggang natapos na kami sa pagkain. Naisipan na naming umuwi. Nasa labas na kami at naka upo sa bench malapit sa high way. Hindi pa tuluyang madilim at nakikita pa namin ang dumadaan sa kalsada. Dalawang sakay ng isang pamilyar na single motor ang lumingon kung saan kami naroroon. Si Joseph ang angkas ng isang lalaking may matipunong pangangatawan.

Kilala ko talaga ang may ari ng Kawasaki Black Z650 na ito na may suot na black with gray leather jacket and black skinny jeans. Kahit may suot pa itong helmet alam kong si Sir Eric Delique ito. Pareho silang nakatingin sa amin habang dahan dahan silang nagpapatakbo.

Lumingon ako kay Euniz at nakita ko siyang naluluha. Nalilito ako kung gailt ba siya o nalulungkot at kung paano ko siya aalalayan. Ngunit sa di ko inaasahan, bigla akong napahinga ng malalim, nilakasan ko ang aking loob at inakbay ang kanan kong kamay sa kanyang balikat. Niyapos ko siya ng isa kong braso at dumampi ang mga labi ko sa kanyang ulo malapit sa kanyang tenga na nagpapahiwatig na wala siyang dapat na ipangamba dahil andito ako para sa kanya.

Bintana (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon