CHAPTER 9

120 8 5
                                    


A/N:

hello! pasensya na po kagabi ha? medyo kaunti lang ang update ko kagabi. Masakit lang talaga kamay ko at may business lang din.

Please vote and comment po para magka-rank po ulit tayo 😊 salamat po 😉

May ups & downs din po si Heart, may ibang moments, hindi puro tapang. Pero po sana, magbasa pa rin po kayo. Ang buhay po ni Heart ay parang dagat. Minsan maalon, minsan hindi.





Heart


Heto na naman ako, ultrasound mode na naman. Pabalik -balik sa ospital. Nakakapagod na at nakakasawa. Pero, kakayanin ko parin ito. Pipilitin ko kahit hindi ko na kaya pati ng budget.

"Higa ka na. Dahan-dahan lang ang kilos. grabe ka kumilos para kang hindi buntis Heart" sabi ng OB ko na mag-uumpisa nang mag-ultrasound.

Dahan-dahan akong humiga tulad ng sabi niya. Ihinarap niya ng bahagya sa akin ang monitor para makita ko ang baby ko. Lahat kasi ng ultrasound ko, trans-vaginal para mamonitor siya sa loob.

"Tignan mo ang baby mo Heart. Ang likot-likot niya parang nung una nating ultrasound sa trans-V" tumingin ako sa monitor at halos maiyak dahil naalala ko yung una naming ultrasound.

---------FLASHBACK-------

"Halika, humiga ka na at hubarin mo na ang panty mo. Ipapasok natin ito sa loob para mas malinaw natin makita si baby" sabi ng doctor na ikinagulat ko.

Dahil mahaba na parang stick yung gagamitin pang-ultrasounf at ipapasok sa pwerta. Natakot ako pero sinunod ko ang utos niya. Buti at kasama ko si Brylle ngayon habang ang lola ko naghihintay sa labas ng ultrasound room kasi isang bantay lang daw ang pwede.

"Hinga ng malalim" sabi ng OB ko at sinunod ko naman. "Heto na siya Heart, daddy! kita niyo ito? siya ito" at itinuro ang  monitor na may mas maitim na bagay na galaw ng galaw. Para palang siyang palakang hindi pa napipisa na ang likot-likot.

"O-oo nga, doc" sabi ko na halos maiyak sa unang kita ko sa fetus na nasa sinapupunan ko. Tumingin ako kay Brylle at ngumiti, ganun din siya sa akin.

"Naku Heart, kung may mga kamay at paa na ito, napaka-likot na niya. Ang bibo niya Heart. Palagay ko, matapang na bata ang dinadala mo. Lumalaban siya" sabi ng OB ko na nakangiti at halatang natutuwa siya sa pagpapakitang gilas ng baby ko.

Marami pa akong ultrasound na nangyari. Hindi lahat nakuha ang kopya. Dahil nakakalimutan kong itanong sa mga doktor ko.

----------END OF FLASHBACK---------

"O-oo nga po doc. Napaka-likot ng anak ko" sabi ko na ayaw ipahalatang naiiyak na naman ako.

Hindi ko kasama ngayon si Brylle dahil may pasok siya sa trabaho. Nag-goodluck lang siya sa akin at balitaan ko daw siya kung ano gender ng baby namin.

"Ok naman siya, ok pa timbang niya, ok ang vitals, ok naman siya lahat Heart. At siya ay isang baby girl. Pero kailangan mo na mag-oxygen sa bahay kahit 4-8hrs a day lang. Kasi, kumokonti ang oxygen na dumadaloy sa kanya. At kailangan puro protein na ang kinakain mo ngayon. Hindi naman tayo nagda-diet. Mas mahirap ang stage na ito para sa atin. Hindi ka pwede manganak ng normal kaya Cessarian Section tayo. Limang buwan na tayo ngayon, paabutin lang natin ng pitong buwan, pwede na natin siya ilabas. Pero kung aabot ka ng siyam na buwan, much better. Mas malaki ang chance na mabuhay siya. Pahirap ng pahirap na ang stage na tinatahak natin. Kailangan natin mamili kapag nameligro kayo, wag naman sana. Sundin mo lahat ng sinasabi namin Heart kasi binubuhay natin ang munting anghel na ito dahil hindi ka pwede magbuntis pa, alam mo yan diba?" ang haba ng sinabi niya at puro opo nalang ang naisagot ko dahil mas naiiyak na ako sa naririnig ko.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon