[Mawee's POV]
"Kuya, uuwi na ako sa amin." paalam ko kay Raymart. "Nandito po ako para kunin ang aking gamit."
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Hindi siya kumibo sa kinatatayuan nya.
Nabaling ang kanyang tingin sa mga kasama ko, sina mama at papa.
"Aba, tuloy po kayo." imbita nya sa amin.
"Hindi na, Sir. Hindi naman kami gaanong magtatagal." tangi ni mama. "Ang sabi naman kasi nitong si Mawee, kakaunti lang naman yung gamit nya dito." paliwanag ni mama. "Mawee, sa labas ka na lang namin hihintayin."
Tumango lang ako kina mama. Sinundan ng tingin ni Reymat sina mama at nang makalayo na sila biglang...
Hinatak nya ako at niyakap...
...Nagulat ako nang nagdampi ang aming mga labi.Hindi ko alam kung anong dapat gawin.. Papalag ba ako? Pero bakit parang ayaw ko. Naninigas ang aking katawan at hindi ako makakilos.
Nakapikit niya akong hinahalikan at ramdam kong dinidiin nya nang bahagya ang kanyang bibig na sanhi nang pagkabaon ng kanyang malambot na labi sa aking nguso.
Nalalasahan ko ang kanyang halik at na aamoy ko ang kanyang hininga. Shit! Bakit ang sarap!?
Hanggang sa tuluyan nya na akong pinakawalan. Namumula ng kanyang pisngi, dumilat at tinitigan ako sa aking mga mata.
Para akong lumulutang at namanhid ang buong katawan. Nakakahalay.
"Mawee," bulong nya. "Mahal kita."
Umeko ang mga salitang iyon ngunit hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Mahal mo din ba ako?" tanong pa nya.
Tanaw ko sa mukha ni Reymart ang pagnanais na makuha ang matamis kong oo.
"Noong una palang tayong nagkakilala, Mawee. Mahal na kita. Hindi ko lang alam kung paano aaminin sa iyo." dagdag pa niya.
Naguguluhan ako. Aaminin ko din bang mahal ko siya? Pano na sina mama, ano na ang mangyayari? Dahan dahan akong kumalas sa kanyang pagkakayakap. "Hindi yan ang ipinunta ko dito kuya."
"Salamat sa lahat ng kabutihan mo sa akin, kuya. Pero gusto ko nang umuwi sa amin at mamuhay ng payapa. Gusto ko nang kalimutan ang lahat nang mga nangyari." paalam ko sa kanya. Humakbang ako patungong silid at kinuha ang aking sadya.
Hindi ko kayang biguin sina mama pagkatapos ng masasamang nangyari. "Hindi ito ang tamang panahon, kuya." paliwanag ko sa kanya. "Aalis na po ako."
Lumabas na ako ng at iniwan si kuya sa loob nang kanyang apartment. Naghihintay sina mama sa labas nang biglang magkasalubong kami ni Euniz. Hindi tulad nang dati, ang dungis nang kanyang mukha, maputla at wala sa ayos ang kanyang buhok. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa sa hitsura nya. Ngunit hindi paman ako nakalapit sa kanya, napansin ko ang galit sa kanyang mukha habang sumusugod siya sa akin.
Pinagsasampal at pinaghahampas niya ako kaya gulat na gulat ako. Buti nalang at nagawa kong umiwas gamit ang bag na dala ko. Hindi ko akalaing susugurin nya ako ng ganon.
"IKAW!!! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko; ang buhay namin! Kung hindi kapa sana dumating..." sigaw nya bago pa siya napaluhod sa kakahagulhol.
Lumapit sina mama at inilayo nya ako sa nag wawalang si Euniz. Unti unting nagtinginan ang mga tao at ang iba ay lumapit upang maki-usyoso.
"Siya ba si Euniz, anak?" tanong ni mama.
Hindi ako sumagot. Unti unting bumabalik sa aking ala-ala ang panggagamit at pambibintang nya sa akin. Gusto kong gumanti. Ang bilis ng kabog ng puso ko at gusto ko siyang saktan ngunit inaawat ako nina mama. Tumatawag na ng pulis si papa nang dumating si Reymart galing sa kanyang apartment.
BINABASA MO ANG
Bintana (Bromance)
RomanceAng Ibon sa Palad ni Utol "Mga kwentong lalaki sa lalaki" is proud to present "Bintana". Nakita ni Mark William sa kanyang bintana ang kapitbahay nyang nakikipagtalik. Paano kung mahuli s'yang namboboso? Saan hahantong ang kwentong ito? Enjoy readin...