Heart
Matapos ang tatlong araw, tinatamad talaga ako pumasok. Palaging masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Eto ako at nakahiga lang na nagbabasa ng wattpad. Syempre, yung istorya ng paborito kong author na si Cris Ibarra. Pero, nahihilo talaga ako. Anong araw o buwan na ba? hindi ko na napapansin kung anong petsa na. Iche-check ko nga. Sabay kuha ko sa kalendaryo at nagbilang.
"Oh my gosh! isang buwan mahigit na ako hindi nagkakaroon?" nanlalaki ang aking matang nakatitig sa kalendaryong hawak ko.
Maya-maya lang ay pumasaok naman si Brylle ng kwarto. Wala siguro siyang pasok.
"Aning nangyari sayo Heart? 'bat titig na titig ka diyan sa kalendaryo?" tanong niyang mukhang nagulat sa nadatnan niya.
"Isang buwan mahigit na akong hindi nagkakaroon Brylle" sabi ko sa kanya na maluha-luha.
"Sigurado ka? buntis ka?" nagulat din siya sa aking sinabi.
"Hindi ko alam. Wala akong ideya. Sabi ni ate Anj nung nakaraan, buntis daw ako. Nurse kasi yun sa dati niyang school"
"Gusto mo bang bumili tayo ng pregnancy test?" umupo siya sa tabi ko at hawak kamay ko. Tumango ako sa tanong niya.
Lumabas muna kami para pumunta ng botika at bumili ng pregnancy test. Nanlalamig ang mga kamay ko na kinakabahan. Pagka-abot ng tindera sa akin ng aking binili, nagbayad lang ako at umalis na kami. Nag-uusap naman kami habang naglalakad.
"Ano gagawin natin kung meron ito?" tanong kong natatakot.
"Buhayin natin. Magtutulungan tayo" sagot niya nang di nag-aalinlangan.
"Natatakot ako. Paano kami? paano ako? yung sakit ko. Bawal ako magbuntis sabi ng doctor" nanlalamig padin ang mga kamay ko.
"Sasamahan kita sa laban mo. Laban natin" sagot niya at natahimik na kami.
Pagpasok ng kwarto, nagpahinga muna ako sandali dahil napapagod talaga ako at nahihilo na naman. Maya-maya pumasok na ako ng cr at sinunod ang prosesong nakasulat sa balot ng pregnancy test. Humihiling na sana, hindi mag-positive. Ngunit pagtingin ko dito matapos ang ilang segundo, nakita ko ng malinaw ang dalawang linya at ako'y natulala.
"Ano na resulta? positive no?" tanong ni Brylle na nasa labas ng pinto.
Lumabas ako ng cr at nakasimangot. At nakatingin sa akin si Brylle na nag-aabang ng sagot ko.
"Patingin nga. Nasaan na yung pregnancy test?" tanong niya at nakatingin sa kamay kong nasa likod ko.
"Wala. Itatapon ko na" akmang itatapon ko na nang hinablot niya sa akin.
"Sabi na eh. Positive. Di ka sumasagot sa akin eh" sabi niya na napa-ngiti. Ako naman ay maluha-luha.
"Oh bakit? may masakit ba?" pag-aalala niya.
"Natatakot ako. Ano sasabihin ni mama? ng lola ko? ng friends ko? ng mga tito at tita ko? paano yung pag-aaral ko? natatakot ako Brylle" sabi ko na naluha na talaga.
"Lahat nang iyan ay sasamahan kita. Mahal kita at ang baby natin"
Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagbukas ko ng facebook, nakita kong naka-online si mama at nag-message.
BINABASA MO ANG
I'm Brave & I know It! (On-Going)
Non-FictionIkaw ba ay madaming iniisip? pino-problema? dinadaing? naiinis ka na ba sa mga tanong mong bakit ganito, bakit ganyan? palagay mo ba, pinagtakluban ka ng langit at lupa? yung gusto mo na biglang mawala ng parang bula? Lahat naman ata tayo may proble...