[Raymart's POV]
Pumasok ang mga pulis sa loob at nadatnan namin si Uniz sa kwarto. Agad kong tinungo si Mawee sa nakabulagta sa sahig.
"Euniz, anong nangyari? Bakit..?" alalang alala ako habang inaayos ang damit ng walang malay na binata.
Tahimik lang ang babaeng naka upo sa sahig na nakatingin sa kawalan. Lumapit ang ibang kong mga kasamahang pulis at inakay ang dalawa.
Pina upo sa kama si Euniz at sinubukang kausapin ng babaeng pulis, "Miss may masakit ba sa 'yo? Kaya mo bang magsalita?"
"Sinaktan po akoh..." nag umpisa nang mamuo ang luha sa mata ng kausap. "Ginahasa akoh.."
Sumunod pumasok ang first aid team at inalalayan si Mawee sa stretcher na hindi pa nagigising. Ang iba rin ay lumapit kay Euniz at sinubukan siyang akayin patayo. Lumapit si ako at hinawakan ang kapatid sa mga braso, "Sino? Sinong gumawa sa 'yo nito?"
Humagulgol lalo si Euniz at isinubsob ang mukha sa aking dibdib.
"Si Mawee." pabulong niyang sabi.
"Ano?" nagulat ako at hindi sigurado sa aking narinig.
"Ginahasa akoooh ni Mawee kuyaaaahh..." muntikan na syang bumagsak sa sahig dahil sa paghihinagpis.
Buti nalang at inakay siya ng mga first aid at ihinatid sa ambulance. Umandar and sasakyan papuntang ospital at tahimik lamang ang mga sakay nito. Agad silang inasikaso ng mga doktor at pinagpahina pagkatapos.
"May penetration po towards your sister, SPO1." pinaalam ng doktor sa akin. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa isip ko, 'papaanong nangyari ito'.
Magkahiwalay sina Euniz at Mawee ng kwarto kaya palipat-lipat ako ng silid upang alagaan ang dalawa. Ipinaalam ko na rin sa mga magulang ni Mawee at sa mga guro nila sa skul ang nangyari.
"Anong masakit sayo?" pangungumusta ko kay Euniz.
Ngunit tanong ang isinagot ng kapatid ko. "Si Mawee?"
Hindi ako agad sumagot at pinag iisipan ang sasabihin, "Nasakabilang kwarto." tumayo at kumuha ng baso ng tubig sa lamesa.
"Bakit hindi mo pa siya kinukulong?" reklamo n'ya. "Ano pa ba ang hinihintay mo?"
Hindi ko na tuluyang na inom ang tubig,"Hindi pa tapos ang imbestigasyon Euniz." Ibinaba ko ang inumin at umakmang lalabas ng silid.
"Kuya! Ginahasa ako... ni Mawee!" nagsimula nang tumaas ang boses niya. "Natroma ako sa ginawa niya sa akin, kuya. Wala ka man lang bang gagawin?"
Nanatili akong nakatayo na nakaharap sa pintong bukas, "Sa sandaling magising na siya, dadalhin siya agad sa prisinto."
"So hindi pa nga siya nakukulong?" galit na kwestyon ng dalaga. "So ganun-ganun nalang yon pagkatapos ng ginawa niya sa akin?"
Tuluyan na akong nakalabas at nag iwan ng mga salitang, "Hindi tayo ang makapagsasabi n'yan, sangayon. Hintayin na lang natin ang magiging hatol sa kanya."
Naguguluhan at hindi parin ako naniniwala kay Euniz. Pero kung mapatunayan ang pagkakasalang ibinibintang, hindi ko ito kakayaning tanggapin. Hindi ko man pinapahalata, ngunit higit pa sa kakilala ang turing ko kay Mawee; kahit pa noong una pa kaming magkakilala.
Pumunta ako sa prisinto upang malaman ang takbo ng imbestigasyon.
"Sir Constancia, ano na ang balita sa kaso ni Mark William?" pakikibalita ko sa kasamang pulis.
"May nakuha tayong CCTV footage mula crime scene at malaki ang maitutulong nito sa imbestigasyon." good news ng kausap.
"Kumusta naman?" kinakabahan kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/128127043-288-k34786.jpg)
BINABASA MO ANG
Bintana (Bromance)
RomanceAng Ibon sa Palad ni Utol "Mga kwentong lalaki sa lalaki" is proud to present "Bintana". Nakita ni Mark William sa kanyang bintana ang kapitbahay nyang nakikipagtalik. Paano kung mahuli s'yang namboboso? Saan hahantong ang kwentong ito? Enjoy readin...