CHAPTER 4

163 2 0
                                    

Heart

Maaga akong nagising ngayon. Maaga ang pasok ko dahil P.E namin. Kaya maaga din ako pumasok kahit na masama ang pakiramdam ko. Dahil na rin siguro sa mga nangyari kahapon.

"Oh Heart, morning! ang aga mo ngayon ah!" bati ng kaklase kong si Aiko.

"Morning din. Oo eh, baka umulan na naman ayoko maabutan ng ulan" matamlay kong sabi.

"Mukhang matamlay ka, may sakit ka? masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong.

"Para ngang masama ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa bigla-biglang pagbabago ng panahon" sagot ko naman.

"Osya, tara na sa loob at baka dumating na ang prof natin" yaya niya sa'kin at inalalayan akong tumayo sa hagdan na kinauupuan ko.

Mahaba ang nagdaang mga oras. Eto na ako at pauwi na. Malapit na ako sa bahay nang magtext ang kapatid ko para mangulit.

"Panget! saan ka na?" text ng kapatid kong bruha. Kung ano-ano kasi tawagan namin.

"Malapit na diyan sa bahay, bakit? at mas panget ka no!" sagot ko naman sa text niya.

Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nanunuod ng tv ang bruha kong kapatid.

"Hoy, bruha! bakit may patext-text ka pang nalalaman? ano na naman ang trip mo?" bungad kong tanong kaya napalingon siya sa pintuan kung saan ako nakatayo.

"Wala naman. Masama ba?" sagot niya. Bruha talaga diba?

"Akala ko kung bakit. Baliw ka na! umuwi ka na sa mental!" sagot ko naman sa kanya at papunta na sana ako sa kwarto ko nang biglang,

"Sama kayo bukas ni Brylle sa'min after school. Hintayin namin kayo sa gate" sabi niya.

At bakit kaya nagyaya 'to? Nu na naman kaya ang trip ng babaeng 'to?

"Kasama talaga si Brylle? sino kasama mo? anong meron?" mga tanong kong nagtataka.

"Dami naman tanong neto! di na lang sumama eh! basta sumama kayo nasabihan ko na siya at pumayag naman" sagot niyang halatang planado na niya tss.

"No choice. Edi sige. Para kang direktor kung mag-utos ah. Libre mo ikaw nagyaya!" sabi ko sabay alis para di na siya maka-angal pa.

Dahil nandito na ako sa kwarto kong puro blue ang makikita, kalmado nako. Mapunta lang ako dito sa kwarto ko, parang ang payapa ng mundo.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may nagtext.

"Niyaya tayo ni Mitch bukas. Hintayin ka daw namin sa gate ng school niyo" text ni Brylle.

"Oo nasabi na niya. Ano bang meron at nagyaya yun?" tanong ko naman.

"Hindi ko din alam sa kanya eh. Ang alam ko lang may kasama siya. Sino ba kasama niya?" at sa'kin pa talaga siya nagtanong?

"Ano bang malay ko? ikaw una nakaalam, ako tinatanong mo" sagot ko naman.

"Sige, see you tomorrow baby iloveyou"

"Ok, iloveyoutoo" oo, no space talaga kasi, ayoko may sumingit. Ang gumitna, paslang. At natulog na ako.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon