Heart
Nakauwi na nga ako ng bahay mula sa pagkaka-ospital. Nahihirapan pa rin ako kumilos ngayon dahil sa opera ko via Cessarian Section. Ang hirap kumilos lalo na ang pag-upo mula sa pagkakahiga. Dahan-dahan ang pagkilos at dapat maingat.
Dahil nanghihina pa ako sa ngayon, tita ko o lola ko muna ang nagpapaligo sa akin. Si Brylle naman ay pabalik-balik sa ospital para bantayan ang anak naming nasa ICU.
Namimiss ko ang baby ko. Gusto ko ako ang magbantay sa kanya. Gusto kong sumama kay Brylle pagbalik niya ng ospital. Kaso ngayon, nag-aaway kami sa mga bagay-bagay kahit hindi dapat pag-awayan. Malamang, parehas kaming stress. Sa mga gastusin, at kung ano-ano pang nilalakad sa mga gobyerno para makahingi ng tulong. Tapos, ngayon ay dumadaan din ako sa tinatawag nilang post partum depression. At bumabagyo din ngayon. Ilang araw pagka-panganak ko ay bumabagyo. Ang bagyong Ondoy.
Galing si Brylle sa PCSO ngayon dahil sa nilakad niyang mga papel para sa tulong sa baby namin.
"Anong sabi sa PCSO?" tanong ko sa kanya na nakaupo sa tabi ko dito sa kama.
Nilingon niya ako at sinagot "Ayun, ok na. Ipapadala na lang daw nila sa ospital ang kailangan" sabi sa tonong pagod na pagod.
"Bakit nabasa ka? hindi ka nagpayong?" tanong kong nakakunot noo. Sa bagay, bumabagyo nga kasi.
"Hindi kinaya ng payong yung lakas ng hangin. Tapos, baha pa. Muntik nga akong malubog sa man-hole kasi di ko nakita. Malalim ang tubig hanggang dibdib ko. Tapos maitim na ang tubig. Pinilit ko umuwi kasi babalik pa ako ng ospital mamaya" sabi niyang naghahanda na ng idadamit niya matapos maligo.
"Sige maligo ka na. Hindi ba ako pwede sumama?"
"Baka mabinat ka pa Heart. Kalalabas mo lang ng ospital at bumabagyo pa" nag-aalala niyang tugon. At tsaka pumasok ng banyo para maligo.
Sumimangot ako at nalingunan pa niya ako bago niya maisara ang pinto ng banyo. Paglabas niya mula sa banyo, umupo siya sa tabi ko, hinawakan ang kamay ko. "Gusto mo ba sumama talaga? dun ka matutulog sa ospital" tanong niya na parang naawa sa akin. Tumango naman ako sa tanong niya. "Sige, isasama kita kung papayagan ka ni lola"
Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa sala kung nasaan ang lola ko. Nakaupo ito at nanunuod ng tv.
"Ma, sama ako kay Brylle sa ospital" paalam ko
"Naku, baka mabinat ka. Umuulan pa at malamig. Palabas pa lang ang bagyo sa Pilipinas" tugon niya na hindi natitinag sa tv.
"Magdadala kami mahigaan at kumot tapos magjajacket ako" sabi ko para payagan lang. Si Brylle ay nakikinig lang naman sa amin at di kumikibo.
"Kaya mo ba?" tumingin na siya sa akin.
"Kaya yan. Di pag may nangyari, nasa ospital naman ako. Tsaka, para mabantayan ko si baby" paninigurado ko sa kanya.
"Osya, sige. Dalhin niyo yung makapal na mahigaan diyan at kumot na makapal para di kayo lamigin at mag-mahaba kang pants at jacket pati sombrero. Kumain muna kayo bago kayo umalis" sa wakas! pinayagan niya ako.
Nang maayos na namin lahat ng dadalhin namin at natapos na rin kaming kumain, nagpaalam na kami sa lola ko. "Ma, alis na kami".
"O, sige. Mag-iingat kayo. Brylle, ingatan mo yang kasama mo. Wag mo hayaang mabinat yan" habilin niya. Tumango si Brylle at isinuot ang sombrero sa ulo ko. Tsaka kami umalis.
Nang makarating sa ospital, patapos na visiting hours ng NICU. "Punta muna tayo kay baby" sabi ko kay Brylle.
"O,sige. Halika, puntahan na natin siya bago matapos ang oras ng pagbisita" Ipinuwesto niya muna sa hihigaan namin ang dala namin. Nang mailagay na niya iyon, hinawakan niya ang kamay ko at tsaka nagsabi sa guard na pupuntahan namin ang baby namin "Chief, puntahan muna namin anak namin sa NICU" sabi niya sa guard. Pumayag naman ito at tinahak na namin ang daan papunta ng NICU.
BINABASA MO ANG
I'm Brave & I know It! (On-Going)
Não FicçãoIkaw ba ay madaming iniisip? pino-problema? dinadaing? naiinis ka na ba sa mga tanong mong bakit ganito, bakit ganyan? palagay mo ba, pinagtakluban ka ng langit at lupa? yung gusto mo na biglang mawala ng parang bula? Lahat naman ata tayo may proble...