Heart
At, nai-admit nga ako. Hindi na ako nakauwi ng bahay namin. Nagpapa-check up lang ako, in-admit na agad ako. Dahil, lumiliit na ang batang nasa sinapupunan ko. Sinunod ko lahat ng bilin ng mga doktor ko simula umpisa. Mula sa vitamins hanggang sa pagkain at paggamit ng oxygen. Idinala na ako sa ward ng 'post partum, bed 2'. Muling kinuhanan ng vital signs at chineck ang heartbeat ng baby ko.
"Paano na yan? iiwan kita dito kukuha ako ng gamit ninyong mag-ina. Nasabi mo na ba kay Brylle?" Nag-aalalang tanong ng lola ko. Habang hawak ang kamay ko.
Nakahiga ako at nilagyan na ulit ng oxygen. Halos sipunin na ako sa oxygen ko dahil malakas nasa number 5 ang lakas neto. Sumasakit ang ilong ko. Pero titiisin ko parin para sa anak ko.
"Oo, ma. naitext ko na siya. Nag-under time siya para pumunta dito" sagot ko sa lola ko habang nakatingin sa cellphone ko.
"Sige, pagdating niya, uuwi muna ako at kukuha ng damit at pera. Wala na tayo pera dito eh"
"Sige ma. Nakakainis at kailangan na nila siyang ilabas" may namumuong luha sa aking mga mata at hinawakan ang tiyan ko.
Maya-maya, nagtext si Brylle na nasa ospital na siya. Hiningi nya ang room ko at ibinigay ko naman agad. Pagpasok niya ng ward, agad itong umupo sa kabilang gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.
"Kamusta 'la? ano nangyari kay Heart at sa baby?" tanong ni Brylle na hindi maiwasang mag-alala.
"Ayun. Lumiliit na ang bata dahil daw sa oxygen na hindi na sapat para sa kanilang mag-ina. Hindi makadaloy papunta sa bata ang oxygen ni Heart kaya ganun. Kapag pinatagal pa daw, mamamatay ang bata" sagot ng lola kong nalulungkot.
Napatingin naman ang dalawang pasyenteng kasama ko sa ward. Nasa pagitan nila ako. Ang nasa kanan ko ay malapit sa pinto, at ang nasa kaliwa ko ay malapit sa bintana. May isa pang kama na bakante para sa manganganak pa. Ang ospital kung saan nandoon ang OB-gyne ko, ay ospital ng mga bata at risky magbuntis. O kaya, may problema ang ipinagbubuntis nila.
"Ano daw ang gagawin sa kanya 'la?"
"Ise-cessarian daw. Kasi, hindi naman siya pwede umire dahil mapapagod siya. Pero kung umikot man ang bata at umayos ng pagkaka-puwesto, baka i-forcep na lang siya" paliwanag ng lola ko kay Brylle.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Kasi, halo-halo ang nararamdaman ko. Natatakot, kinakabahan, nalulungkot, naiiyak, naiinis sa sarili ko at halos maawa sa sitwasyon namin ng anak ko.
"Osiya, ako'y uuwi na muna Brylle. Babalik ako para bantayan na si Heart mamaya. Aalis muna ako habang visiting hours pa. Kukuha lang ako ng mga gamit at pagkain" paalam ng lola ko na nakatayo na at inaayos ang bodybag niyang suot.
"Sige 'la, ingat ka po. Ako na muna ang bahala dito kay Heart" pagsisigurado ni Brylle sa lola ko.
Akmang aalis na ang lola ko nang naisipan niyang itanong ang cellphone ko. "Hindi mo ba ipapa-charge yang cellphone mo sa bahay? hindi ka pa ba lowbat? ano pa ba ang kailangan mo para makuha ko?"
"Sige ma, paki-charge na pala. Malapit na malowbat eh. Dalhin mo ulit pagbalik mo" sabay abot ko ng cellphone ko. "Paki-kuha na rin charger ko sa lamesa ko sa kwarto ma. Ingat ka" nilagay na niya sa bag niya ang cellpone ko at umalis na ang lola ko.
Nilingon ko si Brylle na titig na titig na akin. Bakas sa mga mata niya ang pagka-awa niya sa akin.
"Oh, bakit ka nakatingin ng ganyan dhie? may problema ba? kamusta work?" tanong kong nakakunot ang kilay.
"Ok naman mhie. Nagpaalam ako na mag-undertime kasi nandito ka sa ospital. Kamusta? wala bang masakit?" sagot niya sa akin na hawak pa rin ang kaliwang kamay ko.
BINABASA MO ANG
I'm Brave & I know It! (On-Going)
No FicciónIkaw ba ay madaming iniisip? pino-problema? dinadaing? naiinis ka na ba sa mga tanong mong bakit ganito, bakit ganyan? palagay mo ba, pinagtakluban ka ng langit at lupa? yung gusto mo na biglang mawala ng parang bula? Lahat naman ata tayo may proble...