CHAPTER 6

134 3 0
                                    

Heart

Maraming araw at linggo ang nagdaan. Paulit-ulit na routine araw-araw. Ang pagkakaiba lang, magkasama na kami sa iisang bubong ni Brylle habang nag-aaral ako. Istudyante na, live-in partner pa. Nag-a-apply din siya ng trabaho. Wala naman problema kasi, mataas parin ang grado ko at pursigido naman siyang makahanap ng trabaho. Para kahit papaano, magkaroon kami ng income.

"Gising na baby, may pasok ka pa" pag-gising sa akin ni Brylle sabay halik sa noo ko.

Nagmulat ako ng mata at medyo nahihilo ako "sige tatayo na ako mamaya" sagot ko na pumikit ulit.

"Pero Heart, baka malate ka sa klase mo" pamimilit niya.

"Masakit kasi ang ulo ko eh tapos nahihilo ako. Tatayo naman ako mamaya. Papasok ako wag ka mag-alala. Aalis ka na ba?"

"Oo aalis na ako. Nakahanda na ang uniform mo. Maliligo at kakain ka nalang tapos pumasok ka na ok?"

"Sige" at naupo na ako sa aking kama.

"Alis na ako. Sana matanggap na ako ngayon. See you later! Bye!" sabay halik sa noo ko at lumabas na ng pinto ng kwarto.

Ano ba 'yan! inaantok at nahihilo talaga ako. Nakakainis. Ayoko na sana pumasok hindi naman pwede. Kinakausap ko na naman ang isip ko.

Tumayo na ako at naligo. Matapos nun, umalis na din ako sa bahay at pumasok ng eskwela. Madami kami sinagutang quiz. Nakakainis lang kasi parang tamad na tamad ako ngayon. Ang oras, napakahaba para sa akin.

Nakaupo ako sa tambayan namin. Isang mahabang mesa na may mga upuan at malapit sa dart board. Nang dumating ang mga kaibigan kong sila Aiko, Angelyn, Gladys, Steph, Joyce. Iba-iba kami ng course magka-kaibigan lang talaga kami sa school.

"Oh, girl! mag-isa ka ata dito? saan mga classmate mo?" tanong ni Joyce sabay lapag ng bag sa mesa at umupo.

"Oo nga! mag-isa ka 'di ka nalulungkot?" sabi ni Steph sabay tawa kaming lahat.

"Ok naman ako dito ah. May problema ba pag loner?" sagot ko sa kanila.

"Wala naman. Sino kausap mo dito?" Tanong ni Aiko.

"Ako. Ako lang. Di mo nakikita sarili ko diyan sa tabi mo?" sagot ko sabay tawa kasi nakapang-asar na naman ako.

"Nananakot ka na naman ah! kainis ka!" sabi no Aiko at sumimangot.

Biglang natahimik ang lahat kasi nakalabas ang mga notebook at nagre-review sila sa mga quiz nila mamaya. At bigla nalang tumingin ng seryoso si Ate Angelyn sa akin. Oo, mas matanda siya sa amin. Galing na siya sa ibang school noon.

"Buntis ka no?" biglaang tanong niya sabay tingin ng lahat sa kanya na nakatitig sa akin at naghihintay ng sagot.

Tumingin naman yung apat sa akin para malaman ang isasagot ko "hindi ah! baliw ka ate anj?" balik ko ng tanong sa kanya.

"Hindi. Buntis ka eh! 'wag mo na itago ano ka ba?!" sabay tawa ng nakakaloko.

Nasa after shock padin kaming lahat pero handa ako sumagot sa mga tanong niya.

"Hindi nga ako buntis. Baliw 'to. Oy, girls! nababaliw na 'tong kaibigan natin" sabay tawa ko. At nagtataka padin yung apat kung makikisali ba sa tawa o magiging istatwa na lang.

I'm Brave & I know It!  (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon