CHAPTER 16

4 0 0
                                    

A/N: Hello mga miloves! pasensya na kasi matagal natigil ang pag-update ng kwentong ito. SA ngayon, susubukan ko nang ituloy ito. Sana may mga sumusuporta pa. Hindi ko naman nakakaimutan ang kwento kahit walang line-up ito kasi nasa utak ko na talaga ang kwento ito.

Heart

Heto ako ngayon sa ospital umaasa na magiging ok nna ang munti kong aghel. Si Brylle? Ayun! inaasikaso yung mga papeles na inilalakad niya sa government ang sa ganun makabawas sa mga bayari at gamut ng anak namin. Hinihiling ko na sanna makalabas na kami ditto sa ospital at makasama ang anak namin ng matagal pang panahon.

Ilang linggo ang nakalipas at gumaling sa sepsis ang anak namin. Maibababa na siya sa WARD. Natutuwa rin ang mga doctor dahil sa improvement niya. At ngayong araw gagawin na ilagay na siya sa ward. sa wakas at mahahawakan ko na ang munti kong anghel.

Nandito kami sa ward ngayon kung saan siya innilagay. "Hello prinsesa ko" bati kong nakangiti sa kanya at tuwang-tuwa ang puso ko dahil wala na siya sa incubator. Binuhat ko siya at nakatitig sa mala-anghel niyang mukha "kamusta na ang mahal ko? sa wakas at kasama na kita dito prinsesa ko. Ang galling naman ng anak ko" mangiyak-ngiyak akong nakatitig sa mukha niya.

Maya-maya ay dumating si Brylle at iabutan niyang karga ko si Glianne. agad siyang lumapit at hinawakan ang ulo ng anak namin at ang kamay ko. "kamusta na ag prinsesa kong makulit? mahal na mahal kita anak" sambit niya na maluha luha din. Napatitig ako sa kanya na nakatitig pa rin kay Glianne.

Sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon. Silang dalawa ang nagbigay kulay ng mundo kong nawawalan rin ng pag-asa kung minsan. Lord, Salamat po ng sobra at nakalabas na ng incubator ang anak namin at patuloy na nagpapagaling. Salamat po sa patuloy na pag-gabay.

Lumipas pa ang ilang buwan, palabas na ng ospital ang mahal naming anak. "dhie, ok na ba ang lahat para sa paglabas natin bukas ng ospital?" tanog ko kay Brylle.

"oo mhie. naayos ko na lahat hihintayin na lang natin ibigay ang discharge slip" sagot niya habang karga si Glianne.

Kinabukasan, matapos ang lunch time, may programa para sa mga batang may cancer sa lobby ng hospital. Tinawag kami ng doctor ni Glianne para makihalubilo kahit sandal sa programa. Pumunta naman kami dahil sandal lang din naman kami dun. Hindi pa sikat si Ryza Cenon nun at nakapagpa-picture pa ang baby ko sakanya nun. nagpa-picture din kami sa photo booth ng program. Matapos ng ilang oras lang na nandun kami bumalik na kami sa ward para makapag-pahinga rin si Glianne at lalabas na kami ng ospital mamaya. Isang oras ang nakalipas, ibinigay na ang discharge slip at ilang minute, dumating ang doctor ni baby para I-check mua siya sandal bago palabasin. Hinatid pa niya kami sa entrance ng ospital at nagpaalam.

Sa Bahay

"oh, nakahanda na ang higaan ninyo para makapag-pahinga na ang baby" sabi ng lola ko na nakatingin sa baby ko. "nakakatakot pa rin siya hawakan ang liit niya pa talaga".

inihiga ko na sa kama si Glianne at nahiga na rin si Brylle paglapag iya ng mga gamit namin at katabi niya ang anak niya.

Habang nakatitig ako sa mag-ama ko, nasabi ko na lang "ok na ako na meron akong kayo. Parehas na parehas kayo matulog". Lord, sana ganito na lang kami palagi. Salamat po sa lahat.

Kinabukasan

Napansin ko, hinihingal si Glianne. Tinawag ko agad si Brylle "dhie, si baby, parang hinihigal" sabi ko na nag-aalala. Agad siya nagtungo sa amin pati lola ko sumunod.

"anong nangyari?" tanog ni Brylle na nag-aalala din. nag-aalala na rin ang lola ko kaya nasabi na niya "dalhin niyo na sa ospital at baka mapaano pa ang anak ninyo".

"hindi ko alam bakit hiingal siya bigla, ok naman siya kanina at hindi ko naman siya iniiwan eh" sagot ko kay Brylle. "dhie, balik na lang tayo ospital parang nahihirapan si baby" suggest ko kay Brylle. Agad itong pumayag at kumuha ng taxi. Habang hinihintay namin siya, hianda ng lola ko gamit ni Glianne. Pagdating ni Brylle agad kamig natungo ng ospital.

Pagdating namin ng ospital, sakto na nasa entrance ang doctor ni Glianne. Pumunta ako agad sakanya bitbit ang anak ko. "Doc, si baby po parang hinihigal po" nagulat ang doctor iya at agad siyang chineck.

"anong nangyari? tara na sa loob at kailagan natin I-admit na naman ang batang ito. Kalalabas niyo lang kahapon diba?" nag-aalala ang doctor niya.

"bigla po siya hiningal. Binabantayan ko siya at paghinga niya kaya napapansin ko na mabilis paghinga niya. Kaya niyaya ko na po ang daddy niya dito" tugon ko sa doctor. Diyos ko, maawa po kayo sa anak ko. Nahihirapan na po ang anak ko. Siya lang po ang hinihingi ko sa inyo Lord. Please, ibigay niyo naman po.

Nagulat pati ang mga nurses sa Emergency Room "Doc, ano po nangyari kay baby Gliane?" salubong ng doctor at kinuha ang anak ko at ihiniga ng naka-inclined.

"Lagyan mo ng oxygen, at iaakyat ko ulit sa NICU itong batang ito. Hindi ito pwede tumagal dito sa ER at delikado sa kanya" tsaka nagpunta ang doctor sa nurse station at may mga papel na inasikaso. "Iayos mo na ito sa admitting daddy at iaakyat na natin si baby sa NICU" utos niya kay Brylle at agad itong sumunod.

Maya-maya lag, inakyat na nga sa NICU ang munti konng anghel. Nalulungkot ako at naiiyak. Diyos ko, iligtas po ninyo ang anak ko. Mahal na mahal ko po ang anak ko. Siya po ang buhay ko at dahilan kung bakit pinipilit kong lumaban. Pakiusap po, pagalingin ninyo ang anak ko Lord. Dasal ko habang naiiyak na at naglalakad patungo ng NICU.

Matapos ayusin ang anak ko sa incubator niya, lumabas ulit ang doctor niya "buti na lang at naagapan ninyo siya, pabagsak na ang oxygen niya. Marami na naman tayong test na gagawin sa kanya. Nagtataka ako kasi ok na siya pero bigla siya bumalik dito. Ano ba ang giawa ninyo?"

"Bigla lang siya nagka-ganyan Doc. Hiningal lang siya bigla sinunod naman po namin mga bilin ninyo" sagot ko sa doctor ni Glianne.

Nagpahinga na kami sa waiting area ni Brylle "mhie, magpahinga ka na magiging ok din si baby" sabi ni Brylle sa akin na nag-aalala rin para sa akin pero, hindi talaga ako mapakali at makakatulog kung alam kong hindi ok ang anak ko.

A/N: CHAPTER 16 END

Pagpasensyahan na muna ninyo hanggang dito na lang muna ang UD natin. Itutuloy ko mamaya magpapahinga lang ako. Salamat sa mga sumusuporta at patuloy na susuporta

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon