CHAPTER 2

261 4 0
                                    

A/N: CHAPTER 2

Hello! pasensya na kung hindi ako nakapag-update dahil marami akong ginagawa. Ang tanging nagawa ko lang bago ako makatulog ay i-edit ang unang chapter. Pero, babawi ako sa inyo ngayon.

Oh, diba? ang tapang ni Heart? hindi siya nagpapa-api sa kahit na sinong magtangka. Ano sa tingin ninyo ang dahilan niya para maging palaban?

tara na at ituloy natin ang pagkilala kay Heart.

                                  💟💟💟






Heart

Time Check: 5:00am

Hay naku! ang aga ko naman magising wala naman pasok ngayon. Nakakainis magkaroon ng insomnia. Pa-gising gising na nga ako kagabi, tapos magigising naman ako ng maaga ngayon. Gagala na nga lang ako mamaya.

Ano kaya ang makakain ngayon? meron kaya? makababa nga.

Habang pababa ng hagdan, nakasalubong ko ang kapatid kong pangalawa.

"Oh, san ka galing? ang aga pa ah."

"Nagutom ako eh. Kaya lumabas nalang ako ng kwarto ko para kumain" sagot niya

"Ano pala pagkain sa baba? nagugutom na rin ako."

"May cake sa ref. Kung gusto mo, may kanin at ulam pa naman." ngisi niya

"Samahan mo ako wala ako kausap eh." yaya ko sakanya na nakangisi ng malaki para makumbinsi ko siya.

"Sige na nga. Hindi pa din naman ako makatulog eh." at nagtagumpay naman ako dahil nayaya ko siya.

Pag dating sa kusina, agad siyang umupo. Ako eto, kumuha ng platito at tinidor para sa cake na sinasabi niya. Saan naman kaya nanggaling to?

Oo nga pala, siya si Mitch pangalawa kong kapatid. Bestfrienemy ko (bestfriend na enemy). Alam namin ang ugali at galaw ng isa't isa kahit 'di kami magkasama.

"Saan naman galing 'tong cake na 'to bruha?" tanong ko sakanya ng may pagtataka habang hawak ang cake at ang platitong kinuha ko para ilagay sa mesa.

"Bigay" maiksi niyang sagot habang nagdudutdot sa selpon niya.

"At sino naman ang nagbigay aber?" habang isinasalin ko ang cake sa platito ko.

"Kay Ken manliligaw ko sa school" sagot niya. At aba akala ko ayaw niya na magpaligaw?

"Hoy! 4th year high school ka pa lang bruha! baka naman bumabarkada ka na ha? kokonyatan kita!" pagbabanta ko sakanya ngunit naka-nagisi padin.

"Hoy ka rin! kilala mo naman mga kaibigan ko ah. Isa siya sa mga kaklase ko baliw ka. Matagal na pumuporma yan kaya pinagbigyan ko na. Hayaan mo na! lumalamon ka na nga diyan eh!" tumatawa niya naman ako sinagot.

"Siguraduhin mong matino yan ah! konyatan talaga kita!" sige pa rin ako sa pagsubo ng cake dahil favorite ko ang cake, tempted ako syempre.

"Oo naman! kilala mo naman ako eh. Ayoko sa mga siraulo kahit mukha akong siraulo. Malala ka nga lang!" sabay tawa. At nang-asar pa talaga siya diba?

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon