CHAPTER 18

14 1 0
                                    

A/N: Hello miloves! pasensya na at ngayon lang ulit itutuloy ang kwento ni Heart. Marami lang naiisip at nag-aaral din kasi ako ng Korean sa ngayon. Ok, ito na ituloy na natin. Salamat sa paghihintay at pagsuporta.

Heart

Napapaisip na ako sa ikinikilos ni Brylle. Kapag ito, nahuli ko talaga,  may kalalagyan talaga itong taong ito sa akin. Lokohin na niya ako pero huwag ang anak namin. Aakyat na muna ako sa NICU para dalawin ang anak ko. Masyado na marami ang iniisip ko. Tama na yung anak ko lang ang maisip ko.

Sa NICU....

Pumunta ako agad kung saan naka-pwesto ang incubator ng anak ko. "Hello anak! kamusta naman ba ang prinsesa ko? namiss mo na ba si mommy mahal ko?" bati ko sa kanya habang nakatitig. Mabuti na lang at gising siya ipinasok ko ang kamay ko sa pasukan ng kamay ng incubator niya at hinawakan ang kamay niya. Agad naman itong kumapit sa akin at halos maluha ako nang ako'y ngumiti "namiss ka rin agad ng mommy mahal ko. Mahal na mahal kita anak. Lumaban ka ha? ilalaban kita kaya wag na wag kang sumuko, ok?".

Lord, please.. paulit-ulit ko na po hinihingi sa iyo ang anak ko. Ok lang po sa akin kung ilalayo ninyo ang daddy niya basta wag po ninyo kunin ang batang mahal na mahal ko. paulit-ulit ko ring idinadasal sa panginoon ang mga linyang ito.

Dumating si Brylle sa NICU at nagkasalubong kami sa pinto nung palabas na ako. Inirapan ko lang siya. "Mhie, tapos ka na dumalaw kay putet?" nilingon ko lang siya "hintayin mo ako, sisilip lang ako sandali sa anak natin" at lumabas na ako ng NICU naglakad na ako kung saan-saang lugar sa ospital.

Ilang minuto na ang nakalilipas mula ng maupo ako dito sa waiting area ng pasyente ng ibang mga private doctors. May upuan kasi dito na malapit rin naman sa canteen. Kanina pa ako nakaupo rito at nag-iisip. Maya-maya, dumating si Brylle at kanina pa pala niya ako hinahanap. Oo, hindi ko siya hinintay sa labas ng NICU. Bahala siya sa buhay niya no! kapal ng mukha niya para hintayin ko siya.

"Nandito ka lang pala Heart! kanina pa kita hinahanap, hindi mo naman pala ako hinintay" sabi niya sakin habang nakatayo sa harap ko. Oo, tinitignan ko lang siya habang nakataas ang isang kilay ko "ano bang problema mo? wala nga lang yun diba?" nakakunot na ang noo niya.

"Siguraduhin mo lang talaga Brylle! uulitin ko, Lokohin mo na ako wag lang ang anak natin. May kalalagyan ka talaga" nakataas pa rin ang kilay na tugon ko sa kanya.

"Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na humiram nga lang ng charger yun" pagde-deny pa rin niya. Eh, kung upakan ko kaya itong taong ito? "hindi ako nagloloko ok?" at hinawakan ang kamay ko "kumain ka na ba?" muli niyang tanong.

"Hindi pa ako kumakain. Wala akong gana" inirapan ko na naman siya at tinanggal ang kamay niya na hawak ang isa kong kamay "Pwede ba? wag mo akong hawakan" banta ko sa kanya.

"Halika na at kumain na tayo uuwi ka pa diba?" yaya niya sa akin habang bukas pa ang canteen. Hinawakan na niya kamay ko ngunit pilit kong tinatanggal dahil ayoko humawak sa kanya. May nararamdaman akong kakaiba. Hinigpitan niya hawak niya sa kamay ko para hindi makawala "isa pang tanggal mo sa kamay ko" banta niya kaya hindi ko na pinilit pa.

Kumain na kami sa canteen. Beef steak ang inorder namin dahil yun ang paborito kong luto nila doon dahil malambot ang baka at hindi masakit sa ngipin. "Brylle, hindi ako nagbibiro ok? wala ako paki kung gaguhin mo ako, basta wag ang anak natin. Marami na akong nabalitaan na ginagawa mo dito sa ospital. Isang beses pa kita mahuli, alam mo mangyayari, kuha mo?" nakataas ang kilay kong sambit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon