CHAPTER 11

81 4 2
                                    

Heart

Nabasa ko ang mga papel na nasa mesa sa gilid ng kama ko sa ward. Hindi ko matandaan kung ano ang lahat nang nakasaad sa papel na iyon. Ang tanging alam ko lang ay, kapag isinagawa nila ang ligation, hindi na ako magkaka-anak pang muli. Bata pa ako, paano kung may mangyari sa anak ko? paano ako magkakaroon ng isa pang anak kung iwan ako ng ipinagbubuntis ko ngayon? Hindi ko alam. Sumasakit na ang ulo ko, namamaga na ang mata ko sa mga luhang pumapatak sa mga mata ko ngunit agad kong pinupunasan. Nararamdaman ko na ang pagod sa buong pagkatao ko. Gusto ko na sumuko sa laban ng buhay pero, patuloy ang katawan ko sa paglaban. Kahit anong sabi ng utak kong isuko ko na, patuloy naman ang paglaban ng katawan ko na wari'y sinasabing huwag akong susuko. Sa pagod ko'y nakatulog na ako.

Nagising ako nang sumunod na araw dahil sa nurse. As usual, kuha ng vital signs, bp at tatanungin ang papel kung napirmahan ko na dahil daw, pirmado ang mga guardian ko. Which is my lola and tita---- syempre, may basbas ni mama na nasa ibang bansa.

"Misis, mamaya iu-ultrasound ka daw. Trans-V ulit sabi ng doctors mo. Hindi mo parin napipirmahan itong mga papel dito sigurado, pagagalitan ka na nila dahil diyan. Nakapirma na ang gurdian mo, ikaw na lang ang hinihintay" sabi ng nurse sa akin na itinuro ang mga papel sa mesa habang hawak ang pang-blood pressure na dala niya. May nakasabit ring stethoscope sa leeg niya na ginamit upang icheck ang heartbeat ko at ng baby sa sinapupunan ko.

Pirmado sila? bakit hindi ko alam? ako lang talaga ang walang alam? oo nga pala, nakita ko ang pirma ng lola ko, di ko lang gaano pinansin sa dami ng iniisip ko. Sana naman nagsabi sila hindi basta pipirma. katawan ko ito! ako ang magdudusa dito!

"Sige miss. Ayoko parin pirmahan yan. Bahala si batman" sabi ko sabay lingon sa bintana at nakita ko sa labas na umuulan.

Pati ba naman panahon, dinadamayan ako? nakikisimpatya ka ba langit? sana nasasagot mo ako, kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.

Umalis na ang nurse matapos icheck kaming mga pasyente. Pero, tinawag ako ng babae sa gawing kaliwa ko malapit sa bintana ang kanyang kama.

"Miss, ok ka lang? tulala ka ha. Gusto mo makakausap?" nag-aalala niyang tanong.

Wala ang lola ko ngayon kasi kausap ang tita ko sa labas ng kwarto.

"Ha? a-ako?" sabay turo sa sarili ko dahil may kumakausap na pala sa akin.

"Oo, ikaw nga. May iba bang malapit sa akin?"  at tumawa siya. "Napansin ko kasi na kanina ka pa tulala sa labas. Gusto mo na ba lumabas?" nakangiti na siya ngayon.

"Ha? ahhh eehhh oo ate eh, gusto ko na lumabas at tumakbo sa dulo ng mundo. Kaso umuulan, kaya dito na lang muna ako" sarcastic ko ding sagot sa kanya at nakangiti na ako ngayon.

"Joy nga pala. Tawagin mo na lang akong ate Joy. Siya si Mark, dad ng baby ko" pagpapakilala niya sa kanila ng kasama niya.

"Ah,eh... Heart nga po pala. Nanganak na po kayo?" Na-entertain ako kahit paano kaya nakipag-kwentuhan muna ako.

"Oo kaso, nasa NICU pa siya eh. Labas kasi ang bituka niya" lumungkot ang mukha niya.

"Ay, sorry po. Hindi po ba nakita nung nag-ultrasound kayo?" tanong ko na halos magdikit ang mga kilay ko sa pagtataka.

"Hindi nung una. Nung manganganak na ako, pag-ultrasound ulit, doon na nakita. Kaya, isinakay ako sa ambulance para i-admit dito dahil risky ang panganganak ko" pagpapaliwanag niya.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon