[Raymart's POV]
"Dok, magandang umaga. SPO1 Daglag, po ng City Police."
"Detective Constancia." pagpapakilala namin sa doktor ng ospital.
"Maari ba namin malaman ang kalagayan ni Mark William?"
"Good morning, din officers. Tamang tama lang ang dating nyo dahil mamaya, lalabas na ang resulta ng MRI test ni Mawee kanina.
Samantalang kinakausap ni Detective ang docktor, sinilip ko si Mawee sa kanyang kwarto. Andoon and mama at papa niya samatalang siya ay natutulog.
"Magandang araw, poh." pagalang ko.
Nagkatinginan silang mag asawa at pinatuloy ako. "Kamusta na po ang kaso ni Mawee, Sir?"
"Wag po kayong mag alala, Ma'am. Gagawin po namin ang lahat para mapatunayang inosente si Mawee." bahagyang ngumiti ako upang maibsan ang kanilang pangamba ngunit unti unti kong napagtanto, hindi kaya nag aalngan sila sa aking tulong kasi kapatid ko si Euniz.
Hindi sila sumagot, sahalip iba ang na dinig ko. "Sir, sa totoo lang hindi kami panatag na ikaw ang umaasikaso kay Mawee. Kapatid ka ng dumidiin sa anak ko kaya maaari bang... iba na lang?"
Tinignan ko silang dalawa pareho at nakadama ako ang hiya. Nahihiya ko sa nangyari na kinasasangkutan ng kapatid ko. Tinitigan ko si Mawee, gusto kong ibigay ang hustisya sa kanya. Gusto kong tulungan siyang malampasan ang pagsubok na 'to. Pakiramdam ko hinahabol ko ang aking hininga.. nahihiya ako, nalulungkot, nag-aalala... Lumabas na lang ako ng silid.
"Maayos na man ang kalagayan ni Mawee, base sa result ng MRI. Few days from now, kung ma fully recovered na ang pasyente maari na siyang ma discharge." ang sabi ng doktor.
Sa isip ko napakagandang balita ngunit sa bandang huli, nalulungkot ako. Bakit tila hindi ako pinapansin ni Mawee? Namimis ko na..
"Sir, paano na yan ngayon? May balita ka naba sa kapatid mo?"
Lumingolingo lang ako sa kasamang nagtatanong. Hindi ko pa nakakausap si Euniz hanggang ngayon.
"Kaylangan siyang magpakita sa pagdinig dahil kung hindi baka ma dismiss lang ang kaso." pag-aalala ni Constancia.
Hindi ako sumagot. Ang totoo. Gusto ko nalang madismiss ang kaso. Para makaiwas na si Mawee sa gulong ito.
"Pero bago pa man ma dismiss ang kaso, titignan pa muna nila ang mga ebedensya at salaysay ng mga testigo." Paliwanag nya. "Hanggang ngayon, napakahina ng mga ebedensyang inuugnay kay Mawee."
"Sir, nakikiusap ako. Gawin natin ang lahat para sa kasong ito. Kailangang managot ang dapat managot!" yung ang huli kong salita bago ako lumisan ng ospital.
Malakas ang kutob kong may kinalaman sina Joseph at Delique dito. Kaylangan kong malaman kung na saan ang dalawang iyon.
Nagbakasakali ako sa opisina ng taxing pumara sa dalawang nawawala. Nakilala ko ang taxi driver na pumara kina Joseph nang araw ng insidente.
"Magandang araw po, Ginoong Espinoza. Ako po si SPO1 Danlag. Namumukhaan nyo po ba ang dalawang na sa larawan?" pinakita ko ang picture nina Joseph at Mr. Delique.
"Oo. Noong isang araw ko sila naisakay galing sa isang condo." tanda ng matanda.
"Sigurado po ba kayo?" paglilinaw ko.
"Aba, oo. Hindi ko sila makakalimutan kasi hindi nila kinuha yung sukli nila." banggit ng kausap.
"Naa alala nyo pa po ba kung saan nyo po sila ihinatid?" pag uusisa ko.
BINABASA MO ANG
Bintana (Bromance)
RomanceAng Ibon sa Palad ni Utol "Mga kwentong lalaki sa lalaki" is proud to present "Bintana". Nakita ni Mark William sa kanyang bintana ang kapitbahay nyang nakikipagtalik. Paano kung mahuli s'yang namboboso? Saan hahantong ang kwentong ito? Enjoy readin...